Time to let go :(

175 2 0
                                    

CHAPTER 35

BRITNEY’S POV

Nakalipas ang maraming araw pagkatapos ng maraming pangyayari sa buhay ko. Palapit na din ang araw na dapat mgkasama kaming dalawa.

Ang MR. AND MS. VALENTINES 2013

Bukas na ang araw ng aming pageant (February 13, 2013) ngunit wala akong balita kay Tyron hindi siya pumapasok. Minsan papasok siya mukhang laging nakainom at walang kibo sa klase.

Ibang Tyron na siya. Hindi na siya yung nakilala ko. Hindi na siya katulad ng dati.. wala pa rin kasagutan ang mga tanong sa isip ko. Bakit niya ako iniwan? Bakit hindi siya nagpapaalam? Bakit kung kailan okay na lahat iiwanan niya ako?

“Britty! Wala ka nanaman sa sarili mo! Parang wala lang kami sayo *pout*”

Narinig kong sabi ni Angie. Alam na nila ang nangyari sa amin ni Tyron. Hindi sila makapaniwala sa nagawa niya sakin.

“Oo nga naman Britty! *lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako* Tignan mo nga sarili mo sa salamin! Ang payat payat mo na! Ghhhaadd!!”-Jelly

Ilang weeks na din akong walang ganang kumain. May araw pa nga na nagalit sa akin si Kuya dahil ayokong kumain.

“Haaalllerr! Hoy babae! Baka nakakalimutan mo! Bukas na ang pageant tingnan mo nga itsura mo depressed na depressed!”

Sabi ni Jaimee sabay upo sa tabi ko. Nasa canteen kmi para kumain ng Lunch..

“Balita ko wala na daw sila ni Papa Tyron! Kyaaahh! Dapat lang sakin yun!”-Girl 1

“Di naman talaga sila bagay! Mas bagay kaya kami ni Tyron my Loves! Kyaaahh!”-Girl 2

Magmula nung nalaman ng lahat na wala na kami ako nalang lagi ang bulung bulungan sa buong campus. Pero nasanay na ako. Hindi ko pinapakita sakanila na nasasaktan ako.

“wow! Grabi naman mga bulong niyo ang hina hina!!”

Tumayo si Jaimee mukhang galit na galit na humarap sa mga nagchichismisan..

“Jaimee! Hayaan mo na sila. Tara na umalis na tayo dito”

Hinila ni Angie si Jaimee palabas ng canten at hinila naman ako ni Jelly para sumunod sa dalawa.

JAIMEE’S POV

Walanjong mga Flirts na yun!! Kung hindi lang ako pinigilan ni Angie makakatikim sakin mga yun!!

”Bakit mo ba kasi ako pinigilan Angie?!! Kakagigil mga babaeng yun!!”

Sabi ko sabay tayo sa harap. Naaawa lang naman ako sa kaibigan namin. Magmula nung mga nangyari madalang nalang siyang magsalita. Parang wala siyang naririnig. Pero kilala namin siya. Alam namin na nasasaktan siya.

“Chill kalang kasi. Mas dadami ang gulo. Mas mabuti pa wag nalang natin silang pansinin”

Sabi naman ni Angie habang naglakad lakad na parang may iniisp. Nasa classroom kasi kaming apat. Wala pa mga classmates namin Lunchbreak pa din kasi.

“Tama si Angie. Kahit naman ako gigil na gigil sa mga bruhildang yun!”

Sabat naman ni Jelly na kasalukuyang pinapaypayan si Britty.

“Oo nga pala Britty dadalhin ko mamaya sa bahay niyo yung mga damit mo. Okay na daw kasi”

Ako kasi ang incharge sa mga damit ni Britty since may Boutique naman kami..

“Okay”

Tipid at matamlay na sagot ni Britty..

“Hmm. Girls Cr lang ako”

Ms. Simple+Mr. Campus Popular=LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon