PAGIBIG. Nakakain ba 'yan? Nahahawakan ba? Madalas kong naririnig 'yan ngunit diko mawari kung anong nakita ng mga tao dyan. Sabi nila masaya, laging nakakagana. At madalas naman ipinag dadamot, dahil ayaw damhin ang kirot, kirot ng sakit na dulot ng may kahati, yan ang di'ko mawari. Batid ko'ng ito'y may punto, kung ang bagay nga na nakapag papasaya sayo na maaaring makapag pasaya sa iba ay ayaw mong ipamahagi o ibahagi sa kanila, tao pa kaya na iyong sinisinta?Madalas din daw nakakakilig, ngunit yan nalang ba ang inyong hilig? Lahat ng kilig ay nawawala pag nasaktan ka. At ang hirap umasa pag kayoy wala na. Kaya nga ayokong umibig eh, dahil dimo kontrol ang mga taong iyong iniibig..
Nakakatanga lang yan, paulit ulit kong sinasabi habang ikay pimagmamasdan...