AN - Musta? Mukhang may mababago na naman,plano ko kasi na ang story ni Yukito ang last series ng Circles of love,but since may pumasok na namang idea sa akin,mukhang magtatagal pa pagsasama natin sa book na ito,kaya abangan nyo sina Reuben,Khaayl,Ice,Arjie at ang mga pag-ibig nila :)
Myk's point of view
Dumating ang araw ng christmas party namin,lahat masaya dahil after nito christmas vacation na,kailangan ipakita ko na masaya din ako though inside Im really dying,ayaw kong maapektuhan ang mga tao sa paligid ko dahil lang sa pagdurusa ko. Since the day na tinapos namin ni Kebin ang lahat sa amin,para na din akong namatay,sobrang hirap pala talaga ng ganito,sobrang hirap pala talaga ng ganitong klaseng pagmamahalan.
Tulad ng sinabi ko,masaya ang lahat at kailangan ko din magpakasaya kahit na alam kong napapansin na ng mga classmates namin ang hindi namin pagpapansinan ni Kebin,ayoko sya tingnan,lalo akong nasasaktan,gusto ko syang lapitan,halikan,yakapin at lambingin ngunit nagpigil ako,kailangan ko din namang manindigan sa desisyon ko.
"Class,may announcement ang poging president nyo na alam kong ikakatuwa nyo" sabi ni Maam Sanchez ng matapos ang kainan,games at palitan ng regalo.
Tumayo si Prime at nagpunta sa unahan,lahat kami tutok sa kanya. Ano na naman kayang sasabihin nito?
"Classmates,gusto ko lang sabihin na,magkakaroon ng outing ang buong section natin" panimula nya,sigawan at tilian ang lahat dahil sa tuwa.
"Napag usapan namin ni Keiji na gawin ito dahil ito na ang huling pagkakataon na magsasama sama tayong lahat sa isang outing,everything is set,KKB nga lang ng baong pagkain at pera,pero sa transportation eh si Keiji na ang sumagot,company bus ng Fuentebella ang gagamitin natin,at bukas na iyon guys,6am ang call time natin sa tapat ng school" dagdag nya,muli nagsigawan ang mga kaklase namin. Kakaiba talaga tong si Prime.
Tumayo si Keiji at nagpunta din sa harapan.
"Classmates,uhm sana walang pasaway ah? Kargo ko kayo at ng pamilya ko,nagkakaintindihan ba tayo?" ani Keiji.
"Oo tol Keiji! I love you! I love you din Prime!" sigaw ni Junko na ikinatawa ng buong klase.
"Okay class sana mag enjoy kayo okay? As much as I want to join eh mas kailangan ako ng pamilya ko" pagsingit ni Maam Sanchez.
Matapos nun ay nag stay pa kami ng isang oras sa room then nag uwian na para makapag prepare,pero kami ng tropa,dumeretso kina Keiji mag iinum,sumama sa amin sina Arjie,Ice,Reuben at yung Khaayl ng section A na kapitbahay ko.
Nag dalawang isip ako kung sasama ba ako bukas,parang hindi ko kayang magsaya,at saka dagdag gastos na naman yon,ayokong magpabigat kina Mama at Papa,alam naman ng lahat na hindi kami mayaman.
Pagdating kina Keiji ay pinayagan naman kami nina Tito Philip at Tita Krista na mag inum bilang celebration nga namin, dala ang mga pulutan at alak dumeretso kami sa tambayan, napangiti na lang ako sa pagkamangha at mga papuri ng mga bago naming kasama.
Inayos na nila ang mesa sa sala,pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig,pero hindi ko inaasahan na nauna pala dun si Kebin,nagkatitigan kami,yung paraan ng pagtingin nya parang nagsusumamo,parang gusto ko tuloy umiyak.
Tang ina lang,parang tuluyan na akong naging bakla,naging emosyonal at iyakin na ako,hindi naman ako ganito dati.
Kaya ang ginawa ko,nilampasan ko na lang sya at tinungo ang ref para kumuha ng tubig.
"Boss..." pagtawag nya pero hindi ko sya pinansin,pagkatapos uminom ng tubig ay agad akong pumunta sa sala.
Nagkekwentuhan na sila ng masaya,pinakilala nila si Khaayl kay Baikku,ngayon dalawa na ang bakla sa tropa.
BINABASA MO ANG
Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!
RomanceBOYXBOY YAOI GAY BROMANCE> Ito ay kwento ng mga kabataan ng bagong henerasyon ;)) kwentong pag ibig at kwentong pagkakaibigan.