Chapter 1
Malalim ang aking iniisip ng mapadpad ako sa soccer field, kakatapos lang kasi ng hellweek at gusto ko munang mag muni muni. Naupo muna ako saglit ng maramdaman ko ang pagod, at nagulat nalang ako sa mahinang daing ng lalake'ng nasa gilid ko. Walang habas nyang binubunot ang mga damo sabay tapon nito sa hangin. He doesnt look okay, no, he looks miserable. Thats why I walked towards him and sat beside him.
"Alam mo kuya kung ano man ang pinag dadaanan mo I'm sure lilipas din yan, pero wag mo namang ibaling sa mga damo ang galit mo nakakaawa naman sila. Kung nagbreak man kayo ng girlfriend mo o nabasted ka isipin mo nalang na may inilaan ang Dyos para sa'yo. Wag mong sayangin ang oras at atensyon mo sa pag ibig na yan, di nakakain ya." I said while patting his back.
Napahinto naman ang lalaki a tinitigan ako, ilang minuto ding ganon ang posisyon namin ng biglang mailang ako.
"Err...and I'm not that girl kuya. Thats just some piece of advice, bye!"
Naglakad ako palayo kay kuya ngunit ng tgnan ko sya ulit ay nakatingin pa rin sya saakin!
Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla, epekto ba 'to ng kape na ininom ko kanina?
Sumulyap ulit ako kay kuya at laking gulat ko ng ganoon parin ang ayos nya.
"Lord sorry na po di'na po ako makekealam ulit!" Mahinang sabi ko habang nakapikit pa.
Tumakbo ako at bumalik nalang ng dorm, ayokong mag gala ngayon at baka makasalubong ko si kuya... I nearly cried when I thought of him again.
I know that it's too OA but I felt embarrassed. Ganito ba ang magiging simula ng unang taon ko dito sa maynila? Nakakalahati na ang unang semestre ko pero wala parin akong kaibigan. At ngayon....yung lalaki kanina, hindi ko alam kung matatakot ako o mahihiya.
"Ugh!" Sigaw ko dito sa kwarto. Ako lang mag isa dahil wala pa ang room mate ko, hindi ko rin kaibigan 'yon dahil lagi syang wala at di man lang kami nakakapag usap.
"Haay, next sem mag ta-transfer nalang yata talaga ako samin sa Pampanga." I said out of nowhere.
"But we don't have the same calendar year with the schools in your place." A familiar girl answered.
Napalingon ako sa babae sa may pinto. Nakauwi na pala 'to. I thought.
"Pa'no mo nalaman?" I asked her while my gaze is following her way towards her bed.
"Heard you before." Maikling tugon lang nito at humarap na sa kanyang laptop.
Haaay nakaka stress mga tao dito! Ang misteryoso ng mga iba, GC naman yung iba, at yung iba naman diko lang talaga feel! I silently said to myself.
Ha! Bahala na, basta papatransfer ako!
Natulog nalang ako ng matapaos ko lahat ng paper works na ipina uwi sa amin ng mga prof.
I was in deep sleep when I felt someone's nudging me. Iminulat ko ang mata ko ng makitang si Nikki pala 'yon, ang room mate ko.
"Bakit?"
"Hindi ka'pa ba kakaen? 9pm na." Sagot nya.
"Ha? Inaantok pa'ko." Sabi ko sabay hikab. "Baka bukas nalang." I added.
She furrowed, "Come on let's eat!" This time ako naman ang napakunot ng noo, nakain nito at himala yata na kinakausap ako. I was taken aback when she nudge me again.
"Oo na, oo na! Sandali lang okay?"
"Okay, I'll wait you downstairs." Sabi nya at lumabas ng kwarto.
3 storey kasi yung Dorm na tinutuluyan ko, unang palapag ay ang kusina at ang sala, sa ikalawang palapag naman ay ang Girls Floor. Every room ay tig dadalawa ang occupant, at sa ikatlong palapag naman ay ang Boys Floor. Madalas wala ang mga tao dito sa dami ng kanilang ginagawa at ako lang yata lagi ang tumatambay dito.
I changed into a school t-shirt and a short. Aba for sure sa tabi tabi lang kami kakain ng babaeng 'yon.
Bumaba na ako at nakitang nasa harap ng bahay si Nikki at hawak hawak ang kanyang cellphone.
"Saan tayo?" Tanong ko.
"Sa may isawan kina Mang Selyo!" Masayang tugon nya at hinila ako sa gawi papunta kung saan mang isawan na yon.
"Teka nga, teka nga!" Sabi ko ng mapansing hindi pa'rin nya ako binibitawan. "Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ko sakanya.
"Baka kasi umalis sya!"
Naguluhan ako sa sinabi nya, sinong aalis? Si Mang Selyo? Turo-turo lang ba ang pupuntahan namin?
Nikki stopped from walking and faced me, laughing. Wth?!
"Gaga hindi si Mang Selyo ang tinutukoy ko! At hindi rin yon turo-turo" Naiiling na tugon ni Nikki habang napapatawa.
Did I say my thoughts out loud?
"Yes. Nikki chuckled.
Napapailing nalang ako. We ressumed walking but unlike earlier, it's not a walk-run now. Dumating kami sa isawan at hinayaang kumuha ng mesa si Nikki. Hindi ko naman kasi alam at kabisado ang gagawin, ngayon lang ako nakapunta dito.
We ordered isaw, betamax and hotdog. Yung kaya lang namin ubusin. "Look at that guy." Nikki whispered.
"Who?"
"Tignan mo yung kabilang mesa, yung 3 Guys."
Nabigla ako ng makita si kuya kanina sa soccer field at mabilis na iniyuko ko ang ulo ko. Shit baka mamukhaan nya 'ko!
"Uhh yeah..nakita ko na, anung meron?" I said while looking at the other people in front of us and start eating.
"Ang gwapo nya diba?! Classmate ko'yan nung highschool." Nikki answered blushing.
Gwapo? Nag bibiro ba'to?
"Tulungan mo naman ako'ng mapansin nya...please?"
"No." I answered.
"Awwe why?" Sadness is evident in her face.
"Ahh..eh.. um.. ano... Ah! Mukhang hindi katiwa-tiwala!" Sabi ko ng hindi malaman kung ano ba ang dapat ko'ng sabihin. Alangan namang sabihin ko yung nangyari kanina? Nakakahiya!
"Iba nalang please. Busy ako sa acads, wala akong time.sa mga ganyan."
"Okay." Malungkot na tugon ni Nikki at hindi na ako kinausap. Ano ba?!
Hanggang sa paglalakad pauwi ay hindi na ako kinibo ng babae'ng 'to. What the hell! Ano naman ba ang ginawa ko?!
"Fine." I stopped from walking and faced her. I hate reverse psychology!
Her face suddenly lit up and hugged me. "Yes! Thank you! Thank you!" Masayang niyakap ako.
"Sabi na reverse psychology." I uttered, defeated.
She faced me and wink. "Effective diba?" I rolled my eyes and just ressumed from walking.