Mabilis lumipas ang panahon. Simula na ng UAAP. At kasabay ng pag lipas ng panahon ay lalo kaming napalapit ni Mika sa isat isa.
"Bully bangon naaa!" Dagan ko kay Mika na himbing na himbing parin sa tulog. "Wait 5 minutes muna Bully please" sabi ni Mika sa akin.
Naligo na muna ako at gumayak excited ako eh. Opening kasi ng UAAP INDOOR VOLLEYBALL ngayon at first game namin ay UST. Mabilis akong gumayak pag labas ko naman ng banyo ay gising na din ang kapre.
"Good morning napapadalas katelebabad mo pag gabi ah" sabi ko skanya. "Wala may kausap lang ung bestfriend ko" sagot nya sa akin. Napapansin kong medyo nagiging cold sa akin si Mika pero hinahayaan ko lang mag bestfriend lang naman kami pero aaminin ko may hindi ako maintindihan sa feelings ko skanya hindi ko mapoint out.
"Ready na ba lahat?" Tanong ni coach sa amin andto na kami sa shuttle. "Yes coach" sabay sabay naming sagot papunta na kami sa MOA para sa opening.
Andto na kami ngayon sa MOA. Ang daming tao. Ang daming supporters ng bawat school kinakabahan na ako pero napansin ko tong katabi ko. "Mika okay ka lang?" Tanong ko skanya. "Ahh. Oo medyo kinakabahan lang ako." Sagot nya sa akin habang nililibot nya ng mata nya ang stadium.
"For our first match for this season. The Defending Champion De La Salle University versus University of Sto. Tomas" pag ka announce ay hiyawan ang mga audience. Nag kumpol kumpol kami sa gitna ng court namin. "Ladies ignore the crowd focus tayo okay?" Sabi ni Ate Aby sa amin. "Lets pull away agad" dagdag naman ni ate Chepot. Tumango kami skanila at nag punta na pwesto namin. Kami ni Mika ang rookies na nakasalang. Setter si Ate Kim ang Libero naman namin ay si Ate Melissa.
Mahigpit ang laban umabot kami ng 5th set ng UST. Lamang ang UST last 4 points nalang sila 4-11 ang score. Tumawag si coach ng time out.
"wag nyong sukuan malayo pa yan. Isang magandang receive. Kim tignan mo kung kanino mo ibibigay ung bola. Spikers be alert gamitan nyo ng utak. Okay?" Sabi ni coach sa amin. Sabay sabay naman kaming sumagot ng "Yes coach" at bumalik na sa court. Nag serve na ang UST. Nareceive ng maayos ni Ate Aby. Binigay sa akin ni Ate Kim ung set. 2 ung sumabay na blocker sa akin kaya napag desisyunan kong idrop ball nalang yun buti malayo ung tao sa likod kaya may butas sila. "Bully Ye sure service" sabi ko skanya. Tumango naman siya sa akin at nag punta na sa service line.
Ewan namin kung anong swerte ang meron kay Mika pero nahabol pa namin ang UST sa score nila si Mika na din ang tumapos ng game panalo kami sa score na 11-15. Nakakatuwa panalo kami sa una naming laban. Nakipag shake hands kami at agad pumunta sa dug out.
"Good Job ladies" sabi ni coach Ramil.
Camille: amazing service aces by Mika Reyes. (loko ni Cams kay Mika)
Mika: sira. Chamba lang yun. Haha"ang galing talaga ng bully nato. Haha dali picture tayo." Sabi ko kay Mika. Lumapit naman sya sa akin at nag picture kaming dalawa. Nag groupie na din kami ng team. Agad din kaming umuwi dahil mag mga pasok pa kami bukas at sympre training ulit.
Nung nasa boarding na kami ay naunang nag bihis si Mika kaya nag upload muna ako ng pictures namin ng team. Pero hiniwalay ko ung isang picture namin ni Mika na may caption na..
"So proud of this girl beside me :))"
Pero di ko ma-Tag si Mika. Di ko din sya maSearch nakaBlock ata ako sa FB nya. Kakaisip ko ay Hindi ko namalayang tapos na pala si Mika. "Ikaw na bully" sabi nya sa akin. Kinuha ko naman ang towel ko at naligo na din. After ko maligo ay nakitang kong hawak ni Mika ung phone nya.
Kakausapin ko sana si Mika kaso naisip ko ung sa FB. Ano kayang problema neto sa akin? Tanong ko sa sarili ko kaya umakyat nalang ako sa kama ko di ko sya pinapansin nagulat ata sya na di ko sya kinibo dahil napa-upo pa sya sa pag kakahiga nya.
"Ara galit ka ba?" Tanong ni Mika sa akin tumayo na sya para makita ako siguro dto sa taas. "Hindi ah" sagot ko naman skanya "baka ikaw may galit sa akin" bulong kong sabi habang kunwari nag babasa ng text sa phone ko. "Huh? Ako bat naman ako magagalit?" Sabi nya sa akin. Di ako nakapag pigil ay sinabi ko skanyang "di galit pero nakablock ako sa FB mo?" sabi ko skanya pero kalmado lang ako. "Shit? Totoo? Hala hindi ako nag block sayo. Wait" sabi ni Mika at kinuha nya ung phone.
Mika: Ara swear di ako ung may gamit ng account ko. Hindi ako nag block sayo.
"e sino nag block sa akin?" Tanong ko kay Mika umayos din ako ng pag kakaupo ko para makita ko sya. "Baka ung best friend kong taga sa amin" sagot ni Mika ng pabulong at nakayuko. "Sorry talaga Bully" pahabol nya. "Okay lang yun. Wag ka na sad. Bat ba ako blinock ng best friend mo lakas ng trip" tanong ko skanya. Diretso naman akong sinagot ni Mika "nag seselos sya sayo". Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mika. Oo madami kaming pictures together pero grabe hindi naman kaselos selos mga yun. Kinalma ko ung sarili ko bago uli ako nag salita. "Ano ba ung bestfriend mo? Babae o Lalake?" Tanong ko ulit kay Mika. "Babae" agad nyang sagot sa akin na halata din sa mukha nya ung gulat inis at hiya. "Hayaan mo na okay lang naman sa akin. Nagulat lang talaga ako kanina na nakaBlock ako sayo e wala naman akong ginagawa sayo tapos ganun pero Okay na" sabi ko kay Mika assuring her na okay na talaga. Ayaw ko kasing nakikita sya na ganito. "iAdd nalang kita gamit ung isa kong account" sabi niya sa akin. "Sige lang" kako sakanya. "Bully good night na. Wag mo na isipin yun okay? Okay tayo" sabi ko kay Mika. "Thank You Bully Good Night din sweetdreams. Lashuuu" bati din ni Mika sa akin "Lashuuu too bully" sabi ko naman. Naramdaman ko namang humiga na si mika.Hindi mawala sa isip ko na bat ako kelangan iblock nung best friend na Babae ni Mika. May nararamdaman akong kakaiba pero alam kong aamin din sa akin si Mika at malilinawan din ako ang importante okay kaming dalawa at hindi sya malungkot. Aalamin ko kung sini ba talaga ung babaeng nag block sa akin na sinasabi nyang best friend nya.

BINABASA MO ANG
Hey! I love you
FanfictionWhat would I give just to spend another moment with you? What would I pay just to be with you? I should've hold you tighter. I should've told you what I really feel. Now I'm living with all my regrets and with all of my what ifs. If I could just bri...