Chapter 8

13 1 2
                                    

Chapter 8

Sa sobrang katangahan ko ay napalakad ako ng malayo. God what am I even thinking earlier! I couldve just did the either way..

"Wala ka ng magagawa nandito ka na, Gabb." I uttered under my breath.

Mahigit tatlumpung minuto akong naglalakad at sa tingin ko ay medjo malayo pa ako sa kabihasnan. Hindi rin ako masyadong pamilyar sa lugar at madalang lang namin 'to nadadaanan. Ugh! Pa'no ako nito?!

Muntik ko ng masabunutan ang sarili ko ng biglang tumunog ang phone ko.

Wait.. Phone...

"Ay ang tanga mo talaga, Gabbi!" I exclaimed. Naku naman kase eh, may load naman ako at pwede akong tumawag sa bahay. May forever talaga sayo Gabbi, forever tanga. letse.

"Hello?"

"Gabb, where are you na? We've been waiting here at the bus station since forever!" Mom exclaimed and I just rolled my eyes.

"Ay eksaherada, Ma? Since when did you learned that forever thingy??" I said and resumed from walking. Wala kayang forever. Dagdag ko sana but I just kept it in myself. big fan yata si Mama ng mga telenovela kaya nahawa na ng mga forever forever na yan.

"Gabb are you listening?" Mom uttered in the other line.

"Ma... bumaba po ako kanina sa bus...hm..pasundo po dito please.. It's a long story at natatakot napo ako dito puro talahiban yung nilalakad ko." I bit my lip as I scan the place.

Sandamakmak na sermon muna ang natanggap ko bago binaba ni mama ang phone. Mabuti nalang at si Jus ang kasama nya at hindi si Papa kundi double dead ako..

"Alam mo namang delikado sa lugar na yon dun kapa bumaba?! Pa'no kung may nangyari sayo!"

"Ma, I told you, nakatulog ako at tapos nabigla ako kaya napasigaw ako ng para kaya ayun..." Gabb you'll go to hell!

It was a long drive before we reached our home. I also received a long frigging sermon from my Mom. Wala kang kasalanan Gabbi, kasalanan yan nung lalaki kanina... tama!

"At anong tama nanaman ang pinagsasasabi mo dyan ha, bata ka!" She looked at me annoyingly. Yung totoo, hindi ba ako namiss nang mama ko?

"I'm kinda tired... I'll just take a nap."

I sighed and walked upstairs. Hahayaan ko munang magpalamig ng ulo si mama. Mawawala din yang init ng ulo nya mamaya.

I was in the middle of my sleep when my phone rang. Sino nanaman 'to?!

"This better be good or else.." I said bluntly while my eyes were still closed.

"Chill folk it's me!" Said the girl in the other line.

"Napatawag ka?" I said while yawning.

"Sabi ni tita umuwi ka daw?? Tara labas tayo!"She said jovially.

Pumayag akong sumama sa kanila na pumunta ng mall, wala din naman akong gagawin dito sa bahay. At isa pa namimiss ko nadin yung mga pinsan ko'ng 'yon.

"So...balita sa'yo babae ka?" Erika, my cousin asked. Papunta kami ngayon sa starbucks dahil trip daw nilang magkape.

"Nothing changed." Bored ko'ng sagot. Totoo naman, wala paring bago since lumipat ako ng maynila. Maliban sa mga kamalasang natamo ko nung mga nakaraang linggo.

"Green tea frappe for me." Sabi nya sa counter. "Kayo?" She added, turning her head at us.

"Coffee jelly frappe nalang siguro." Bea said while waiting for my response.

"Hm...java..." I said.

Bumaling ulit si Erika sa counter at nagsalita muli.

"Okay coffee jelly frappe and java--" I cut her words and faced the counter.

"Java-script kuya!" I said enthusiastically.

"Pino-program pa miss." Natatawang hayag niya. Natawa naman ako dahil alam ni kuya ang tinutukoy ko. Kaya ininterview ko muna sya hanggang sa natapos ang order namin.

"Hay akala ko naman programmer si kuya papaturo pa naman sana ako." I kidded, looking at the people beside us.

"Gaga kung programmer 'yon edi wala sya dito." Basag naman ni Bea.

Nagpatuloy pa ang pambabara sa akin ng mga pinsan ko hanggang sa may mapansin ako'ng grupo ng mga estudyante na kakapasok lang.

My cousins were talking about the things happened while I'm gone, but I couldve just care less. My eyes were glued on one person. The guy whose hands were on somebody's shoulders. The guy who smiles like he won a lottery. The guy whom I thought has everything.

Just a sight of him makes me smile like an idiot and could make my heart go wild. But irony is everywhere. He could also make me blue as my gaze flew.

Napansin yata ako ng mga kasama ko kaya tinignan nila ang tinitignan ko.

"Naku friend ayos lang yan. Diba naka move on kana?" Erika said, patting my back.

I smiled at them and sipped my drink. "Wag nga kayo! Ang saya ko nga nakita ko ulit sya." I declared. And they looked at me weirdly. So I kept on talking.

"What??" I said innocently and smiled. But it soon vanished because they couldnt just believe me.

"Look. It's in the past 'kay? At saka wala namang forever, magbi-break din yan." I added out of my mind and they laughed. And I mean it.






------
SABAW -_-

Bitter ako noon, eh ano ngayon?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon