Chapter 12

313 7 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw finals na. Kinakabahan si Ara dahil alam nyang may subjects syang tagilid ang grades nya at di sya sure kung mahahabol nya pa ang mga yun kaya todo review sya at di masyadong gumagala kasama si Mika. Ganun din si Mika. Aminado silang medyo napapabayaan nila studies nila dahil sa buhay pag ibig nila at kakagala nila. Kaya pareho silang busy para sa finals nila umiiwas din naman sila na pumunta sa school nila Karen lalo na si Ara dahil pinaninindigan na nyang lalayo na sya kay Hillary.

Nasa sala si Ara habang si Mika naman ay nasa kwarto.

Kim: busy busy mo Ara ha?
"nag hahabol ate ng grades baka di na ako varsity pag bumagsak ako." sagot ni Ara habang nag babasa parin.
"Malapit na pala birthday ni Yeye ano plano mo?" Tanong naman ni Kim. "Oo nga eh simple lang naman dinner lang siguro kami tapos bili ako ng bag na pareho kami saka sa Mall lang kami advance ko siguro icecelebrate kasama sya para wala ako kahati sa oras nya saka exam ung birthday nya eh" sagot ko naman kay Kim "sasama ka ba?" Tanong ko din skanya. "Sabi mo ayaw mo ng may kaagaw sa atensyon nya" balik sabi sa akib ni Kim. "Yup kaya wag ka sasama" sabi ko naman kay Kim

Nag patuloy sa pag aaral si Ara dahil may quiz sya sa Lunes plano nyang bukas nalang icelebrate ang birthday ni Mika dahil sigurado syang kasama ni Mika ang family nya sa saktong araw ng birthday nya.

Kinaumagahan....

Ara: bully alis ako simba lang.
Mika: sige bully maya maya nalang ako samahan ko din pinsan ko mag simba
Ara: osige

Umalis na si Ara nag simba sya at after nya mag simba ang nag punta sya sa Mall para mag hanap ng bag na pwede iregalo kay Mika.

Una syang pumunta sa Sport Central.

Ara: ate wala na ba kayong Nike na bag?
Sales lady: ubos na po maam
Ara: ay sige po salamat

Umalis naman sya at pumunta sa Toby's nag babakasakaling meron din doon.

Ara: kuya may isa pa po kayong ganito na bag? Dalawa po kasi bibilhin ko
Salesman: last na po ito maam
Ara: ganun po ba? Sige po

Nang hihinayang si Ara dahil halos naikot na nya ung Mall wala parin syang bag na nabibili gusto nya kasing bigyan si Mika ng alam nyang gagamitin ni Mika na makikita nya saka gusto nya na pareho sila parang couple bag ba dahil madami na silang damit na pareho sila.

Nag punta sa Bench si Ara at may nakita syang pula na bag na pwedeng pwede sakto 2 ung nakita nyang naka-display. Kaya agad nyang binili yun at nag punta sya sa may food court para doon nalang antayin si Mika dahil papunta na daw sya.

Tinext nya na si Mika kung asan sya.

To: Bully
Bully andto ako sa may food court wait kita dto. Ingat. Labyuuu

Message sent..

Ilang sandali pa ay nag vibrate na ang phone ni Ara.

From: Bully
On my way lapit na ako bully. Labyuutoo wait lang ha?

sagot ni Mika skanya. Ilang sandali pa ay nakita na ni Ara si Mika palapit skanya.

"katagal mo bully" sabi ni Ara skanya sabay pout. "Sorry bully nag lakad nalang kasi ako traffic tapos maulan pa" sabi naman ni Mika. "Okay lang bully. Uhm Happy Birthday gusto ko kasi mauna nating icelebrate birthday mo dahil alam kong di kita makakasama sa saktong araw ng birthday mo kaya gusto kita solohin ngayon." Sabi ni Ara sabay abot ng gift nya kay Mika. "Pasensya i tried looking for Nike pero ubos talaga stocks babawi ako sayo sa susunod" pahabol na sabi ni Ara.

Kita sa mukha ni Mika na nagulat sya at hindi maalis sa mukha ni Mika ang ngiti.

"Thank You bully dto" sabi ni Mika na medyo nahihiya pa. "Okay lang naman kahit ano ung kasama lang din kita okay na yun eh" sabi naman uli ni Mika. "Suuus sympre gusto kita masurprise kahit papaano noh" sagot ko naman kay Mika.

Mika: lakad lakad muna tayo bully
Ara: tara sa dept store tingin tayo ng shoes
Mika: G tara na bully (sabay hila kay Ara)

Nag lakad lakad sila sa Department store tumingin ng shoes na Vans dahil isa ito sa palagi nilang binabalik balikan favorite brand din kasi nila ito.

Mika: wala akong pera gusto ko ng plain black lang bully (sabi ni Mika na nakapout)
Ara: me too gusto ko din para pareho tayo.
Mika: soon bibili tayo ng couple shoes natin mag ipon tayo bully.

Patuloy sa pag lalakad si Mika at Ara. Nag punta sila sa Sport Central para mag tingin din dahil may 30% off dun ngayon sa mga sapatos.

"Bully ang ganda neto" turo ni Ara sa isang Nika na kulay gray at black. Agad namang nilapitan toh ni Mika. "Sht ang ganda nga bully bili tayo" sabi naman ni Mika.

Mika: ate may sizes pa po ba ito?
Saleslady: maam smallest size display po kami.
Ara: sige po ate.

"Bully ikaw ah bilhin mo na birthday mo naman na eh" sabi ko kay Mika. "Paano ka di mo kasya ang liit kasi eh" pag bibiro ni Mika.
"Ganyanan ha? Pero okay lang bully madami pa naman tayong sapatos na pangarap bilhin eh" sabi ko naman kay Mika ulit. Kita ko kasi sa mga mata ni Mika na gusto nya ung sapatos na yun kaya tinawag ko ulit ung saleslady at sinabi ung size ni Mika.

Ilang sandali ay bumalik ung saleslady dala dala ung sapatos ni Mika na agad naman nyang sinukat.

"Bully bagay mo" sabi ko naman kay Mika habang tinitignan nya sa salamin ung sapatos. "Mamumulubi nanaman ako neto" sagot ni Mika sa akin. "Hahaha ginusto mo yan eh cute kaya nyang shoes kung may kasya lang ako bibili din ako eh" sagot ko naman kay Mika. "Sayang talaga bully pero ate kunin ko po itong shoes" sabi naman ni Mika habang inaalis ung shoes at nilalagay sa box nya.

Saleslady: this way nalang po maam (guide sa amin papunta sa counter)

Nag bayad na si Mika pag kalabas namin sa store ay abot tenga ang ngiti nya. For a fact masaya talaga si Mika pag usapang sapatos.

Mika: sasabihin ko nalang kay Mama palitan nya pinambili ko. Tara bully dinner na tayo.

Natatawa nalang ako kay Mika dahil paulit ulit nyang sinasabi na broke na sya ubos na daw ang pera pero sure naman akong papalitan yun ng Mama nya mahal na mahal sya ng Mama nya eh kahit medyo takot ako sa Mama nya ramdam kong gusto nya lang ang the best for Mika.

Andto kami sa Pizza Hut gusto daw kasi ng Pizza netong kasama ko. Eto na din ang celebration namin sa birthday nya. Masaya akong kasama ko si Mika at nakikita kong masaya sya yun lang naman ang wish ko skanya ngayong birthday nya yun ay ang maging masaya sya.

Hindi mawawala ang pag seselfie namin at kulitan habang inaantay ung order.

After namin kumain ay napag pasyahan naming dumaan sa may Penshoppe dahil may nakitang magandang damit si Mika.

"Bully bili tayo dali couple shirt" sabi ni Mika sa akin. "Kaya tayo napag kakamalan bully eh. Haha pero sige tara sukat tayo" sagot ko

"Ang daya mo bully sabi sayo mamaya mo na basahin ung letter ko eh" sabi ko kay Mika paano sya ang naunang nag sukat at inaantay nya ko pag labas ko ng fitting room ay binabasa na nya ung sulat ko skanya. "Naexcite ako basahin bully eh." Sabay ngiti sa akin at peace sign pa. Kaya di ko matiis tong babae na toh eh ngiti palang nya ay bumibigay na agad ako. Masyado ko syang mahal na ang gusto ko lang palagi at makita syang masaya kahit sa simpleng bagay lang.

Kumuha kami nag tag isa naming shirt pareho kami ng binili dahil sa kagustuhan nya na mag karoon uli ng parehong damit at sabay na binayaran ang mga ito.

After namin bumili ay napag pasyahan din naming umuwi na dahil may pasok sa Lunes at madami pang gawain sa school.

A/N: sorry kung ang tagal ko mag update. Hehe please understand me mahirap talaga gawin tong story on my part. :)

Happy Valentine's Day Bully! Iloveyou.

Hey! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon