May 2weeks na nakalipas simula nung kay Joy. What happened between Mika and Joy eh winalang bahala nalang ni Mika. Kita ko din pinipilit nyang ipakita na okay sya i just cant point out what's running on her mind kung saan sya mas nasasaktan hirap nakong basahin si Mika makikita ko lang na may problema sya pero I dont know what is it. Pag tatanungin ko naman sya ay sinasabi nyang wala lang daw yun school lang daw o kaya pagod sya sa training or miss nya lang daw ako. Naging habit na din namin na every friday until sunday morning or afternoon ay mag kaSkype kaming dalawa. Gaya ngayon mag kaSkype kami 11pm na ng gabi at 7:30am pako malamang matutulugan ko nanaman si Mika neto.
Mika: Bullyyyy sleep ka na kaya.
Ara: Kakasimula palang natin mag usap bully (ngiti ko skanya)
Alam ko kasing worried sya dahil baka di ako magising ng maaga pero nasanay na ata ako na every friday ay mag kwekwento sya. Happy memories nila ni Rachelle deal kasi namin yun maybe it will help her to be happy again isipin nya ung masasaya tapos sasabihin din nya ung masasakit medyo nakalayo na din kami ni Mika sa kwento nya.
Mika: Bully bat kaya ganun noh? Mas natatandaan ko ung masasakit parang wala akong maalala na masaya. Haha (fake laugh nya)
Oo sa mga nakaraang araw simula nung pinag kwekwento ko si Mika ay mas madami syang sakit na sinasabi kesa sa saya.
Ara: because maybe she's not really for you bully. It took you more than 1 year to realize bully.
Mika: Oo nga eh. Ang tagal din bago narealized lahat tapos along the way andyan ka para sa akin (ngiti nya)
Ara: Its okay now bully atleast narealized mo na dba? And like what i've said I'm your best bully friend I got you always (smile ko din skanya)
Tahimik kaming dalawa siguro nag iisip si Mika kung saan na ba sya sa kwento nya.
"Bully nakita mo ung pic ni Rachelle ung sumali sya ng pageant ay?" Tanong ni Mika sa akin. Napaisip naman ako at naalala ko din na oo nga may mga pictures syang sumali sa pageant.
Ara: Oo bully bakit yun?
Mika: Alam mo ung damit nya na denim dun? Ung long sleeves?
Ara: Oo oo alam ko yung picture na yun. Bakit yun? Dont tell me iyo ung damit (irap ko kay Mika)
Mika: Haha oo ay bully damit ko yun hiniram nya sa akin dinala ko pa yun skanya 2hrs biyahe nalate pa nga ako sa pag dala nung damit tapos nagalit pa sya sa akin noon hahaha
Kita ko sa mata nyang pag naaalala nya yung mga masasakit ay nasasaktan parin si Mika. Gusto ko syang yakapin ngayon pero hanggang skype lang kami at text gusto ko syang puntahan sa school nya kaso malayo at papagalitan ako ng parents ko pag nalaman yun. Nawala yung antok ko gusto ko talagang yakapin si Mika naaawa ako skanya. Bakit kelangan nyang masaktan ng paulit ulit at eto ako walang magawa para skanya.
Ara: Sorry bully I wish i could hug you right now bully. (malungkot kong sabi) Airhuggggggsss
Mika: Haay ung nakikinig ka lang bully okay na yun. Haaay wish you were here tho. Airhugsss.
Iniba ko nalang ung usapan. Nag kwento sya tungkol sa training nila na nauwi sa takbuhan dahil wala daw ung coach nila. Nag asaran daw sila ng mga teammates nya. Nakikinig lang ako kay Mika hanggang sa dinalaw ako ng antok.
Quarter to 6 na nung nagising ako pag check ko sa ipad ko tulog parin si Mika. Mabilis akong kumilos para gumayak.
Paalis nako ng bahay tulog parin si Mika nakikita ko sa monitor nag iwan nalang ako ng message sakanya sa Skype na sya nalang mag off pag gising nya at 11:30 pa ako uuwi dpat nakaligo na sya nun.
BINABASA MO ANG
Hey! I love you
Fiksi PenggemarWhat would I give just to spend another moment with you? What would I pay just to be with you? I should've hold you tighter. I should've told you what I really feel. Now I'm living with all my regrets and with all of my what ifs. If I could just bri...