Third person's Pov
Nagulantang ang lahat sa ginawang pagtalon ni Myk sa bintana,mabuti na lamang at hindi pa sila nakakalayo sa resort kaya walang masyadong sasakyan.
"Manong itigil nyo ang bus!!" tarantang sigaw ni Keiji sa driver. Samantalang si Kebin naman ay walang inaksayang panahon at agad na lumabas ng bus para puntahan ang walang malay ng si Myk na naliligo sa sariling dugo. Nagsibabaan na din ang mga kaklase nila.
Matinding takot ang naramdaman ni Kebin,naalala nya ang nangyari kay Baikku.
"Boss!! Huwag kang susuko! Dadalhin ka namin sa ospital" tulo na ang luhang sabi ni Kebin "Padaanin nyo ako!" aniya at maingat na binuhat si Myk pabalik sa bus.
"Manong may malapit na ospital dito! Dun tayo" utos ni Keiji sa driver at tumalima ito.
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Kebin ang kamay ni Myk,ramdam nya ang paghina ng pulso nito.
"Boss,lumaban ka please,hindi ka pwedeng mamatay,huwag ngayon,huwag dito,kailangan pa kita boss,kumapit ka lang" humahagulhol na sabi ni Kebin.
Habang umaandar ang bus ay nilapitan nila si Mimi na namumutla na.
"Masaya ka na?! Masaya ka na sa ginawa mo?!" galit na sabi ni Heaven at sinampal ng malakas si Mimi na hindi nito naiwasan.
"At talagang matigas ang mukha mong sumama pa din? Tingnan mo ginawa mo! Tingnan mo! Napakasama mo?!!" umiiyak at galit na wika naman ni Belle at sinabunutan si Mimi,hindi ito nakakilos,ngunit agad ding umawat si Baikku at Khaayl.
"Im sorry,hindi ko alam na hahantong sa ganito,hindi ganito ang gusto ko,patawad" umiiyak na sabi ni Mimi na walang kalaban laban.
"Ngayon magso-sorry ka? Fuck you! Pano pag namatay ang kaibigan namin? Maibabalik mo ba ang buhay nya? Napaka sama mo! Napaka selfish mo!" bulyaw ni Heaven.
"At anong hindi ito ang ginusto mo? Ginusto mo to! Gumawa ka ng masama sa kapwa mo at alam mo ang kahihinatnan ng ginawa mo!! Hindi ka namin mapapatawad" bulyaw din ni Belle at nagwala habang sinasabunutan si Mimi. Umaawat na ang mga kaklase nila dahil sa kumosyong nangyayari sa loob ng bus.
"Girls tama na yan,pabayaan nyo sya,karma na ang bahala sa kanya" pag awat ni Yuki at inalalayan ang mga babae papunta sa harapan kung nasan si Kebin na yakap yakap ang walang malay na si Myk.
Naiwan si Mimi sa likod na mag isa,ni walang nagtangkang lumapit sa kanya,maging ang buong klase ay nagalit sa kanya. Para syang basang sisiw na iyak ng iyak at nag sisisi.
"Myk lumaban ka ah? Magsasama pa tayo ng tropa ng matagal,kaya lumaban ka" pagkausap dito ni Heaven,nag iiyakan na sila,lahat ramdam ang kalungkutan.
"Tumigil kayo sa kakaiyak! Hindi pa patay si Myk at hindi sya mamamatay!" bulyaw ni Prime na halatang nagpipigil din ng emosyon.
Hindi nagtagal ay dumating sila sa pinaka malapit na ospital,ang tropa ang pumasok sa loob,ng mailagay sa stretcher at dalhin sa ER si Myk ay lalo silang napaiyak.
Huling pumasok si Keiji sa ospital dahil sinabihan nya ang driver na sa labas ng school ihatid ang mga kaklase nila.
"Tawagan ninyo sina Tito at Tita dali" natatarantang sabi ni Belle,si Fuu ang tumawag sa mga ito.
Si Kebin naman ay walang tigil sa pag iyak,at paulit ulit sinisisi ang sarili,sinasaktan din nya ang sarili,inaawat lang sya ni Touya at Reuben.
Hindi maipaliwanag ang lungkot na lumukob sa kanilang lahat,ganito din ang nangyari ng madisgrasya noon si Baikku,pero parang mas matindi ang bigat ng emosyon ngayon.
"Sinabi ng tumigil kayo sa kakaiyak eh!" pag suway ni Prime sa tropa.
"Kasalanan ko to! Dapat ako na lang ang nasa kalagayan ni Myk eh! Dahil sa akin kaya sya tumalon! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" at muli nagwala na naman si Kebin,naka agaw na sila ng atensyon kaya inawat nila ito at pinakalma.
Hindi mailarawan ni Kebin ang takot na nararamdaman nya,sa buong buhay nya ngayon lang sya natakot ng ganito,ang takot na mawala sa kanya at sa kanila si Myk.
"Tol,naiintindihan ko ang nararamdaman mo,dumaan din ako sa ganyan,alam mo kung ano ginawa ko? Kinausap ko Siya,ganon din ang gawin mo" pag alo ni Keiji kay Kebin.
Maya maya may lumapit na duktor,lahat sila ay napatingin sa seryosong mukha nito,nakaramdam sila ng ibayong kaba.
"Nasan ang mga magulang ng pasyente?" tanong ng duktor.
"Tinawagan na po namin doc,anong lagay ng kaibigan namin?" ani Heaven habang nagpupunas ng mga luha.
"Kebin!" nadinig nilang tawag kaya napalingon sila,dumating ang mga magulang ni Myk na humahangos.
"Kami po ang magulang,anong lagay ng anak namin?" kinakabahang sabi ng Mama ni Myk ng makalapit.
"Im sorry,but your son didnt make it" deklarasyon ng duktor.
"NOOO!!! HINDI TOTOO YAN!!" sigaw ni Kebin at napaluhod na lamang.
"Hindi! Ang anak ko!" napaiyak na ding sabi ng ginang at niyakap sya ng kanyang asawa.
Muling nag iyakan ang tropa sa hindi inaasahang pagkawala ng pinakamamahal nilang kaibigan.
"Kasalanan ko to!!" paulit ulit na sabi ni Kebin. Nahabag ang duktor sa nasaksihan nya,ngunit wala din naman siyang magagawa. Duktor lamang sya,hindi Diyos.
"Doc,ang pasyente" sabi ng isang nurse na lumapit dito pero hindi na nila yon napansin dahil sa pagdadalamhati.
- Musta? 3rd UPDATE for the day, I need your votes and comments para mas lalo akong ganahan :3
BINABASA MO ANG
Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!
RomanceBOYXBOY YAOI GAY BROMANCE> Ito ay kwento ng mga kabataan ng bagong henerasyon ;)) kwentong pag ibig at kwentong pagkakaibigan.