Chapter 5

8 0 0
                                    

Brian's POV

Bigla na lamang natumba ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko, bigla na lamang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at gulat na gulat sa nangyari. Ganito na ba talaga kahina sa Brix simula noong nawala ako sa bahay namin, simula noong naglayas ako at iniwan ko siyang mag-isa?

Pinuntahan kaagad ni Steffi ang kapatid ko at ibinangon ito mula sa pagkakatumba. Halata sa mukha niya ang sobrang pag-aalala.

"Brix, gumising ka!"

"Steffi, let's bring him to the hospital. Brian, come help your brother please?!"

Pati ang boss ko, nabigla din siguro sa kapatid ko at doon lang ako nakabalik sa katotohanan. Tinulungan ko si Steffi na ibangon ang kapatid ko at binuhat ito pababa sa restaurant. Pati ibang mga costumers nakatingin din sa amin habang binababa namin ang kapatid ko.

Ginamit namin ang kotse ni Steffi at pumunta sa pinakamalapit na hospital dito, naiwan na si boss. Ako na ang nagmaneho ng sasakyan habang si Steffi ay inaalalayan ang kapatid kong wala paring malay sa ngayon. Pati ako, nag-aalala din sa kapatid ko. Ang hina na niya kumpara noong huli ko siyang makita. Mas lalo din siyang pumayat ngayon, wala na yung katawang inalagaan niya ng ilang taon.

Pagkarating namin sa hospital, inasikaso kaagad siya ng mga doctor. Makalipas ang ilang minuto, stable na daw ang lagay niya at inilipat na siya sa kwarto niya. Hindi ko parin kinakausap si Steffi dahil pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya, sa pamilya ko,lalo na sa kapatid ko. Nahihiya ako na kapag kinausap ko siya, may mangyari pang hindi maganda.

Nakaupo siya ngayon sa bedside chair at umiiyak. Sobrang pag-aalala ang makikita mo sa mga mata niya. Simula noong dinala si Brix dito, hindi na natigil pa ang pagluha niya. Ako? Nakaupo lang dito sa sulok, nakikiramdam, nananahimik at nahihiya.

"Kuya Brian?" hugot lakas na tawag sa akin ni Steffi sa gitna ng mga hikbi niya...

"Hindi pa siya mawawala sa atin diba? Kasi magkakaayos pa kayong pamilya hindi ba?" tanong niya sa akin.

"..." hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Wala akong lakas ng loob upang sagutin ang mga tanong niya. Pero sa loob ko, gusto kong sabihin na sana hindi pa ako huli para itama ang pagkakamaling nagawa ko sa pamilya ko. Na sana hindi muna siya bumitaw. Na sana, hindi pa mawala ang kapatid ko. Kahit saglit na panahon na lamang, nanaisin kong muli siyang makasama pa.

"Salamat kuya Brian kasi ginawa mo ito. Salamat kasi tinulungan mo akong madala dito si Brix..."

"Steffi, huli na ba ako?" Iyan ang lumabas mula sa bibig ko.

"Kuya..."

"Huli na ba ako para itama ang mga pagkakamaling nagawa ko sa pamilya ko? Kay Brix?"

"Kuya, hindi pa. Hindi ka kailanman naging huli pagdating kay Brix. Alam mo kuya, naiintindihan naman kita kahit papaano. Alam kong mahalaga sa iyo ang pag-aaral mo dahil iniingatan mo yung pagiging dean's lister mo, pero sa pangyayaring ito, nahila ka pababa. Alam kong naging mahirap sa iyo ang nangyari pero mas nahihirapan ang kapatid mo sa kalagayan niya noon magpahanggang ngayon."

"Kung babalik ba ako sa pamilya ko, tatangggapin ba nila ako ulit?"

"Oo naman kuya, sinisigurado ko sa iyong tatanggapin ka ulit nila, pamilya ka nila eh." Sagot niya nang may ngiti sa labi niya.

"Ilang araw pa ba?"

"Ang alin kuya?"

"Ang natitira sa kapatid ko para makasama natin siya?"

"19 nalang kuya. At gusto niya na sa huling mga araw niya, makasama niya ang pamilya niya..."

"Steffi, babalik na ako sa kanila."

"Talaga po? Matutuwa si Brix nito kuya! Na sa wakas natupad na din ang unang hiling niya."

"Hiling?"

"Opo. May tatlo siyang hiling bago siya mawala, at ang una ay ang makita ka niya kuya, sa wakas, natupad na iyon."

---------- 


The Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon