Chapter 5Hindi kami magka course ni Nikki kaya nag iisa na naman ako. Teka, wala bang kaibigan yon at ako ang napag titripan nyang kulitin?
I was walking my way home when I remembered something. Yung nangyari kahapon. That guy whom I misunderstood. Aish! Nakakahiya talaga! Anong gagawin ko?! Gabbi kasi eh yang mga maling hinala mo!
"You're speaking by yourself?" A guy said, amused.
Nabigla naman ako at naalalang sya yung lalaki kahapon! Oh my god what am I gonna do? Tatakbo? Kunware hindi ko nakita? Or hindi ko nalang sya maalala?
I was taken aback from my thoughts when he starts poking me. Kairita 'to. Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Pwede ba! My teacher in highschool told us that it's healthy to speak to yourself." I uttered. Totoo naman ah, sinabi yon ng English teacher ko. Pero niliteral mo naman yata? Nakakahiya grabe!
The guy chuckled. "So literally, huh?"
"Okay I didn't meant it." He added. Nagtaas pa sya ng dalawang kamay.
"You're not coming?" Magkasalubong kasi kami so basically, papasok sya at papalabas ako.. I sensed a hint of disappointment kaya naguilty naman ako.
"No... uh I mean.. magpapalit lang sana ako ng damit. Amoy pawis na kasi ako." Di ako makatingin sa kanya. You really are not good in lying!
Ngumiti sya dahilan ng pagkawala ng kanyang mga mata. Ang cute nya, chinito kasi sya.
"Hindi ka naman amoy pawis.. so pano, sabay na tayo?"
Wala na akong nagawa kundi sumama.
Pumasok kami sa conference room sa may Jaica Building sa pagkakatanda ko ay madalas gumamit nito ay ang debate team ng school. Anyway pinaupo lang ako ni.... ano nga ba ang pangalan nya? Basta sya! Pinaupo nya ako katabi ng babaeng nakatalikod ng upo sa akin. At pumunta naman sya sa harapan.
Pumalakpak sya ng dalawang beses dahilan kung bakit naagaw nya ang attention ng mga iba pa naming kasama.
"Okay, so I'm Gavin Lanchengco. I'm the President of this org. Some of you are my batchmates and somes are just freshmen. You see that we don't have senior members. Nag graduate na sila last march. At yung mga 3rd year naman ay wala, busy na kasi sila that's why I was elected last year to be the org pres. I am 2nd year BA student."
Marami pang sinabi si Gavin sa orientation. Teka lang, sasali ba ako sa org na'to?!
"kesa naman wala talaga akong org." I said under my breath as I get my pen to fill up the org form.
Nagkaron pa ng question and answer portion para sa mga bago katulad ko.
Nang masagutan na lahat ng mga tanong nila ay nagsabi na ng mga list of activities yung VP ng org. At sa katunayan ay natuwa ako dahil sa unang taon ko dito sa maynila ay ngayon lang yata ito nagka thrill.
"I will gonna group you into pairs dahil ang first mission natin ay ang magtutor ng mga bata. May nakausap na kaming mga bata sa lansangan at natuwa naman sila kaya sa sabado kailangan ay nandyan lahat kayo! So let's start the grouping." Masiglang sabi ni ate VP.
We have the right to choose kaya halos magkakaibigan yung magkakakagroup. Ako? Eto mukhang magsosolo. Kaya ko naman eh. Sus.
Napansin yata ako ni Ate VP kaya nilapitan nya ako. "Wala ka pang ka group?" Umiling ako kaya ngumiti sya. Napag alaman kong may mga absent na member pa pala. Ngunit dahil old members na sila ay may naka assign na din pala sa kanila.
"Sorry I'm late!" Sigaw ng lalaki ngunit hindi ko na tinignan. Kausap ko kasi si ate VP at kinukwentuhan nya yata ako ng history ng organization nila! Tumayo sya at may sinenyas sa likod ko.
"So..." tinignan nya ang name tag sa damit ko "Gabby, this will be your partner for your whole stay in our org." Oo yung magiging partner ko ngayon ay partner ko na hanggang grumaduate. Malas nya, aalis ako after this sem.
Lumingon ako para magpakilala ng manlaki ang mga mata ko pagkakita ko sakanya. No freakin way!!
Sya nanaman?!
Tumaas ang kilay nya ng makita ang reaksyon ko at tumalikod na sya. "You don't need to be group by me. You have the right to choose." Kinabahan ako sa lalim ng boses nya. Na-offend ko yata?
"Pagpasensyahan mo na ah, ganyan kasi talaga yan kaya walang tumatagal sa kanya." Naguluhan naman daw ako dahil sa pagkaka alam ko ay kung sinong partner mo ay sya na unless umalis ko or sya.
Napansin yata ni ate ang naguguluhan kong mukha kaya ipinaliwanag nya.
"Actually...may partner yan dati kaso napuno yung partner nya dahil hindi naman nya ito kinakausap kaya ayun mabuti nalang ay may sumali pa na isa kaya sakanya nalang namin inassign yung kapartner nya."
A brilliant idea popped in my head. Hm tignan natin ang tigas mo.. humanda ka.