Chapter 10Hindi ko alam kung tama pa ba yung pag iisip ko. Niloko na nga ako nung tao at ako pa daw ang may ganang makamiss! Jusme Gabbi ang tanga mo!
At sa sobrang pagkamiss ko kuno kay Kib ay napapunta ako sa messenger at tinipa ang pangalan nya sa search bar. Gabbi ano ba?! Sumasalungat na yung utak ko pero may sarili rin yatang utak ang kamay ko at tinatraydor ako!
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin pero yung daliri ko niload yung message box sa mga old conversations namin.
I read all our pang highschool messages, well we still are that time, and it made me cringe! Seryoso ka ba dito, Gabbi?! Bakit ang jeje mo yata? I scratch my head in embarrassment as I continue to eye on the messages.
"Langya." Nasabi ko bigla dahil hindi ko kinakaya yung mga nababasa ko.
Haiii!
Kumain naba u?
Aii ang easii lang kaia non tapoz di mo naquha?!
Bhei koh tulog naqo ha. :)
"Ayy shopao! Langya Gabrielle Anne! Kailan kapa nagpaka jeje?!" I groaned and nearly cuss. Gaga ka may 'bhei ko' pa talaga kayong nalalaman!
Pero seryoso, nagka amnesia ba ako? At nakalimutan kong may tawagang nangyari saming dalawa?
I pressed the back button on the screen and immediately deleted our old conversations. Mahirap na baka may milagrong mangyari at mapadpad din sya sa chatbox na'yon, hindi ko siguro kakayanin ang kahihiyang pinagsasasabi ko nung mga panahong bulag pa ako.
Hindi naman ako ignorante para hindi malamang puppy love lang yung naramdaman ko, pero walang puppy love puppy love kapag nasaktan ka!
Dinatnan na ako ng antok kaya napagpasyahan ko ng matulog. I should have been enjoying my stay here. Ugh
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil magsisimba daw kami. Ito yung mga namimiss ko pag nasa manila ako eh, sunday is our family day kaya after magsimba ay either kakain kami sa labas o magbobonding lang sa bahay. At ngayon, napagpasyahan nila mama na sa bahay nalang daw kami. Okay narin naman kami ni mama madalas lang kaming ganon, but she's my no. 1 bestfrienemy! Lahat nalang yata sa buhay ko alam nya dahil ayokong nagtatago ng mga bagay bagay sakanya.
"Silang, Are you sure you're leaving tonight?" Si mama ay dating call center supervisor at ewan ko ba kung bakit trip nito mag salita ng inggles sa bahay! Isa pa, people in this house call me silang whenever they trip to call me to. Silang came from Gabriela Silang anyway.
Hindi na ako nagrereact dahil sanay na ako. Sanay na akong masaktan. Kidding!
"Opo, and Ma naman! Magtagalog ka nalang dinudugo utak ko, paano nalang pag nagka damage utak ko dahil sa pagdugo? Edi hindi na natupad pangarap mong maging enhinyero ako?"
"Gaga ka talaga!" At binatukan naman daw nya ako. "Paano ka naman magiging enhinyero kung iba kinuha mo?" She added, emphasizing the enhinyero.
"Ma naman..." I leaned my head on her shoulder at niyakap sya.
"Hay naku hindi gagana yang paglalambing mo na yan!" Matigas nyang sabi at natawa naman ako. Hindi ko na sya ginulo sa kusina at dumiretso nalang sa sala kung saan nanonood ang mga kapatid ko.
"Ate kailan pupunta si kuya Vieo dito?" Justine asked and I honestly don't know what to reply in her question. Crush kasi nitong kapatid ko si Vieo at ewan ko ba bakit ayaw ko si Vieo para sakanya.
Jusme ayaw mo talaga! Eh grade 7 palang 'tong kapatid mo!I just shrugged her question off. Kunwari ay seryoso nalang akong nanonood.
"Oo nga ate! Pati yung iba nyo pang barkada. Namiss ko yung jamming nyo sa bahay, wala na kasing maingay." Dagdag naman ni Paulo.
Aba't batang 'to ah! Naiingayan sya pero pag nandito naman sila todo nood sya!
"Hay naku mga kapatid, busy ang mga ate't kuya nyo kaya suntok sa buwan yang mga tinatanong nyo." I kidded and they both laughed.
"Ate talaga! Alam mo bang namiss namin yan? wala na kasing nanloloko dito sa bahay." At biglang nalungkot naman daw ang mukha ng dalawa. Ano ba 'to! Dinaig ko pa ang inahing iniwan ang anak nya sa konsensya ko. I used to baby my siblings when I was in highschool. Elementary palang kasi ang dalawang 'to noon at ako lagi kasama nila dahil may trabaho si Mama at Papa.
Nagpatuloy pa ang pangungulit nila hanggang sa hapagkainan. Marami pa kaming napag usapan at parang ayaw ko tuloy silang iwan. Pa'no kaya kung ituloy ko yung pagshishift ko?
Hapon na nang mapagpasyahan kong umuwi ng manila, ayoko namang umalis ng gabi at natatakot ako.
"Ate pumayag kana kasing magcondo nalang para makapag sleep over kami do'n."
"Magdadala ba kayong foods?" I kidded and she smiled. A lazy smile. Ayoko namang magcondo at baka matuloy nga yung balak ko na lumipat eh di sayang lang din yung pera nila?
"Pag iisipan ko." I smiled and bid goodbye to them. Gusto pa ni Papa na ihatid nalang ako sa manila pero hindi na'ko pumayag. Hassle lang yon sakanila at kaya ko namang mag commute.
Pumwesto ako sa paborito kong pwesto dito sa bus. Maya maya pa ay nararamdaman ko ng gumagalaw itong bus, pero tumigil din ito saglit.
I furrowed my brows looking outside. Anong meron?
I felt someone sat beside me, ayoko na sanang tignan pero parang may nagsasabing tignan mo ako kaya naman napatingin ko.
Oookay....
1%
10%
50%
80%
96%
97%
98%
99%
100%
Awk....ward
Siya nanaman?!
Hindi maipinta ang itsura ko dahil honestly hindi ko alam irereact ko! Gabbi mag isip ka! Baba ba ako ulit?! Ignore him nalang kaya? Kunwari hindi mo na sya matandaan. Langya hindi maniniwala yan!
Someone cleared his throat while I'm drowning in my sea of thoughts.
"Babe dito kana, wag kana magalit sakin please..." Hindi ako lumingon at ayaw ko namang mag assume, masasaktan lang ako.
"Gabrielle Anne Soleman. Patawarin mo na'ko, dito kana babe." And he spoke again. God, who on earth was that! Seriously babe? Kadiri 'to. Pero sa bhei ko hindi ka nandiri? Segundo naman ng utak ko and I shook my thoughts away.
Wait lang... anong kaechosan naman yung "Patawarin mo na ako wag kana magalit babe" na yan?!! Nakakatuyo ng utak!
Nilingon ko yung nagsalita dahil natakot ako bigla. Bakit naman alam nya buong pangalan ko?! Baka mamaya abangan nya ako pagbaba, naku papasundo ako kay Nikki!
Bumungad sa harap ko ang napaka gwapong mukha ni... wait...
Fudge! Could this day get any worse?!
---
Ps.I know my typos in my previous chapt. Lalo na yung cheecks, chicks, cheek. Langya! Hahahah I know that I sucked in spelling too but I can't remember a thing typing those diff spelling of cheeks. Anyways, please bear with my typos and grammatical errors. You can laugh at my errors and I seriously don't give a fudge.