Chapter 1

31 0 0
                                    

Brix's POV

Paggising ko, nasa hospital na pala ako. Madalas na akong inaatake ng sakit ko. Labas masok na ako dito sa ospital na ito at naging suki nadin ako ng mga doctor. Kasalanan ko ba kung ipinanganak akong mahina? Hindi naman diba? Wala rin akong sinisisi sa sakit kong ito at higit sa lahat nagpapasalamat pa nga ako sa mga magulang ko na laging nasa tabi ko at sa bestfriend ko na si Steffi.

Familiar ba ang name? Mahilig kasi yung nanay niya na manuod ng My Love from the Star noong kapanahunan pa nila kaya isinunod ang pangalan.

Tatlong taon ko na ding iniinda ang sakit kong ito. Hindi na nga kinaya ni kuya ang pag-aalaga sa akin kaya naglayas siya at hindi ko alam kung nasaan hanggang ngayon. Pero hindi ako pinabayaan ng mga magulang ko. Lahat ng sentimong naipon nila napunta lahat sa pagpapagamot sa akin. Halos malugi na nga yung negosyong pinapatakbo nila nang dahil sa akin.

Ang sabi ko noon, pabayaan nalang nila ako para hindi na sila maghirap pa pero hindi nila iyon ginawa, bagkus ay nagtrabaho pa sila at inalagaan ako.

Pumasok si mama na umiiyak sa kwarto ko, kasunod niyon ay ang pagpasok din ni papa na malungkot...

"Ma?"

"Angelo, anak." Tumakbo siya sa akin at niyakap niya ako. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.

"Ma, bakit po kayo umiiyak? Buhay pa naman ako ma, diba?"

"Anak, I'm sorry..."

"Ma, wala pa kayong kasalanan. In fact, dapat ako pa nga ang mag-sorry sa inyo dahil palagi nalang akong nadadala dito sa hospital eh... Stop crying ma, please..."

"Anak." Nabaling naman ang atensyon ko kay papa nung sandaling iyon.

"Yes pa?"

"I'm sorry that we cannot do anything for you." Sabi niya sa akin sabay hawak ng kamay ko.

"Bakit po? MA? PA? Ano po ba ang problema?"

"Anak, may taning na ang buhay mo..." pagkasabi ni mama iyon, hindi na niya napigilan ang pag-iyak niya at humagulgol na siya habang nakayakap sa akin...

Nang marinig ko iyon, parang biglang huminto ang oras para sa akin...Parang nalaglag ang puso ko and it shattered into pieces.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko nang oras na iyon. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa nalaman kong balita na may taning na ang buhay ko, na mamamatay na ako...

"Ma, ayoko pa pong mamatay, ayoko pang mawala sa piling ninyo, paano nalang po kayo kapag wala na ako. Pa, gusto ko pa pong mabuhay...madami pa po akong gustong gawin, gusto ko pang hanapin si kuya at pabalikin siya sa atin..."

"Anak, kami rin naman, ayaw pa naming mawala ka eh...at matagal na din naming hinahanap ang kuya mo, pero wala talaga anak..." Sagot sa akin ni papa.

"Wala na po ba talagang paraan para madugtungan ang buhay ko?"

"Anak, kahit anong paraan, gagawin at hahanapin namin para lang madugtungan pa ang buhay mo. Ikaw nalang ang meron kami, iniwan na tayo ng kuya mo at ayaw naming mawala ang isa sa mga pinaka-iingatan naming kayamanan anak. Pero...wala na anak...kukunin ka na sa amin..."

"Gano katagal pa ma?"

"Isang buwan nalang anak..."

"Ma, ang bilis naman. Madami pa akong gustong gawin sa buhay ko..."

"Angelo, patawarin mo kami kung ganito na ang nangyayari sa iyo, pero huwag mong iisiping hindi namin gagawin ang lahat madugtungan lang ang buhay mo..."


The Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon