The Day Where It All Started

11.2K 212 20
                                    

"Keiji pangalan mo?" taas kilay kong tanong dito.

"Oo bakit? Bagay ba sakin pangalan ko ha? Ha? Gwapo no?" pagyayabang pa nito. Bilib din ako sa fighting spirit ng isang to eh!

"Wala lang? Sigurado ka bang hindi ka isang multo galing sa manhole?" sabi ko pa,at ang gago biglang humalakhak.

"Mukha ba akong galing sa manhole? Alam ko yang sinasabi mo dre! Eiji pangalan nun at hindi Keiji! Akala mo hindi ko alam yon ah? Pinabasa na kaya sakin yon ni Tito Yuweh" galak na sabi nito at talagang napaka natural ng tawa nya ah.

"Aba malay ko bang alam mo yon? Magka tunog kasi tsaka favorite ko yon eh si Eiji at Buknoy,Teka nga?! Bakit ako lang kinakausap mo?" sabi ko na lang sakto naman tumunog ang bell at pumasok ang isang teacher na may edad na pero mukhang mabaet.

"Good Morning class" pagbati nito,at parang elementary na sabay sabay sumagot ang mga classmates ko.

"Ako si Mrs.Sanchez,your Filipino teacher and also your class adviser,now kumuha kayo ng 1/4 sheet of paper,isulat ang buong pangalan,palayaw,kaarawan" anito at agad naman nagsikilos ang lahat.

Haha! Like what I said earlier,o diba ready na ako,nickname at birthday na lang ang idadagdag ko.

"Kung tapos na eh pass it forward,mag roll call ako at ang matawag ay pupunta sa harapan para magpakilala,bawal ang mahiyain okay?" sabi pa ni Mrs.Sanchez

At ng lahat ay mapasa na sa harap ang mga papel ay nagsimula na si Maam.

"Okay,magsimula tayo kay Prime Delmar" ani Maam. Tumayo yung lalaking nakasagi sa akin kanina. Bungisngisan ang mga babae,hindi ko naman sila masisisi,gwapo nga isang to.

"Im Prime Delmar, 17 years old and I love Playing basketball,thats all" anito at umupo.

Wow! Hindi man lang ngumiti?

"Psh! Hindi marunong ngumiti" komento ng nasa tabi ko. Nagpatuloy pa si Maam,hanggang sa matapos ang lahat, masasabi kong pinagpala ang section namin dahil nasa amin na ang mga gwapo at maganda,syempre included ako dun.

Ng dumating ang break ay nanatili lang ako sa upuan ko,hindi ko naman kasi alam kung san dito ang canteen no? Baka ubos na oras ko kakahanap dito eh hindi ko pa makita.

"Uy,hindi ka ba nagugutom?" kalabit sa akin ni Keiji na handang handa na para sumugod sa canteen.

"Hindi eh,mamayang lunch na lang siguro" sabi ko,kahit ang totoo ay may rebolusyon ng nangyayari sa tyan ko.

"Hello Keiji and Baikku, wala ba kayong balak mag lunch?" sabi ng isang babae,pagtingin namin si Belle Santiago pala.

"Hello din Belle,eto kasing si Baikku ayaw ata mag recess" ani Keiji.

"Ha? Bakit naman? Tara na girl,kesa mamatay ka dyan sa gutom,mababawasan ang mga magaganda" naka ngiti nitong sabi.

I like this girl! Ang lakas mambola hahaha!

"Sige na nga! Tara na" pag sang ayon ko at tumayo na din.

"Ayon,sasama din naman pala" ani Keiji at kami ni Belle eh naunang maglakad at nagchikahan,nasense ko na matalinong tao tong babaeng to.

Malapit na kami sa canteen ng may tumawag kay Keiji kaya napatigil kami.

"Hoy tol! Late ka na! First subject ang adviser natin,si Maam Sanchez,filipino teacher,I suggest na puntahan mo na lang sya sa teacher's room" ani Keiji dito matapos makipag manly hug.

"May gunggong kasi akong naka away kanina eh! Sige pupuntahan ko na lang dun" pag sagot ng lalaki. Gwapo din ito,base sa usapan nila ni Keiji ay classmate namin sya.

"Ay nga pala tol,ito nga pala sina Baikku Seiya at Belle Santiago,mga classmates natin, Baikku at Belle sya si Kebin Santos" at nakipag kamay kami dito,pero parang nasense ko na nailang sya sa akin pero pinagkibit balikat ko na lang ito.

Nagpaalam na si Kebin na pupunta sa Teacher's room habang kami naman ay pumasok na sa canteen at umorder,ng maka order na ng pagkain ay naghanap kami ng pwesto. Sakto nakita namin si Prime at ang classmate naming si Heaven kaya lumapit na kami.

"Hi Prime and Heaven,pwedeng makitable kami nina Baikku at Keiji? Wala na kasing bakante eh" nakangiting bati ni Belle sa dalawa. Wow! Pwede ng spokesperson tong si Belle eh,Beauty and Brain ang bruha haha!

"Oh sure" magiliw na sagot ni Heaven samantalang si Prime ay tumingin lang sa amin.

Seriously? Takot ba syang magsalita? O mabaho hininga nya? Bakit kanina nung hindi pa kami lumalapit eh nakikipag usap pa sya dito kay Heaven? Bipolar ang peg mo kuya?

So habang kami ay masayang lumalamon ay tahimik si Prime,mabuti pa tong si Keiji nakakasabay sa usapan namin,at ng matapos ang recess ay sabay sabay na kaming bumalik sa aming class room only to find out na may sabong na nangyayari on the very first day of school!

Nakakaloka ang mga to at parang wala pang umaawat,eh ako nakapag judo naman kaya nangahas na akong umawat,subukan nila akong idamay babalian ko sila ng tadyang! Sumunod si keiji at Prime sa pag awat.

At sa kasamaang palad,si Kebin Santos pala at si Myk Flores ang nag aaway.

Kapit ni Prime si Myk,kapit ni Keiji si Kebin. "Tol anong nangyari?" tanong ni Keiji kay Kebin at ako ay nakapagitna sa kanila. Kainis,first day of class may ganito ng eksena? Eh pano pa bukas?

"Yang gagong yan yung sinasabi ko sayong naka away ko kanina kaya ako na late!" gigil na sabi ni Kebin na akmang susugod ulit pero napigilan ni Keiji.

"Gago! Wala akong kasalanan! Tanga ka lang talaga!" sagot ni Myk na hindi din papatalo.

Naawa ako sa kanilang dalawa,sayang ang kagwapuhan nila,puro sila pasa sa mukha. "Naku guys! Itigil nyo na yan,magkaklase pa man din kayo,kung ano ang hindi nyo mapagkasunduan eh kalimutan nyo na lang" pag but in ko,ayaw ko namang araw araw maging referee ng mga impaktong to no?

"Wala kang pakialam!!" sabay na sigaw sa akin ni Kebin at Myk. Nagulat ako at napahiya,namula ako,nagpanting ang tenga ko, Ba,kahit bakla ako eh ayaw ko ng sinisigawsigawan ng ganun,kung sa dati kong school ay natiis kong huwag pumatol,eh ngayon hindi na.

Galit na nilapitan ko si Kebin at hinablot kay Keiji, tapos ganun din kay Myk at saka ko sila pinagtulakan ulit sa isa't isa.

"Oh hayan! Magbugbugan ulit kayo hanggang mapatay nyo isa't isa! Wala pala akong pakialam ah? Hindi na kayo nahiya! First day of class tas ganyan kayo?! Concern na nga yung tao eh! Bwisit!" sabi kong ganyan at iniwan silang lahat na walang imik pati mga kaklase namin. Umupo ako sa isa sa mga upuang nagulo at hindi na sila pinansin hanggang sa lumapit sina Belle at Heaven sa akin.

"Okay ka lang girl?" ani Heaven.

"napatahimik mo sila ah?" sabi pa ni Belle.

"Na stress ako dun mga bakla" sabi ko at tumawa. Sumigaw ang isa naming kaklase na padating na daw ang teacher kaya kanya kanya kaming ayos ng upuan.

"Ang astig np ginawa mo dre,pinabilib mo ako" ani Keiji ng tumabi na sa akin,ngiti lang ang sinagot ko.

*PIC NI KEIJI SA MULTIMEDIA :)

*please do leave a comment :)

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon