Chapter 3Paulit ulit kong sinasabunutan ang sarili ko ng maalala nanaman yung nangyari kahapon. Eh kasi naman ang tanga lang eh bakit ko ba naisip yon? Kasi talamak ngayon ang networking. Sabi ng kabilang isip ko.
Ako lang mag isa ngayon sa room, umuwi si Nikki sa bahay nila. At ako? Eto iniisip parin ang kahihiyang ginawa ko. I stared at the paper he gave me and my mind's telling me to text him to apologize.
"Pano kung pumayag kaya ako? Para makabawi naman ako. God what have you done!"
But I'm not yet ready to face him. "Pero ayaw mo non makikita mo ulit yung gwapo nyang mukha?" I frowned at my own thought. Bakit ba naman kasi naisip ko 'yon.
Wala akong balak lumabas ngayon. Oo ayoko muna, baka may pahabol at maging tatlo pa ang kahihiyan ko ngayong linggong 'to.
My phone rung at agad ko naman itong sinagot.
"Oh kulot napatawag ka?"
"I just wanna ask you out." He plainly said. Veio is my bestfriend and he's studying here in manila too. Kaya lang ay madalang lang kami magkita nito dahil pareho kaming busy.
"Is it a date?" I said grinning. And wiggle my eyebrows as if he is seeing it.
"Asa!" Sabi nya sabay tawa ng malakas.
"Gago! Osige lumabas ka mag isa mo!"
"Kidding. Okay. Date then?"
"Yep see you kulot! I missed you."
Ganyan talaga kami mag usap ng lalaking 'yan, he doesn't mind what I do. Sinasakyan nya lagi yung mga trip ko at never pa nya 'ko iniwan sa ere.
Naghanda na'ko para sa 'date' namin kuno. So I did my usual routine and changed into a short and a school shirt. Oo laging school shirt suot ko, ano ngayon eh proud ako..
Napag usapan naming dito nalang kame sa katipunan, marami naman mapupuntahan dito.
We met infront of the school and I immediately smile as soon as I've seen him. Kahit ganyan 'to miss ko na sya.
"Hey" I uttered. Lumingon sya at ngumiti.
"Shall we?" Sabay lahad ng kanyang kamay.
"Pwede ba stop englishing me, I'm not yet graduating!" I hissed, trying to immitate my classmates in Humanities class.
He just laughed at ginulo ang buhok ko. "Gago ka parin." He uttered.
I just glared at him and started to walk. Baka hindi pa kami makaalis kung maglolokogan pa kami nito.
Naglalakad lang kami sa my sidewalk kasi feel lang namin, at presko kaya dahil sa mga puno. "So how are ya?" He asked, starting a conversation.
Napapaisip ako, pareho naman kaming taga pampanga nito, wala naman silang lahing kano pero kung maka ingles eh parang duduguin ako.
"Ewan." I said under my breath, kumapit ako sa braso nya. Naalala ko nanaman ang buhay ko dito, gusto ko nal talaga lumipat.
He just sighed. "Okay spill it."
"Nakaka dalawang semestre na tayo pero wala parin akong kaibigan, I mean it's not as if I can't live without it. Kaso parang na o-out of place ako. Alam mo yon? Yung parang...ewan parang hindi ako para dito." Tuluy tuloy na sagot ko. The moment I vent out those words I felt relief. Gumaan ang pakiramdam ko. Haay Vieo you really are my confider.
"Maybe you're being the usual you when you're in class. Come on step out of your box 'kay? You may not find any friend inside of a room, then find it outside. I am your friend, but I can't accompany you anytime. So wake up okay? I bet wala kapang org hanggang ngayon." Yes I'm different pag nasa room, ewan bet ko yata magpaka dalagang pilipina. Hindi rin ako friendly kaya goodluck talaga saakin. And the org thing, isa pa'yon! Wala pa'kong mahanap... You don't need to find Gab magpapatransfer ka rin.
"Magpapatransfer ka? Hindi ba dream school mo'to? Don't waste an opportunity just 'cuz of that damn thing. Antagal natin magreview makapasa lang tapos sasayangin mo bigla? You're being irrational Gabbi." He snapped.
Nagtagis naman ang bagang ko sa huling sinabi nya. What the hell! "Eh kung ikaw kaya makaranas ng dinaranas ko?! Irrational. Psh!" Kumalas ako sa pagkakahawak sa kanya at umalis. I entered the first store that I saw. It's a cafe. Kakabadtrip 'to ang dalang na nga lang namin magkita, ano pa pinagsasabi nya!
Umorder ako ng burger, fries at Choco milk shake.
"Hey I'm sorry for being insensitive. Sorry na please please please." He begged. Sincerity is evident in his eyes.
My heart soften the moment I saw the sincerity in his words. "Fine, Kulot. Tss" I rolled my eyes and he just smiled.
Hindi na namin pinag usapan ulit 'yon. Instead, we talked about our own lives, he even asked me na sabay kaming umuwi ng pampanga nextweek. Pumayag ako dahil 2 weeks na akong hindi nakakauwi.
"Thanks babe." I said sweetly the moment we reached my dorm.
"You're being in your flirtatious self again." He said as a matter of fact. At tumawa nalang ako. He hates being flirted kaya madalas kong ginagawa 'yon para mainis sya.
"Enough 'kay?!" He said while frowning.
"Fine.." I chuckled. We hugged each other and bid goodbye. Before I entered the door.
Someone's POV.
I'm in my car when I saw something."Hello? Change of plan." I said while gritting.
"What?! Dude--" Hindi ko na sya hinayaang magsalita pa at pinutol na ang linya. Damn.