Love is sweeter the 2nd time around! The end.

6.7K 177 36
  • Dedicated kay All Circle of Love readers :)
                                    

KHAAYL's Point of view

Nanatili pa din akong nakatalikod,nakayuko at ibinubuhos sa pag iyak ang aking kabiguan,ang aking kasawian sa pag-ibig. Ganito pala yon pag dumating na sa sukdulan at sinukuan ka na ng taong mahal mo,parang may sunod sunod na sibat ang tumatama sa puso ko.

Natigil ako sa paghikbi ng makarinig ako ng stram ng gitara. Alam ko kung ano ang tinutugtog! Paborito namin iyon ni Reuben.

~ I would give up everything

Before I'd seperate myself

from you After so much suffering

I finally found unvarnished

truth

I was all by myself for the

longest time

So cold inside And the hurt from the

heartache would not subside

I felt like dying

Until you saved my life

Boses iyon ni Reuben! Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko,doble sa dating bilis,para na akong hihimatayin.

~ Thank God I found you

I was lost without yo

My every wish and every

drea

Somehow became reality When you brought the

sunlight

Completed my whole life

I'm overwhelmed with

graditude

'Cause baby I'm so thankful I found you

Dahan dahan akong humarap,ni hindi ko na magawang punasan pa ang mga luha ko ngayon na parang ilog na walang katapusan kong dumaloy. Nakatingin sya sa akin habang nag gigitra at kumakanta. I can see love in his eyes. Nananaginip ba ako?

Naglakad ako palapit sa kanya,ilang pulgada na lang ang pagitan namin,habang kumakanta sya ay nakikipagtitigan sya sa akin,nanariwa sa akin ang lahat,nung una kaming magkakilala,ng magsimula syang manligaw,ang mga lambingan at tampuhan pati ang suyuan saj isa't isa.

Ng matapos syang kumanta ay nanatili pa din akong nakatayo sa harap nya,inilapag nya ang gitara sa isang lamesa at binalik nya ang kanyang tingin sa akin. Nanginig ang tuhod ko sa paraan ng pagtingin nya,para akong nanlalambot,pakiwari ko anytime ay matutunaw ako.

"Bie" aniya. Napasinghap ako,ngayon lang nya ulit ako tinawag sa tawagan namin,parang puputok ang dibdib ko.

"Patawarin mo ako kung napaiyak pa kita ng ganito,gusto ko lang malaman mo na wala kang kasalanan,yung kaninang humihingi ka ng tawad,mali yon,hindi mo dapat ginawa yon,ako ang dapat humingi ng tawad sayo dahil ako ang nagkaroon ng napakalaking kasalanan bie" dagdag nya at hinawakan ang dalawa kong kamay,nakaramdam na naman ako ng mahihinang boltahe ng kuryente na gumapang papunta sa puso ko mula saj pagkakahawak nya.

"Naging mahina ako,natakot ako sa mga pwedeng mangyari,pero wala akong mapapala kung puro takot ako,patawarin mo ako na naglihim ako sayo at nagpadala kay Leila,patawad talaga bie"

Umiling ako at ngumiti.

"Wala kang dapat ikahingi ng tawad,dahil napatawad na kita,sadyang naging sarado lang ang isipan ko,inuna ko ang bugso ng damdamin ko,hindi ko man lang sinubukang pakinggan ang mga paliwanag mo,hindi ko man lang naisip na may pinagdadaanan ka" at tumulo na naman ang luha ko,pinunasan nya ito.

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon