Baikku's Point of view
"T-teka Keiji! San tayo pupunta? Bakit palabas na tayo ng school? Akala ko ba kakain tayo?" taranta kong tanong,hila hila pa rin kasi ako nito,anong masamang hangin ang nasinghot nito at bigla ulit namansin? Lakas tuloy ng tibok ng puso ko tengene!
"Kakain nga,at magde-date" naka ngisi nitong sabi ng lingunin na ako,sakto nasa labas na kami ng school.
"Ha?" sabi ko naman,parang nabingi ako na ewan. Ano daw sabi nya?
"Alam kong hindi ka bingi Baikku,ang sabi ko,kakain tayo at magdedate" nakangiti nitong sabi. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. Alam naman kasi nating lahat na alam nya na mahal ko sya. Why is he doing this? Baka lalo ko sya mahalin tas irereject din ulit? No way ayoko!
"Ano kasi,huwag na lang ako pagtripan mo Keiji" sabi ko naman na hindi pa din tumitingin sa kanya.
"Hindi ako nagtitrip Baikku,marami akong gustong sabihin,now sakay na" sabi nya. Hindi ko man lang napansin na naka para na pala sya ng taxi. Wala akong nagawa kundi sumakay.
Habang nasa byahe panay pa din ang pag iisip ko,madami daw sya gustong sabihin? Eh ang sabi sa akin ni Myk manliligaw daw sya kay Cherry? Gusto ata ako paglaruan ng isang to eh! Pwes hindi ako papayag! Judo ang katapat nya!
Ng makarating kami sa Mall ay naghanap kagad kami ng makakainan. I cant believe this! Nag cut ako ng class para dito? Pero sa kabilang banda masaya ako at yun ang totoo, mamaya ko na lang sasabihin sa kanya ang mga agam agam ko.
Mcdonalds ang napili naming kainan,sya ang umorder at ako ang naghanap ng mauupuan. Ng makahanap na ako ay sakto naman padating na sya dala ang order namin.
Nagulat ako sa dami,pero sa tulad kong malakas kumain ay isa iyong oportunidad,libre to kaya grab the opportunity!
"Kain na" aniya ng maka upo at maiayos ang pagkain ko.
"Ang dami naman nito" pademure kong sabi.
"Alam kong malakas ka kumain kaya dinamihan ko talaga" sabi ng impakto.Gusto ko tuloy sya patulkan! Hindi man lang nagpasintabi? Walangya! XD
"Ginawa mo naman akong patay gutom" nakasimangot kong sabi at sinimulang lantakan ang fried chicken,at sya? Ngumiti lang. Bruhildo talaga!
"Natatandaan mo yung nangyari sa bar Baikku?" aniya sa pagitan ng pagkain. Ofcourse! How can I forget that? Ugh!
"Oo naman,bakit?" kunwari ay pa cool kong sagot at sumubo naman ng kanin.
"Sinabi mo na mahal mo ako diba?" aniya pa. Hindi ako sumagot. Alam kong may kadugtong pa ang sasabihin nya "Ang totoo nyan Baikku,may nangyayari sa akin na hindi ko maintindihan nung una,pero I realize na dahil pala yon sa gusto kita,gusto ko sanang mas palalimin pa ang nararamdaman ko kung pahihintulutan mo ako" seryoso nya pang dagdag. I was caught off gaurd,parang na stakap yung pagkain sa lalamunan ko kaya ininom ko muna yung coke,ang lakas lakas ng tibok ng puso ko,centralized naman ang aircon dito sa mcdo pero bakit parang ang init ng pakiramdam ko?
"T-totoo ba yan? Hindi ko alam sasabihin ko. Eh pano si Cherry?" nag aalangan kong sabi. Aba ayokong makasakit ng damdamin ng iba no,ang bait ko kaya ^o^V
"Totoo mga sinabi ko Baikku basta pagbigyan mo lang ako,at saka si Cherry? Wala naman nangyaring ligawan,plano pa lang yon dapat sa gagawin ko nga sanang paglimot ng nararamdaman ko,pero fortunately,ako din ang tumalo sa sarili ko, haay gagong Myk talaga yon" naka ngiting sagot ni Keiji. Parang musika sa pandinig ko ang mga sinabi nya,finally! Ang taong mahal ko gusto din ako? Hindi pa man nya ako mahal,dun din naman siguro ang punta non diba? Thank you Bro! ^__^
"Ah eh.. Sige?" nasabi ko na lang,kinikilig kasi ako eh.
"Anong sige? Pwede na kitang ligawan? Pero pano si Rye?"
Nalungkot ako,panigurado masama loob sa akin ng isang iyon dahil sa pagbusted ko sa kanya,hindi ko naman sya pwedeng sagutin kung wala ako nararamdaman sa kanya,ayoko maging unfair.
"Oh? Bakit bigla ka nalungkot?" nag aalalang tanong nya,kaya sinabi ko ang totoo.
"I turned him down,kasi nga,I was hoping na baka magkaron ng milagro sa ating dalawa,alam ko masama loob ni Rye sa akin" malungkot kong sabi.
"Ganun ba? Huwag ka na malungkot,I'll talk to him pag nagkita kami,basta ang mahalaga binigyan mo ako ng pagkakataon,maraming salamat Baikku" sabi naman nya at hinawakan ang isa kong kamay,nakaramdam ako ng mga mumunting kuryente dahil dun. Ang weird?
"Salamat din Keiji" sincere kong sabi. Tama sya, ang mahalaga ay pinagbigyan ko sya haha! Aba hindi biro yung pag amin ko sa kanya sa bar! Kinailangan ko uminum ng maraming alak! Yon kasi ang sabi ni Heaven eh =__=
"At salamat kay Mcdonalds" naka ngiti nyang dagdag at nagtawanan kaming dalawa at itinuloy ang pagkain.
-----
Keiji's Point of view
Two subjects na lang ang naabutan namin ni Baikku pagbalik sa school,naglibot libot pa kasi kami sa mall,hindi namin namalayan ang oras,ganun pala talaga yon,ang saya ko lang na nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. Ngayon uwian na,plano muna naming tumambay sa tambayan.
"Nasan sina Kebin at Myk?" tanong ko ng mapansing wala ang dalawang kulugo. Dinig ko namang humagikgik sina Belle at Heaven.
"Bakit?" tanong ko saka tumabi kay Baikku at kinuha sa kanya ang bag nya, kita ko kung paano ngumisi ang magaling kong pinsan,ewan pagbalik namin ni Baikku tropapips na sila,kasama din tuloy namin ngayon sina Fuu at Touya, si Prime naman ay ngumiti lang. Parang alam ko na kung ano nangyari.
"Nag away na naman ba yung dalawa?" inosenteng tanong ni Baikku habang inaagaw sa akin ang bag nya,pinanlakihan ko lang sya ng mata haha!
"Si Prime ang may sala bakit wala yung dalawa,baka nagpapatayan na yong mga yon ngayon" ani Belle. Napangisi ako at nag apir kami ni Prime, astig talaga nitong Prime na to.
"Eh kayo Baikku at Keiji kamusta?" pang aalaska ni Heaven,inulan tuloy kaming dalawa ni Baikku ng tukso,nailang ako lalo pa at nandito ang magaling kong pinsan.
"Nakakatuwa kayo" sabi ni Fuu,sakto nakalabas na kami ng Campus, iniintay na lang ang Van namin,tinext ko kasi kanina Driver namin na tatambay ako kasama ang tropa kaya sunduin kami gamit ang Van.
"Sinabi mo pa gurl! Makijoin lang kayo samin lagi" pag sang ayon ni Heaven.
"Keiji-kun ayos lang ba na kasama kami?" parang nahihiyang sabi ni Touya,ganyan ba mga hapon? Sa bagay mahiyain si tito Yuweh.
"Oo naman no! Katropa na kayo eh! Saka wala naman ako magagawa kung isiksik ng pinsan ko sarili nya samin" tumatawa kong sabi. Nakatanggap tuloy ako ng paltok mula kay Yukito.
Ilang saglit pa dumating na ang Van,nagkanya kanya na kami ng upo,kami ni Baikku sa likod,gusto ko sya kasi masolo.
"Mang Tonyo pabukas ng radyo" utos ko sa driver namin. Sakto pag on nito ay 'Cant fight the feeling'.
Napangiti ako,lagi ko nadidinig na kinakanta yan ni tito Argel,kaya ang ginawa ko,kinuha ko ang kanang kamay ni Baikku at inintertwine sa kaliwa kong kamay.
Napatingin sya sa akin,nginitian ko lang sya ng matamis. Haay,natalo talaga ako ng puso ko.
Baikku,to you,I surrender.
- WazZuPs? Haha! What's crackin' ? Vote and Comment kung nagustuhan! This is my 2nd update for today! :3
PIC NI PRIME -->
BINABASA MO ANG
Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!
RomanceBOYXBOY YAOI GAY BROMANCE> Ito ay kwento ng mga kabataan ng bagong henerasyon ;)) kwentong pag ibig at kwentong pagkakaibigan.