CHAPTER 51

95 1 0
                                    

 

 

CHAPTER 51

 

 

BRITNEY’S POV

 

“Mom! Dad! May bisita po pala ako mamaya. Dito po siya magdidinner”

Balita ko kina mom habang kumakain kami ng breakfast.

 

 

 

“Sure. Sino yan? Bagong manliligaw ba? Si Jayson ba? Hihi”

Naku. Ang mommy talaga ang pasaway -___-

 

 

 

“Hindi po si Jayjay. Basta makikita niyo din po mamaya”

Nagsmile silang tatlo sa akin ng nakakaloka. Hay kami na ata ang pamilya ng baliw. Hahaha

 

 

Natapos na akong kumain kaya nag ayos na ako..

 

 

“Kuya una na ako. Cocommute nalang ako. May kailangan pa kasi akong ipass ng maaga”

 

 

 

 

“Teka bakit hindi kana pala sinusundo nung Josh na anak ng president ng school niyo?”

Hala! Lagot ako neto. Baka magalit sila mom sakin. Ang daldal talaga ni kuya.

 

 

 

“Naku kuya una na ako babye!”

Dali dali akong lumabas ng bahay para mag abang ng masasakyan…

 

 

Ang tagal pala mag abang ng masasakyan. Lakarin ko nalang siguro malapit lapit lang naman.

 

 

Habang naglalakad ako may pamilyar na kotse sa likod ko ang sumusunod sakin.. binilisan ko lang ang paglakad ko.

 

“Hey! We need to talk”

Nakita ko si Josh nakatingin ng siryoso sa akin.

 

 

 

“H-ha? A-ako?”

Tumingin ako sa likod  ko baka may tao siyang kausap sa likod ko.

 

 

 

“Kulet. Ikaw kinakausap ko”

Bahagya siyang natawa sa akin.

Teka ano daw? Kulet?

 

 

 

 

“Ano ulit twag mo sakin?”

Ms. Simple+Mr. Campus Popular=LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon