Khaayl's Point of view
Ang bilis lumipas ng araw,magtatapos na ang May at kailangan na naming mag enroll for college,there's this one University na pumasa kami pareho ni Reuben. This is exciting actually and sad at the same time dahil hindi namin makakasama ang tropa,exciting dahil pinayagan kaming pareho ni Reuben ng mga parents namin na mag board na lang. But instead na mag board,nakahanap kami ni Reuben ng apartment na sakto lang sa aming dalawa.. Kaya naman masayang masaya kami,feeling ko mag asawa na kami na nakabili ng sariling bahay haha!
Bago magpasukan ay lumipat na kami ni Reuben sa apartment,medyo madrama dahil ito ang first time na malalayo ako ng matagal kina mama at papa,pero somehow,panatag ako dahil ang mahal ko namang si Reuben ang kasama ko,ibinigay pa ni Papa sa akin yong isang kotse,yun na daw gagamitin namin.
Nung unang araw tuwang tuwa ang tropa at talagang pinuntahan nila kami at nag inuman. Nakakalungkot lang talaga na magkakahiwalay kami ng university na pinasukan,pero knowing them,alam kong lagi kaming magkikita kita,ang tropa pa eh attached na kami masyado sa isa't isa sa dami ng pinagdaanan namin.
Dumating ang araw ng pasukan,magkaiba kami ng kinuhang course ni Reuben pero pareho ang schedule namin.
"Okay ka lang bie?" tanong ni Reuben habang nagdadrive papunta sa school.
"Medyo,kinakabahan lang" pilit ang ngiting pag amin ko ng lingunin sya.
Ngumiti sya at hinawakan ng kanan nyang kamay ang kaliwa kong kamay.
"Hindi mo kailangang kabahan bie,mag aaral tayo hindi bibitayin kaya relax ka lang" sabay halik sa kamay ko,para akong maiihi sa kilig,sya lang talaga nakakagawa ng ganito sa akin.
"Hindi mo naman ako masisisi bie,iba ang college sa high school" sagot ko na nakangiti.
"Kaya nga magkasama tayo diba? Relax" aniya at ngumiti saka kumindat. Pakiramdam ko babae ako tuwing ipaparamdam sa akin ni Reuben ang pagmamahal nya.
Ng makarating sa school ay nagpark na kami at sabay na naglakad patungo sa mga destinasyon namin.
"Bie patingin nga kung san ang room mo? Hatid na kita" aniya habang naglalakad kami.
"Ha? Huwag na,baka ma late ka" sagot ko habang kinukuha sa bag ko ang class sked at saka inabot sa kanya.
"Hmm Room C2 ka,dito tayo,magkatabi lang pala building natin" aniya at pinag intertwined ang mga kamay namin,hindi na ako pumalag,gusto ko ang nararamdaman kong kilig eh.
Na marating namin ang tapat ng room eh hinarap nya ako,pag silip ko sa room may mangilan ngilan ng estudyante. Napalunok ako mukhang may kalokohang naisip tong si Reuben sa paraan ng pag ngiti nya. Hinila nya ako sa loob ng classroom,pinagtitinginan kami,ang daming bulong bulungan na parang nilalakasan pa talaga para madinig namin.
"Ang gwapo nung lalaki,gosh!"
"And may I add,maganda din yung shokla"
"Baka magjowa?"
"Dun ka na maupo bie" ani Reuben sabay turo dun sa bakanteng upuan sa may gilid,sa first row,tabi ng bintana.
Ng makaupo na ako ay nagulat ako ng halikan nya,wala akong ginawa kundi mapapikit,parang biglang nangatog ang mga tuhod ko kahit naka upo na ako.
"Hintayin mo ako mamayang break bie ah? I love you" bulong nya sabay kindat saka umalis. Napatungo ako sa sobrang hiya,ramdam kong sakin nakatingin ang mga bago kong kaklase. Ugh!
Maya maya pa dumating na ang first prof namin,tulad nung high school nagpasa kami ng 1/8 sheet of paper kung san nakalagay ang pangalan at edad namin.
Kung nung high school hindi ako kinabahan sa pagpapakilala,ngayon todo todo ang kaba ko,kung hindi ginawa yun ng baliw na yon hindi ako mate-tense ng ganito,humanda sya sa akin mamayang break!
At nag start na si Sir mag roll call at ako gusto ko na din mag roll, nakakahiyang tumayo sa harapan after ng ginawa ni Reuben! Para na akong constipated sa itsura ko,grabe lang.
"Khaayl Lacson!"
haay! Ako na,kalma lang Khaayl,kalma,kaya mo yan.
Tumayo na ako at nakayukong nagpunta sa harapan,ramdam kong lahat sila ay tutok sa akin ang tingin. Kaya ko to! Magpapakilala lang naman tapos nun tapos na.
"Good morning Sir and classmates, Im Khaayl Lacson,18 years old, that's all thank you" nahihiya kong sabi at bumalik agad sa upuan ko,nagbulungan na naman ang mga bubuyog kong classmates. Haay! Sana makalimutan na nila yung kanina.
Sumapit ang break,napagdesisyunan kong huwag na umalis sa upuan dahil nga hinihintay ko si Reuben. Nakayuko lang ako ng maramdaman kong may lumapit sa akin kaya nag angat ako ng tingin.
"Hi Khaayl? Wala ka bang balak mag break?" sabi nung babae,ano nga ulit pangalan nya? Izzy?
"Sa amin ka na sumama teh,para naman kahit first day palang eh friendship na tayo!" sabi naman nung bakla din na si Jie.
"Ahm..Ah..Eh..May hinihintay kasi ako eh" nahihiya kong sabi habang salitan ang tingin ko sa kanila, para namang mga bombilyang kuminang ang mga mata nilang dalawa na ipinagtaka ko.
"Yung boyfriend mo ba hinihintay mo?" nakangising sabi nung Izzy.
"Kyaaaa!! Ang gwapo ng boyfriend mo teh! Ang swerte mo! Sana kasing pretty mo din ako!" kinikilig na sabi nung Jie kaya napahagikgik ako,sakto naman eh nadako ang tingin ko sa pinto ng room,at nandun na ang pag ibig ko,my Reuben at ang lapad ng ngiti ng mokong.
Napatingin din yung dalawa kung san ako nakatingin saka nagsisigaw na kinikilig habang nagtatalon. Napa face palm ako.
"Bie tara na!" ani Reuben ng lumapit sa amin at hinawakan na ang kamay ko,nginitian lang nya sina Izzy at Jie tas lumabas na kami.
Agad naman kami nakabili ng pagkain sa cafeteria at nakahanap ng pwesto at nagsimula ng kumain.
"Hoy makasalanan ka sa akin!" pagkuway sabi ko,ngumisi naman ang mokong na parang alam na nya ang kasalanan nya.
"At ano naman yon Bie? Alam mong wala akong ginagawang masama sayo" naka puppy eyes na sabi nya,napahagikgik ako.
"Tse! Alam mo bang nung hinalikan mo ako eh hindi na yon nakalimutan ng mga kaklase ko? Tumatak yon sa kanila dahil sa kaadikan mo!" sabi kong ganon at tumawa sya.
"Yon lang ba? Edi gumanti ka! Halikan mo ako ngayon dito!" aniya at ngumuso,binato ko nga ng crumpled tissue.
"Baliw ka! Ayoko! Nakakahiya!" sabi ko at tumawa na din.
"Teh,pwedeng makishare?"
"Oh Izzy at Jie,kayo pala,sige,the more,the merrier, nga pala Izzy at Jie ito si Reuben,b-boyfriend ko, Bie,sila si Izzy at Jie" pagpapakilala ko sa kanila.
"Ang gwapo mo naman! Ang swerte nyo sa isa't isa" hindi mapigilang sabi ni Jie,nakita kong napangisi si Reuben.
"Bunganga mo teh,pigil pigil din pag may time,taken na yan oy!" bara dito ni Izzy na ikinatawa namin. Nasa ganun kaming eksena ng may lumapit na mga babae sa amin.
"Hi! Ikaw si Reuben ng Chem.Eng department diba?" nakangiting sabi nung pinaka leader,napasimangot ako,ang ganda nya. Nanlaki naman mga mata nina Izzy at Jie,si Reuben naman ay nagulat at napatingin sa akin.
"Ah eh,oo miss,anong kailangan mo?" nag aalangang sabi ni Reuben. Parang ngayon pa lang ayaw ko na dun sa babae.
"Wala lang,I just want to meet you personaly,at totoo nga,gwapo ka,bagay tayo" anito na ikinanganga namin. Napaka straight forward naman ng babaeng to? "This is my number,call and text me anytime" dagdag pa nito na naglagay ng papel sa kamay ni Reuben na nakapatong sa mesa,bago umalis kasama ang mga kasama nito.
Parang kumirot bigla ang puso ko. Parang hindi ko magugustuhan ang mga mangyayari.
- Musta? Wala na nagkoComment dito pwahaha! Pero tuloy pa din ako :)
BINABASA MO ANG
Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!
RomanceBOYXBOY YAOI GAY BROMANCE> Ito ay kwento ng mga kabataan ng bagong henerasyon ;)) kwentong pag ibig at kwentong pagkakaibigan.