Nag tampo si Mika dahil kay Hillary pero okay na din kami agad. Andto na kami sa Gym. Nag start na ung laban. Magaling si Hillary actually mas magaling si Karen ni Kim pero okay na din si hillary.
After ng game nila ay lumapit sila Karen at Hillary sa amin.
Karen: Hi ara and mika.
Mika: Hello
Kim: Tara dinner tayo?Nag dinner kami kasama si Karen at ung Ate nya si Ate Pia.
"Ara sabi sa akin type mo si Hillary. Haha" sabi ni Ate Pia sa akin. Paano naman kaya nalaman toh ni Ate Pia nako ang daldal talaga ni Kim at Karen. "Crush nya po ate P. Hahaha" sabi naman ni Mika nako sinisimulan nanaman ako ng mga toh. "Hehe crush lang naman ate saka sabi nya single sya" ngiti kong sabi. "Ingat ka Ara ha? Ganyan kasi si Hillary hindi sa sinisiraan namin sya pero kasi pag nag aaway sila ng bf nya ganyan sya nakikipag flirt tapos pag okay na sila iiwan ka nya sa ere baka mahurt ka lang payong ate lang ba ito" sabi ni Ate Pia sa akin. Tumango naman ako at ngumiti. Nag simula na kaming kumain. As usual si Mika tahimik pag ganito.
Pauwi na kami ngayon. Puro advice ang binigay sa akin nila Ate Pia pero ewan ba crush ko kasi talaga si Hillary. Pero ewan parang gusto ko mag effort skanya.
"Bully kung gusto mo talaga si Hillary andto lang ako for you para maging happy ka na din" sabi ni Mika sa akin. "Thanks Bully" sabi ko naman skanya.
Lumipas ang araw lalo kong nakikilala si Hillary masasabi kong totoo ang mga sinasabi nila Ate Pia sa akin pero ang tigas ng ulo ko nlilibre ko sya na mas napapadalas ako sa gym nila. Si Mika naman umuuwi ng Bulacan pero walang nag bago sya parin ang bully ko. Eto ako ngayon hawak hawak ung tshirt na binili ko tag isa kami ni Hillary.
Andto ako sa may jeep nag dadalawang isip paano ito ibibigay skanya dahil pinapagalitan ako nila Karen at Ate Pia. Dahil sa nangyare.
(Flashback)
Ate Pia: ara sabi ko naman sayo dba? Paasa yang si Hillary.
"masakit ate pero ewan ko nung isang araw sinabi nya sa akin may chance tapos ngayon malalaman kong sila ulit ng bf nya." Sabi ko kay ate Pia natatawa ako na malungkot hindi ko mapoint out.
"Iwasan mo na sya tama na ung cupcake at balloon na binigay mo skanya" sabi naman ni Karen.
"Opo mga ate last na yun" sagot ko naman sakanila.
"Mamaya may binibigay ka nanaman skanya ha?" Pahabol pa ni Karen sa akin.
"Wala na huli na yon" sabi ko.
(End of flashback)
Nahuli ko kasi na bati na sila ng Boyfriend nya noon na sila na ulit. Tapos ako eto umaasa parin nahulog ng onti kay Hillary pero hindi ko sigurado parang may iba sa nararamdaman ko noon tapos heto ako ngayon nakasakay sa jeep at may ibibigay nanaman.
"Uyy Ara" sabi sa akin ng isang familiar na mukha eto ung best friend ni Hillary sa Team si Bea. "Hello Bea" bati ko skanya. "Saan punta mo?" Tanong ni Bea sa akin. "School" sagot ko naman.
Malapit nako sa school kaya inopen ko ung bag ko at inabot kay Bea ung damit. "Bea pabigay kay Hillary gift ko skanya yan thanks" ngiting sabi ko kay Bea "okay makakarating" may halong panunuksong ngiti ni Bea.
Bumaba na ako. Alam kong makakarating toh kala Ate Pia at sesermonan nanaman ako ng mga yun.
"Hoy Bully tulaley?" Nakakagulat na bati ni Mika sa akin. "Ginulat mo naman ako bully asar ka" sabi ko naman kay Mika. "Ikaw eh tulala ka" sabi ni Mika "bakit ba?" Habol nya pang sabi. "Binigyan ko ng tshirt si Hillary last na yun bully promise iiwas nako" sabi ko kay Mika umupo muna kami dto sa may bench. "Haynako ang tigas ng ulo mo bully parang ako kay rachelle nun haha" sabi naman ni Mika. Di naman na namin masyadong napag uusapan si Rachelle. Wala na ata sila kasi parang sila na hindi sila magulo daw eh napagod na din siguro sya. "Basta iiwas nako kay Hillary kaya ko yun" sabi ko kay Mika.
Maagang natapos klase ko nagulat nga ako na pag uwi ko dto sa dorm ay andto si Mika pero nakagayak. "Saan lakad mo?" tanong ko kay Mika habang inaalis ko ung shoes ko. "Puntahan ko si Kimmy sama you bully?" Tanong naman ni Mika sa akin. "Tinatamad ako bully" sagot ko naman kay Mika. "Sama ka na wala ako kasama na pupunta" pout na sabi ni Mika sa akin. Haaay ano pa nga ba ang magagawa ko eh si Mika toh at di ko toh matitiis. "Oo na" sagot ko sinuot ko nalang ung vans ko mas comfy gamitin.
Andito kami ulit sa university gym nila Karen. Nawili na kaming tumambay dto nakita ko naman si Hillary nakatingin pero di ko na pinansin iiwas na talaga ako.
"Bully okay ka lang?" Tanong naman ni Mika sa akin mag katabi kami ngayon at nakasandal ulo ko skanya clingy eh pasensya naman. "Hmm oo bully okay lang" sagot ko naman kay Mika.
"Ang bastos talaga ni Kim noh iniwan tayo dto" reklamo naman ni Mika. Inayos ko tuloy pag kakaupo ko para makapag usap kami ng maayos. "Sira ka din Ye noh? Binilhan nga tayo ng pag kain eh" sabi ko naman kay Mika na natatawa.
Ang tagal ni Kim at kami ni Mika eto tawa ng tawa. Kung ano ano pinag uusapan namin. Random lang saktong napatingin ako sa team nila karen at nag tama mata namin ni Hillary nakita ko syang nakatingin sa amin ni Mika. Nag seselos ba sya? Pero bahala sya wala naman na eh di naman pwede.
"What's up guys?" Sabi ni Kim. Jusko after how many years eto na sya dala ung large fries namin. Well eto lang kaligayahan namin. "Napakatagal mo beybey" sabi ni Mika sabay kuha sa fries. "Kayo na nga binilhan kayo pa mareklamo" sagot naman ni Kim. "Tampo ka naman. Thanks bro. Haha ginusto mo toh eh" sabi ko naman sabay kuha din sa fries ko.
Nag sabay sabay kami ni Ate Pia saka Karen lumabas. As usual sinita nila ako sa bunigay ko kay Hillary.
"Aynako Ara siguraduhin mong huli na yun ha? Sana kami nalang binigyan mo o pinangkain nalang natin ung pinambili mo" pangangaral ni Ate Pia. "Opo ate huli na yun pero nakita ko sya kanina mukhang nag seselos nung nag tatawanan kami ni Mika" sagot ko naman. "Umasa ka nanaman girl? Nako wag mo na pansinin yun umiwas ka nalang okay?" Sabi naman ni Karen sa akin.
Nag hiwahiwalay na kami. Andto na kami ni Ye sa dorm hinatid pa ni Kim sila Karen.
"Tandaan mo ung sinabi nila Ate Pia at Karen ha bully?" Sabi naman ni Mika sa akin. "Yes bully ako pa ba?" Sagot ko naman kay Mika. "Good night na Bullyeye sweetdreams pero dream of me para mas sweet" sabi ko naman kay Mika. "Good Night too Bullylit hahaha" sabi naman ni Mika.
Malalim na ang gabi at ito gising pako. Lately di na masyado nag sasabi si Mika tungkol kay Rachelle maybe okay sila good for Mika para di sya masyadong stress. I want Mika to be happy even if its not with me. Naiisip ko ung tingin ni Hillary sa akin pero because of that I realized one thing at yun ay hulog na hulog nako kay Mika. Aminado na ako sa sarili ko na Mahal ko sya pero wala akong lakas ng loob para umamin dahil takot akong masira ung friendship na meron kami. Maybe Hillary was just nothing for me parang ginawa ko lang syang pang cover sa totoong feelings ko kay Mika. Haaay now I can say I'm in Love with My Best Friend deeply.
Author's Note: Guys ngayon palang hihingi na ako ng Sorry my pacing would be slow. Medyo nalulungkot kasi ako habang nag taType kaya paputol puto ko ginagawa. Anyway malapit na tong matapos 10-15 chapters nalang. Thank You.

BINABASA MO ANG
Hey! I love you
FanfictionWhat would I give just to spend another moment with you? What would I pay just to be with you? I should've hold you tighter. I should've told you what I really feel. Now I'm living with all my regrets and with all of my what ifs. If I could just bri...