Brix's POV
>>> Please play KISS THE RAIN by YIRUMA while reading this part to feel the emotion, hihi<<<
I CAN FEEL IT.
I CAN FEEL THE PAIN.
I'M FEELING TOO MUCH PAIN RIGHT NOW.
AND I THINK THIS WOULD BE THE LAST TIME.
THE LAST TIME THAT I WILL ENJOY.
THE LAST TIME TO BE FREE.
THE LAST PAGES OF MY LIFE.
THE LAST MINUTES TO BE WITH MY FAMILY.
THE LAST MINUTES TO BE WITH HER.
THE LAST MINUTES TO BE WITH THE ONE I LOVE.
THE LAST MINUTES TO BE WITH STEFFI BEATRICE ALEJANDRO.
Nararamdaman ko na talagang babagsak na ako. Simula noong pauwi na kami galing sa mall kaya itinulog ko nalang yung sakit sa biyahe. Nagbabakasakali akong pag gising ko, mawawala na iyong nararamdaman ko pero hindi parin pala.
Kaya nga gusto kong makita yung paglubog ng araw. Sa paglubog nito, kailangan ko nang tanggapin na mawawala na ako, na malapit nang matapos ang buhay ko. Na malapit nang mawala ang liwanag ko sa mundong ito. Kumbaga, isang kandilang malapit nang maupos, malapit nang mawalan ng ilaw. Ganun na ang nararamdaman ko ngayon, kaya sa huling pagkakataon, titiisin ko ang sakit na nararamdaman ko, na hindi ako babagsak sa huling sandaling makakasama ko siya.
I pleaded to be with her watching the sunset and here we are now, facing the sea and the sun, feeling the breeze ang looking the the setting of the sun. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan, walang pakialam kung madumihan ang mga damit namin. Nakasandal ako sa mga balikat niya at sinusuportahan naman niya ang likod ko habang hawak-hawak ko pang ang isa niyang kamay na may rosayro.
Nagdadasal kami na sana kahit konting panahon pa, madugtungan ang buhay ko. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko pang ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal, gusto ko pang makabuo kami ng mga bagong ala-ala hindi na bilang magbestfriends kundi bilang dalawang taong may hatid na pagmamahal sa isa't isa.
"Steffi Beatrice Ramirez Alejandro." Panimula ko.
Naramdaman kong tutulo na ang mga luha ko ang hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay niya.
"Siya, yung bestfriend ko. Maganda, matalino, mabait, mapagmahal. Minsan, sobrang ingay na nakakarindi na sa tenga. Malakas kumain pero magaling magluto. Pero kahit ano pa siya o sino pa siya, siya lang ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso ko at mahal na mahal ko. Laging nandiyan para sa akin. Para pasayahin ako. Para magsabing hindi ako dapat sumuko kahit anong mangyari. Kahit na sa mga panahong nais kong mapag-isa, hindi parin siya umalis sa tabi ko. Noong nalaman niyang may sakit ako, imbes na layuan niya ako ay mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Halos ipagtabuyan ko na nga siya noon dahil ayaw kong may masaktang tao nang dahil sa akin. Pero makulit siya eh, sobrang kulit niya, dahil gusto ka niyang alagaan, dahil gusto niyang maramdaman mo na hindi ka nag-iisa, na may karamay ka."
"Brix..." naramdaman ko ang pagaptak ng luha niya sa kamay ko. Pagtingin ko sa kanya, namumula na ang mga mata niya at tuluy-tuloy sa pag-agos ang mga luha niya.
Nginitian ko lang siya at sinabing, "Gumawa siya ng napakalaking sakripisyo sa buhay niya. Huminto ng isang sem para mas maalagaan ako habang ang mga magulang ko ay naghahanap ng mga doctor para lang madugtungan ang buhay ko. Ung una, umayaw ako sa ginawa niya pero yung mga magulang na niya mismo ang nagsabi na kagustuhan niya iyon. Dahil doon, mas lalo ko pa siyang minahal, hindi na bilang bestfriend kundi bilang isang babae, bilang siya, si Steffi. Hindi ko lubos akalaing magiging ganito siya. Ang dami niyang binago sa buhay ko. Kung noon, naduduwag ako sa mga bagay-bagay, ngayon, mas nagpapakatatag ako para sa kanya at para narin sa pamilya ko. Utang ko sa kanila ang buhay ko. Mahal na mahal ko silang lahat. Mahal na mahal ko si Steffi at hindi iyon magbabago kahit na umalis na ako, kahit na malapit na akong mawala sa mundong ito. Babaunin ko ang mga magagandang ala-ala naming dalawa, lalo na ngayong birthday ko. This is the best birthday ever, and it was made possible because of her."
BINABASA MO ANG
The Last Wish
Lãng mạnThis is my first ever story in Wattpad but I had been writing stories before. I just didn't have the time to write/post it here because I don't know how,haha. Anyway, please do read if it interests you. Thank you!! v(^-^)v