Chapter 7

355 7 1
                                    

Andito na kami ngayon sa boarding. Dumiretso kami sa kwarto habang nag luluto ng dinner si Ate Kim. Kararating lang din daw ni Ate. Humiga muna kami ni Mika dito sa kama nya. Walang nag sasalita mukhang pareho kaming pagod sa gala namin.

"Bully alam mo ba tinanong ako ni Mama." Biglang sabi ni Mika sa akin. "Ano bully? Kinakabahan naman ako" sabi ko kay Mika. "Tinatanong nya ako Ano daw ba kita?" pag kasabi ni Mika nyan sa akin ay sobrang kinabahan ako. Alam ko kasi na ung relationship ni Mika at Rachelle ay lihim sa Family ni Mika dahil ayaw ng Mama nya na nakikipag relationship sya sa Babae. Isa din na dahilan kung bakit takot ako sa Mama nya takot ako na dumating tong araw na toh na pag kamalan kami. "Halaa bully natatakot na talaga ako sa Mama mo" sabi ko kay Mika. "Baliw mabait si Mama sinabi ko naman na friends lang talaga tayo. Pero ang nice question nun noh?" Nakuha pa mag biro ni Mika. Pero eto ako kinakabahan parin. Wala na talaga akong mukhang mahaharap sa Mama nya. "Bully pero kinakabahan din ako sa Mama mo" sabi ni Mika sa akin. "Huh? Bat naman sa Mama ko?" Tanong ko skanya. "Diba ayaw din nya na mag GF ka?" Tanong sa akin ni Mika. "Oo pero bahala na pag meron edi ipapakilala ko. Ganito ako eh hindi ko naman kayang pwersahin sarili ko para mag bago" sabi ko kay Mika. "Bat mo natanong?" Tanong ko ulit kay Mika. "Wala lang baka pag kamalan din tayo ng Mama mo eh" sabi nya sa akin.

After few minutes nung pag uusap namin ni Mika about sa mga Mama namin natapos na din ako mag upload ng pictures namin sa gala namin. Biglang may nag chat sa akin. Agad ko naman inopen ung messenger ko and I was shocked with what i read sa message. It was my Mama asking me kung ano ko daw ba si Mika. Parang kanina lang Mama ni Mika ung nag tanong ngayon Mama ko naman.

Mika: sino ung nag chat para kang binihusan ng malamig na tubig?
Ara: Si mama
Mika: anong sabi
Ara: she's asking kung ano daw ba kita.

Gulat din ung reaction ni Mika pero dinaan nalang naming dalawa sa tawa kahit ramdam kong pati siya kinakabahan din.

"Haha. Ano bang meron sa mga nanay natin pati sila dumadagdag sa mga taong nag iisip na may something tayo" sabi ni Mika sa akin. "Ewan ko ba ang clingy clingy mo kasi eh. Haha" sagot ko skanya "wow ha? Ako talaga? Ako lang talaga?" Sabi ni Mika. Well iniinis ko lang naman si Mika ang cute nya kasi pag naiinis. "Haha joke lang ang taray mo talaga. Ako din naman clingy" sabi ko skanya.

" hoy lovebirds kain na " katok ni Ate K sa door namin. "Baba na kami beybey" sabi naman ni Mika.

Bumaba na kami para kumain. Nag kwentuhan kaming tatlo. Si Ate Kim naman ginigisa namin ni Mika.

Ara: so sino dinalaw mo sa UST?
Mika: si Mela ba? Haha
Kim: oo eh (sabay sad face)
Mika: eh bat lumungkot ka bey?

"ewan ang gulo eh ung tipong itataas nya ako tapos biglang bibitawan." Sumbong sa amin ni ate Kim. "Mika kumusta kayo ni Rachelle?" Tanong naman ni Ate Kim. "Eto away bati parin napapagod na ako Beybey gusto ko na sumuko pero nahihirapan ako kung paano." Sabi naman ni Mika. "Ano toh guys pag broken hearted ang isa dapat broken hearted tayong lahat?" Tanong ko sakanilang dalawa. "Oo" sabay nilang sagot sa akin. "Kaya damayan mo kami broken hearted ka din dapat" sabi ni Mika sa akin.

Nag katinginan kami ni Ate Kim nung sinabi yun ni Mika. Dahil hindi alam ni Mika. Pag malungkot at nasasaktan sya doble ung sakit at lungkot na nararamdaman ko. Pero eto ako palagi kong dinedeny ung feelings ko para kay Mika. Pero andto ako palagi para skanya hindi nga lang nya ako napapansin dahil siguro friends lang ang tingin nya sa akin.

"Oo naman dadamayan ko kayo. Kaya nga best bully friends tayo diba?" Sabi ko sakanilang dalawa.

Nag aya silang uminom. Ganito sila. Lalo na si Mika pag nag away sila ni Rachelle kahit diyes oras ng gabi pag umiyak na si Mika sa akin sasamahan na namin siya ni Ate Kim uminom. Buti nalang at tapos na ang season namin. Champion kami kaya eto malaya laya pa kaming gawin ung gusto naming gawin.

Andto kami ngayon sa isang resto bar.

"bat ba hindi ko sya mapakawalan?" sabi ni Mika sa amin. Eto na iiyak na sya ganito sya eh. "Bully ilang beses ka na naming pinag sasabihan pero nasasayo parin yan" sabi ko skanya. "Beybey amin na phone mo ako na kakausap skanya" sabi ni Ate Kim. "No beybey wag" sabi ni Mika kay ate Kim. "Bully kasi palagi ka nalang nasasaktan eh palagi nalang ganito. Paulit ulit nalang ung sakit at nakikitang nasasaktan ka. Hindi mo deserve yan" sabi ko kay Mika habang hinahagod ko ung likod nya. "Bully i dont know what to do" sabi nya sakin. "Bully you know what to do you just dont want to do it" sagot ko skanya.

Wasted na tong mga kasama ko kaya inuwi ko na sila si Ate Kim ay nasa wisyo pa pero si Mika sobrang wasted. Inakyat ko na sya sa kwarto namin. Binihisan ko na din sya at hiniga ng maayos.

"Mika Bully I'll do everything just to lessen the pain na pinag dadaanan mo. Palagi mong tandaan I'm always here for you. Mahal na mahal kita at nasasaktan ako pag nasasaktan ka ng ganyan" bulong ko kay Mika alam kong di nya yun narinig pero okay lang mas okay dahil di din ako ready na umamin skanya natatakot ako na baka pag umamin ako masira ung friendship namin na sobra kong iniingatan.

Hey! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon