Chapter 14

237 2 0
                                    

Tapos na ang exam week. Ang ibang mga kateam nila ay umuwi na sa mga province nila sila Kim Ara at Mika nalang ang naiwan sa dorm.

"Pst kelan kayo uuwi?" Tanong ni Kim kay Ara at Mika na parehong busy sa mga phones nila.

Mika: baka bukas ng gabi ako madami uuwi eh mahaba pila sa bus station di naman ako susunduin. (Sagot ni Mika kay Kim at balik ulit sa phone nya)

Kim: Ikaw Ara kelan?

Ara: hmm ako? bukas din ng gabi yun ung napaReserve ko eh. (inopen naman ang ipad nya)

Mika: kaw ba kelan ka uuwi?

Kim: bukas ng umaga naman ako. Ano bang meron sa mga cp nyo at pareho nyong di mabitawan?

Ara: nag flaFlappy Bird kasi ako ewan ko kay Mika baka katext nanaman si Rachelle.

Kim: selossss. Hahaha

Nakuha pako asarin ni Kim eto namang si Mika nakikitawa pa. Selos? Ako? Never naman ako nakaramdam ng selos kay Rachelle. Asar? Sobra umaapaw paano ang good timing nag away ba naman sila ni Mika a week before Mika's birthday. Nakakainis.

"nakaKunot noo ka nanaman binibiro ka lang ni Kimmy eh." Sabi ni Mika sa akin. "I know" sagot ko naman kay Mika at nilaro ulit phone ko. "Sungit mo naman" bulong ni Mika at tumayo pumunta sa kusina.

Kim: uuwi na nga kayo inaway mo pa si Mika.
Ara: hindi ko naman sya inaway eh busy lang talaga ako sa Flappy Bird.

Bumalik si Mika may dalang glass of water at sandwich at umupo sa tabi ko.

"Kaya ka nananaba bully eh" sita ko kay Mika nung kumagat sya . "Tse labs mo parin naman ako kahit tumaba ako eh ako parin naman bully mo" sagot naman ni Mika. Natahimik nalang ako dahil totoo naman. Wala akong plano ipag palit tong higante na toh.

Kim: kaya nakakaasar pag kayo nag lalambingan eh nakakaumay at ikaw naman Ara wag ka mag pigil ng kilig. Hahaha (tukso ni Ate Kim sa akin)

Ara: Heh tahimik nag coconcentrate ako sa flappy bird.

Mika: konti nalang mag seselos nako sa flappy bird. (sabi naman ni Mika sabay kain ulit)

Tatlo na nga lang kaming natira dto sa dorm ay iniwan pa kami ni Kim may imemeet daw syang pinsan nya.

Mika: I'm bored bully. (sabay pout nya)
Ara: oh anong gusto mong gawin ko?
Mika: cold mo naman kanina ka pa meron ka ba?
Ara: cold bako? Di kaya. (hindi ko parin sya tinitignan)
Mika: Starbucks tayo?
Ara: ngayon?
Mika: hindi bukas tayo pupunta. Bored nga ako dba so malamang ngayon bully. Pleaseeeeeee.

Hindi ko naman matitiis si Mika eh kaya pinag bigyan ko na syang mag starbucks kami total uuwi na din kami bukas matagal tagal ko syang di makakasama naiisip ko palang nalulungkot na ako.

Ara: Okay bihis na.

Gumayak kami ni Mika at nag punta kami sa starbucks.

"Ano iyo bully?" tanong ko kay Mika. "Coffee Jelly bully Venti" sagot ni Mika sabay abot ng pera nya. "Okay" sagot ko at nag order habang si Mika naman ay umupo sa may sulok.

Mika: sarap talaga neto. Patikim nga ng Mocha mo.
Ara: ohh (abot ko ng drinks)

Nag sip naman si Mika "ang tamis masyado neto" sabi ni Mika sa akin. "Well sweet din kasi owner" sagot ko naman skanya at tinawanan lang ako ng loka.

Nag lalakad lakad kami ngayon ni Mika habang hinihintay ang last full show plano kasi naming manood ng Diary ng Pangit.

Mika: bully bili tayo potato fries.
Ara: tara gusto ko naman plato wraps.
Mika: ayy plato wraps nalang pala daliii. (hila ni Mika sa akin kaya nag pahila nalang din ako)

Nakatambay kami ngayon sa may gilid nakaupo sa floor. Tahimik kaming dalawa walang nag sasalita biglang nag ring phone ni Mika.

Rachelle Calling.......

Tinignan naman nya ako parang humihingi ng permission na sagutin nya ung call. Sino naman ako para mag No dba? Kaya nag Nod nalang ako skanya signaling her na sagutin nya na besides si Rachelle parin yun at magulo man relationship nila at asar man ako sa taong yun sya parin un GF ni Mika at di ko mababago yun. Sa paningin man na iba parang kami ni Mika andun parin ung katotohanan na friends lang kami.

Sinagot naman ni Mika ung phone nya naririnig ko naman usapan nila.

Mika: Bakit?
Rachelle: Baby. Saan ka?
Mika: SM kasama ko si Ara.
Rachelle: Ara nanaman.
Mika: kung aawayin mo lang ako wag ngayon please.
Rachelle: sge bahala ka wag mo na ako itetext o tatawagan i-block mo na ako sa phone mo at fb.

"Osige kung yan ang gusto mo" sagot ni Mika kay Rachelle at pinatay nya ang phone nya halata sa mukha ni Mika ang inis lungkot namumula sya hindi ko mabasa kung galit ba ung nararamdaman nya. Naaawa na ako kay Mika palagi nalang kasing ganito si Rachelle.

"Bully tara na ng sinehan wag ka na bumusangot dyan" hila ko kay Mika sa pag kakaupo nya.

"Bakit ganun sya Bully?" Habang nag lalakad kami papunta sa sinehan. "Hindi ko din alam bully pero sorry ha? Kasi kung hindi dahil sa akin di kayo nag aaway ewan ko ba kasi sa GF mo selos na selos sa akin" seryoso kong sabi kay Mika "at ikaw naman kasi bully wag masyado clingy sa akin kaya ako napag seselosan eh" habol kong pabiro kay Mika. "Hay nako bully ako lang talaga clingy ha bully wag moko ihuHug at bitaw sa kapit sa kamay ko" sabi ni Mika habang pinapalo ung kamay kong nakasukbit sa braso nya. "Ang pikon neto di na mabiro" sagot ko naman kay Mika at mas hinigpitan ko hawak ko skanya.

Mabuti naman at nandito na kami sa sinehan eh medyo okay na si Mika binibiro na ako at sinasabing nangangalay sya kasi di sya makasandal sa balikat ko bat daw ba ang liit ko binubully nako.

Ara: sige asarin mo ako ha?!
Mika: ang pikon naman ng bully ko. (Pout)
Ara: ohhh sshhhhh na bully ayan na.

Nag simula na ang movie tawa kami ng tawa pero ewan ako eto naiiyak din.

"Hala bully saang part ung nakakaiyak?" nag tatakang tanong ni Mika sa akin pero halata sa mukha nyang pinipigilan nya pag tawa nya sa akin. "Nag katuluyan sila tanggap nya si Nadine bully may True Love" sagot ko kay Mika habang pinupunasan ang luha ko. "True love pa ang nais bully hahahaha" sabi ni Mika di napigilan neto ung tawa. "Ang supportive mo" sabi ko skanya at tumayo na para lumabas sa sinehan. "Bully eto naman di mabiro" habol ni Mika sa akin at inakbayan ako. "Alam mo bully kahit ikaw ung umiiyak kahit nakakatawa ung palabas labs parin kita kahit natatawa ako pipigilan ko na at iintindihin nalang kita kaya wag ka na mag tampo dyan haha" sabi ni Mika sa akin. Tinignan ko lang sya at nginitian at nag patuloy na kaming mag lakad dahil maaga pa kami aalis bukas.

Andto na kami sa dorm nakatulog na din si Mika ako naman kakatapos lang mag sinop ng gamit ko at nakatitig sa skanya.

"Sino ba naman hindi mahuhulog sa taong toh? Kahit pinag tatawanan parin ako sa loob loob nya alam parin paano ako lambingin at alam parin paano pagaanin loob ko. Hay Mika kung alam mo kahit naman pinag tatawanan moko okay lang sa akin basta nakikita kong masaya ka. Kung may lakas lang ako ng loob na ipag laban itong nararamdaman ko para sayo. Kung kaya ko lang aminin sayo at kung hindi lang ako takot masira friendship natin. If fate would allow me I would make you the happiest person. Haay mamimiss ko naman toh." bulong ko sa sarili ko at humiga na din sa kama ko.

Hey! I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon