Meeting Each other's Parents!

6.6K 158 18
                                    

Dedic ang chapt na to sa tol ko na walang kasing L! Jk! Hahaha :D

Baikku's Point of view

Sunday morning nagising ako sa sobrang uhaw. Pag gising ko,nagulat pa ako at nandito na ako sa kwarto ko,wala akong natatandaan na nakauwi pa ako dahil alam ko na lasing na ako kagabi. How did this happen?

Hinatid kaya ako ni Rye?

Napangiti na lang ako,pinanindigan nga nya ang pagiging kaibigan,sana makahanap na sya ng talagang para sa kanya.

Agad na akong bumangon,tinungo ang banyo at nagtoothbrush at hilamos saka ako lumabas ng kwarto ko pumunta sa kusina para tunguhin ang ref at uminom ng tubig.

Ng makainom ng tubig na malamig na malamig at naramdaman kong satisfied na ako ay tumungo naman ako sa living room,nandun si Mama nanonood ng TV.

"Oh anak,gising ka na pala,nagugutom ka na ba?" ani Mama ng tumabi ako sa kanya sa sofa.

"Hindi pa Ma,maya na lang akong lunch kakain,nga pala pano ako nakauwi?" sagot at tanong ko din.

"Hinatid ka ng kaibigan mong si Rye mga 12:30 kagabi,hindi naman daw nya alam na talagang hindi ka nainum ng alak,ayun humingi ng tawad at saka umuwi, mabait sya ah" mahabang sagot ni Mama. Hindi na ako nagsalita at nagfocus na lang din sa kung anong pinapanood nya.

"Ma,diba tanggap mo na kung ano ako?" out of nowhere ay bigla kong tanong kay Mama,ewan parang may nag u-udyok sa akin na sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Keiji.

"Oo naman anak syempre,bakit mo naitanong?" nagtatakang tanong ni Mama ng bumaling sakin. Eto na to! Sasabihin ko na!

"Kasi po Ma,may bo--"

BADING DONG!!

Huh? O.o

bakit ganun tunog ng bell namin? Tss! Eto epekto ng RH eh! Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"Ako na magbubukas anak,busy si Manang sa pagsasaing" ani Mama,tumayo,tinungo ang front door at lumabas.

Siguro blessing in disquise na rin yon na huwag ko muna sabihin kay Mama.

"Anak may bisita ka" sabi ni Mama ng bumalik,kasunod nyang pumasok si Keiji.

Ano ginagawa nito dito?

"Magandang umaga Baikku" ubod ng tamis ang ngiti ni Keiji ng sabihin nya yan ah?! Ako tuloy ang kinabahan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Masama bang dalawin at sunduin ang boyfriend ko?" nakangisi nyang sagot.

Pakiramdam ko nalaglag ang panga ko sa lapag at nalunok ko ang bagang ko! Walangya! Sinabi nya yan sa harap ni Mama! Parang gusto ko ng bigla matunaw!

"Maupo ka muna Ijo" ani Mama,naupo nga ito sa tabi ko,tas bumaling sa akin si Mama "Ito ba ang dapat na aaminin mo sa akin kanina anak? Well you have my blessings na,dont worry sinabi na kasi agad nitong boyfriend mo kanina sa labas ng tanungin ko kung sino sya" mahabang sabi ni Mama habang humahagikgik pa.

Parang lumuwa ang mata ko! Hindi ako makapaniwala na ganito kaaga at kabilis mangyayari ito,all the time nakanganga ako,hindi ako makapag salita. Totoo ba ang lahat ng ito?

"So ijo,bakit mo nga pala sinusundan si Baikku?" pang uusisa ni Mama,nakatingin lang akong dalawa sa kanila. Pakiramdam ko kasi pag sumabat ako,ako naman ang i-interogate ni Mama, ganyan sya.

"Family day po kasi namin Tita,isasama ko po sya at saka gagawin namin ang project nya sa bahay" kampanteng sagot ni Keiji. Hindi man lang nakaramdam ng nerbyos,sabagay boto si Mama sa kanya at mukhang pabor naman sa akin iyon.

"Call me Mama ijo,anyway be sure to drop him home later this evening okay?"

Wow ah? Mama? Agad agad!

"Salamat po Mama"

"At ikaw Baikku,maligo ka na,ayaw ko namang humarap ka sa mga inlaws natin na hindi pa naliligo" baling sakin ni Mama at saka tumawa,nakitawa pa ang gunggong na Keiji.

-----

Keiji's Point of view

Gusto ko matawa sa reaction ni Baikku kanina,all the time hindi sya nakapag salita at nakapag reak haha! Astig din ni Mama eh haha!

Masaya ako na payag sya sa relasyon namin ni Baikku at todo suporta pa talaga sya,hindi ako tuloy makapag hintay na mag monday na para maikwento sa tropa ang mga mangyayari sa araw na ito.

Sa bahay nina Lolo at Lola ang Family gathering,every sunday yun ginagawa.

Pagdating namin dun ni Baikku madidinig na agad ang mga tawanan nila mula sa garden.

"Kinakabahan ako" sabi ni Baikku ng makababa kami ng Taxi at makapasok sa bakuran,pinag intertwine ko mga kamay namin.

"Huwag ka kabahan,ako nga hindi kinabahan kay Mama eh" nakangiti kong sabi.

"Arekup!" binatukan nya ako!

"Natural! Mag isa lang si Mama,e dito sa pamilya nyo ang dami,baka hindi na ako makalabas ng buhay! Sayang ang project! Hindi ko maipapasa" nakangisi nyang sabi at nagtawanan kaming dalawa.

Inaya ko na sa loob si Baikku,pati ako hindi ko maiwasang kabahan. Ng makarating kami sa Garden ng bahay nina Lolo at Lola si Yukito ang una kong napansin. Nakangisi ang impakto!

Lumapit na kami,ramdam ko ang tensyon ni Baikku kaya pinisil ko ang kamay nya na ibig sabihin ay relax.

"Ijo,buti dumating ka na,hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo?" ani Lola ng matapos ako mag bless at hug sa kanila.

"Lolo,Lola,Mama,Papa,Uncles,Aunties and Cousin's, this is Baikku, my Boyfriend" pagpapakilala ko.

"Magandang tanghali po" magalang na pagbati ni Baikku at nagbow pa.

Bakit sya nagbow? Wala naman sya sa Japan.

Natahimik ang lahat,maliban sa mga hagikgik ni Yukito at Meychi pati ng magagaling kong kapatid. Ang mga pinsan ko parang nagtaka.

"Anong ibig sabihin nito?" malakas ang boses ni Lolo kaya napaigtad ako at si Baikku,lalo ko naramdaman ang panginginig nya.

Tiningnan ko sina Mama at Papa na para tulungan ako,tapos napatingin din ako kina Tito Argel at Tito Gelo na nakatingin din sa akin. Lalo ako natensyon.

"P-pasensya na po Mam,Sir sa abala at sa gulat na naidulot n-namin,p-pero k-kahit hindi nyo po payagan ang relasyon namin,gusto ko pong malaman nyong lahat na mahal ko si Keiji,mahal na mahal" nagulat ako sa sinabi ni Baikku,tiningnan ko sya,nakatingin sya sa pamilya ko at ganun din ang pamilya ko sa kanya. Lalo tumindi ang pagmamahal at paghanga ko sa kanya dahil dito.

"Alright,nasa inyo na ang basbas namin,since matagal ng kasunduan sa pamilyang ito na tanggapin at mahalin ang mga taong mahal ng mga mahal namin" mapagkumbaba ang boses ni Lolo at nakangiti.

Totoo ba ito? Sa tuwa ko ay niyakap ko si Baikku saka lumapit at niyakap sina Lolo at Lola tas sunod kong niyakap sina Mama at Papa.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay kinausap nila kami ni Baikku at nangaral then pinakilala ko si Baikku sa mga pinsan ko. Halos lahat naman sila gusto sya, para daw kasi syang sina Tito Yuweh at Tito Yuri.

Sobrang nag enjoy naman si Baikku sa company ng mga pinsan ko at kapatid,at masaya ako na masaya sya,masaya din ako na both side ng family namin ay tanggap ang relasyon namin.

Later that day,umuwi muna ako samin kasama si Baikku para kumuha ng damit at ng uniform,diba nga mag over night ako sa kanila at gagawin ko din ang project nya?

Haayy! What a joyful and tiring day!

- Ahoy?! Musta? Comments and Votes if nagustuhan po :3

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon