He is in Trouble :(

181 2 0
                                    

CHAPTER  40

JELLY’S POV

“Kyaahhh! Ang galing nina Britty diba Jelly?”

Nagnod lang ako kay Jaimee..

“Teka! Maiba nga. Jelly okay kanaba? At ano ba yung nangyari?”

Naiisip ko nanaman yung nangyari kanina ang sakit sakit.

“A-ah Jaimee!”

Nakita siguro ako ni Angie kaya binawalan niya si Jaimee.

“Ahh. Sorry hehe “

Nagsmile lang ako ng pilit..

“Ahm. Kuya Jake pwede bang sa park mo nalang ako ibaba? Gusto ko muna kasing magpahangin.”

Tiningnan ni Kuya Jake si Jaimee tapos nagtinginan silang tatlo na parang nagtatanungan..

“Ano ba kayo! Okay lang kaya ako. Gusto ko lang magpahangin”

Sabay sabay silang nag nod..

Ibinaba na nila ako sa may park. Kailangan kong magpahangin at magi isip isip.

Sa lugar na to kung saan ako nakaupo dito ko siya unang nakita…

“Jel *hik* bumalik ka *hik* Hahaha sabi ko na eh! *hik*”

May narinig akong nagsalita alam ko siya yun. Malakas ang kutob ko..

Maya maya naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko.

Tinanggal ko yun at humarap ako sakanya..

Pinagmasdan ko siya. May pasa siya sa kaliwang pisngi at may nakita akong dugo mula sa lower lip niya..

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko magawa dahil sa galit na nararamdaman ko skanya..

Naramdaman kong tumutulo nanaman ang mga luha ko.

“Nandito ka nga *hik* di ba nandito ka para *hik* balikan ako?”

Nakita kong nag umpisa naring tumulo ang mga luha niya at patuloy rin sa pagpatak ang mga luha ko..

Umiling-iling ako at iniwan siyang nakatayo sa Park. Ayoko na! ayoko ng maramdaman ang sakit! Kapag nakikita ko siya patuloy akong nasasaktan!

Tumakbo ako palayo sa lugar na yun kung saan kami nagkakilala noon. Kung saan nagumpisang mahulog ako sakanya at ang araw na yun pipilitin ko ng kalimutan..

“Jellllyyyyy!!”

Narinig ko ang sigaw ni Rain. Pero hindi ko siya pinansin.. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit hindi ako makakita dahil natatakpan ng luha ang aking mga mata .

“Jellyyyyy!”

*BOOGGGSSSSHHH!*

May narinig akong malakas na tunog kaya lumingon ako sa likod ko..

“Rainnnn!”

Tumakbo ako kung saan ko siya nakitang nakahandusay at duguan.

“Raiiiiin gumising ka! Tulong! Tulungan niyo kami! Parang-awa na!”

Nahit and run siya ng isang bus hindi ko nakita ang plate number nung bus. Pero wala muna akong pakialam dun kailangan ko munang manghingi ng tulong.. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sakanya!

“J-jelly p-patawarin *hik* m-mo na a-ako”

Pinagmasdan ko siya hindi na huminto ang pag-agos ng mga luha ko sa aking mga mata..

Ms. Simple+Mr. Campus Popular=LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon