CHAPTER 41

148 2 0
                                    

CHAPTER 41

BEVERLY’S POV

Balik sa kulitan at kwentuhan ang dalawang magkaibigan na sina Jayson at Britney. Ngayon lang ulit sila nagkaroon ng bonding na sila lang.

Kasalukuyan silang nasa bahay ni Jayson..

Maya maya nagkaroon ng siryosong usapan ang dalawa.

“Ano? Pinagpalit ka lang niya ng ganun ganun nalang?!”

Galit na sigaw ni Jayson kay Britney ng ikinwento ni Britny ang nangyari sakanila ni Tyron..

Para siyang batang sinesermunan ng magulang. Nagingilid na ang luha ni Britney at nakatingin lang sa kawalan.

“Mas mabuti nga na kalimutan mo nalang yan TinTin! Wag magkakamaling magpakita sakin ang p*tang yun!”

Tuluyan ng bumagsak ang luha nito.

“Wahhh! *sob* JayJay! Ang sama sama niya! *sob* Kahit anong gawin ko pumapasok pa din siya sa isip ko! *sob*”

Yumakap si Britney sa kaibigan at humagulgol ng iyak na parang bata.

Nasasaktan si Jayson sa nangyari sa kaibigan niya..

Nasaktan din siya ng malaman niyang may mahal ang kaibigan niya pero isinantabi niya ito dahil mas nasasaktan siya kapag nakikita niya itong umiiyak.

“Shhh. Tahan na Tin Tin. Nandito lang ako. Ako di kita iiwan kahit kailan”.

Siryosong sambit ni Jayson sa kaibigan..

“Thank you *sob* Lagi kang nandiyan para sa akin sana ikaw nalang minahal ko”.

JAYSON’S POV

“Thank you *sob* Lagi kang nandiyan para sa akin sana ikaw nalang minahal ko”.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin..

Sa tingin ko ngayon na ang tamang panahon para malaman niya nararamdaman ko..

“Alam mo Tin Tin. May kailangan akong sabihin. Ahhm. A-alam mo . Sh*t! Paano ko ba sasabihin! S-sana nga ako na lang minahal mo. H-hindi kita sasaktan nakakasigurado ako. Kase bata palang tayo mahal na mahal na kita”.

Tuloy tuloy kong sinabi! Wooh! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib..

Teka bakit di naman siya nag react?

“Tin Tin. Uyy!”

Pagharap ko ng mukha niya sa mukha ko nakita ko natutulog pala siya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang sakit ..

Sh*t! Siguro hindi pa ngayon tamang panahon!

Kinarga ko siya at dinala sa kwarto ko..

Habang nakahiga siya pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha habang inaayos ang buhok niya..

“Alam mo Tin Tin. Sayo lang ako nagkaganito. Maraming naghahabol na babae sa akin pero alam mo ikaw lang gusto kong pakasalan. Ikaw lang iniisip ko nung nasa States ako”.

Naramdaman kong nangingilid ang luha ko kaya tumingin ako sa may kisame para mapigilan ang pagtulo.

“Bata pa tayo alam kong mahal na mahal na kita. Kaya nung umalis kami sobrang nalungkot ako kasi di kita makakasama habang tumatanda tayo”.

“Ang saya ko nung bumalik kami ng pinas. S-sobrang saya ko. Yung mga araw na yun iniisip ko pano ko icoconfess sayo nararamdaman ko kasi baka maunahan pa ako. K-kaso matagal na pala akong naunahan. M-may mahal kanang iba”.

Ms. Simple+Mr. Campus Popular=LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon