Brix's POV
Isang linggo na din ang nakalipas at inilabas na ako sa ospital. Tatlong linggo nalang at aalis na ako, hindi na muling babalik pa. Nakakatayo at nakakagalaw pa naman ako tulad ng isang normal na tao pero hindi ko alam kung hanggang kailan ito.
Sa ngayon, nandito ako sa kwarto ko, nagmumukmok.
Haay, wala naman na akong magagawa, mamamatay na rin lang ako.
Mabuti pang ilayo ko na ang sarili ko mula sa kanila...
Para hindi sila mas lalong masaktan...
*Knock knock*
"Brix nandiyan ka ba?"
Boses palang,kilala ko na kung sino ang nagsalita...
Si Steffi, ang bestfriend ko. Pero hindi niya alam na hindi lang bilang bestfriend ang turing ko sa kanya. Subalit, ayaw ko rin lang namang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil masasaktan lang siya kapg nawala na ako...
"Umalis ka."
Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero ayaw ko lang na makita niya akong ganito.
"Brix naman, ayaw mo ba akong makita?"
"Pwede bang umalis ka? Hindi kita kailangan."
"Brix, please, huwag mo naman akong ipagtabuyan."
Ano bang ginagawa niya dito. Ayaw kong magpakita sa kanya dahil sa kalagayan ko. Mas maganda na hindi nalang niya ako makita para hindi na masakit sa kanya kapag nawala na ako.
"Please open the door..."
Kahit gusto ko pang buksan ang pintuan para sa kanya, ayaw ko. Dahil kakaawaan niya lang ako. Ayoko na may umiiyak na tao nang dahil lang sa akin.
"Umalis ka Steffi."
"Brix, alam ko na ang lahat, sinabi na nila tita sa akin. Please, don't do this to me. Kahit na mawawala ka na, nandito parin naman kami para sa iyo. Please, huwag mong gawin ito. Sila tito at tita, nasasaktan din sa kalagayan mo at ginagawa nilang lahat para lang mapasaya ka, pero pilit mo namang inilalayo mo ang sarili mo sa kanila, sa akin. Umalis sila para hanapin ang mga pinakamagagaling na doctor para sa iyo,kaya sa akin ka nila inihabilin..."
Umiiyak na siya habang sinasabi niya iyon sa likod ng pintuan ko. Ako din dito sa loob, masakit din sa akin na bilang na ang mga araw ko sa mundo. Pero tama siya, hindi dapat ako ganito.
Unti-unti kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Steffi na umiiyak.
"Brix!" Kahit na umiiyak na siya, nagawa parin niyang ngumiti sa akin nang makita niya ako.
"Steffi." Tanging nasabi ko lang sa kanya.
Bigla naman niya akong niyakap na dahilan ng pagkakatumba naming dalawa sa sahig.
Kahit na natumba na kami, nakayakap parin siya sa akin at umiiyak...
"Ang bigat mo, Steffi."
Napatigil naman siya sa pag-iyak at bumangon na...
"I'm sorry..."
----------
"Uy, ganito nalang ba ang gagawin mo? Ang magmukmok?"
"Bakit? Mamamatay na rin lang naman ako diba? Mabuti pang ilayo ko nalang ang sarili ko sa kanila..."
"Mali ang ginagawa mo Brix."
"Anong mali dito, mabuti nga para hindi na sila masyadong masaktan eh..."
"Brix."
"Steffi, wala ka namang magagawa para dugtungan ang buhay ko diba? Sooner or later, iiwan ko rin kayong lahat!"
"Brix, I'm willing to be your genie."
"Genie? Hah? Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Siguro nga, hindi ko na madudugtungan ang buhay mo pero hayaan mo naman akong pasayahin ang mga araw na nandito ka pa, please?"
"Anong gagawin mo?"
"I will grant you three wishes."
"Hindi Aladdin ang buhay ko Steffi."
"I know Brix."
"Hindi mangyayari ang gusto mo Steffi."
"Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan dito eh! Nasasaktan din sila tito at tita! Ako rin naman nasasaktan! Gusto ka lang naman naming mapasaya,Brix! Kaya sana naman pagbigyan mo ako. Let me make your days happy..."
"Tingin mo ba, magagawa mo talaga ang mga kahilingan ko?"
"Gagawin ko ang lahat para matupad ang mga iyon, I promise."
"Gusto kong makita ang kuya ko."
Iyon ang huling sinabi ko sa kanya bago ako umalis sa kwarto ko. Nagugutom din naman ako kahit papaano kaya kailangan kong kumain...
3}7�5=\

BINABASA MO ANG
The Last Wish
Lãng mạnThis is my first ever story in Wattpad but I had been writing stories before. I just didn't have the time to write/post it here because I don't know how,haha. Anyway, please do read if it interests you. Thank you!! v(^-^)v