IGMH:2

49 2 0
                                    

Dedicated to Miss.Girlinlove~ Miss ko na kasi talaga ang Coreans! hahaha! Ang ganda ng 3words8letters^_____^

02. Spazzing

Z1's POV

Eto nanaman ako, tinitignan ang picture ng Pinakamamahal kong si Xzavier~ Grabe, bakit kaya baliw na baliw ako dito?? Ano ginawa saken nito?? Kaloka. Mag-isa nga lang pala ako sa aking kw--

"Pasok ako huh!" sigaw ni Z2 sabay pasok at upo sa kama ko. Kakasabi lang eh~

"Makakahindi pa ba ako, eh nandito kana?" pamimilosopong tanong ko. "Kaya nga pumasok nako para hindi kana makaangal eh~~" sagot nya.

"Eh, ano ba ginagawa mo dito??" tanong ko then tumingin na ulet sa screen ng laptop ko. Oh diba? Hindi kami mayaman, may kaya nga diba? -___-

"Kain tayo." napatingin naman ako sa sinabi nya.

"Alam mo namang we don't have much food dito ehh." sabi ko habang kumikinang ang mata ko sa screen.

"Wow! English!!" napatingin ulit ako sa pinto ng kwarto ko. Aba, ba't nandito nanaman 'tong bruha na'to?

"Kaya nga eh. Buti marunong ako ng self-control kundi puro dugo na dito!" sagot ni Zoe. Adikk talaga 'tong mga to. Kahit kasi may lahi kami, naa-amaze parin kami pag nage-english ang isa samin. Minsan nga napapaisip ako, hindi ba talaga kami galing mental?

"Hoy! Anung ginagawa mo dito huh??!" tanong ko kay Kriztel na ngayon ay masaya nang nakahiga sa kama ko. "Kain nga tayo sabi eh." tamad na sagot nya. "Wala ngang pagkain dito eh!" sabi ko, hindi naman masyadong nakasigaw.

"Sino ba nagsabi na pagkain nyo ang kakainin naten?!" Aishh, ang ingay talaga ng microphone nato! "Edit kanino?!!" napasigaw narin tuloy ako. "Eto po ohhhhh~" again, napatingin nanaman ako sa bukas na pinto ng kwarto ko at niluwa nun sina Bernize at Eunyz.

"Ang init ng ulo ni Lizz ko ahh~" sabi ulit ni Rhen. Medyo huminahon naman ako dun. "Ahehehe~ Sino bumili??" tanong ko.

"Kami!" sagot nila Eunyz at Bernize. "Samin yung pera~~" singit nila Zoe at Kriztel.

Tinignan ko naman sila ng straight face. "Tinatanong ko?" pagtataas ko ng kilay. "Ah ganun? So, walang Lizz na kakain sa kwartong 'to." sabi ni Kriztel na nakataas din ang left kilay sakin.

"Oh okay. Edi wala ding Kriztel na tutungtong ng kwarto ko." sagot ko. Kala mo ahh! xDD! "Arasseo~" nagsmile sya sakin then dinala yung mga pagkain na nasa lapag.

"Hoy!! Anog gagawin mo jan??!" tanong ko sa kanya. Tulok nito, aalis nalang dadalhin pa yung pagkain!

"Kakainin. Kami ni Zoe gumastos dito eh!" sabay irap nya. "Yaaa! Joke lang! Adikk neto, di mabiro!" lumapit ako sa kanya then kinuha yung mga pagkain at kiniss sya sa cheeks.

"Yung pagkain pa talaga yung inunang kuhain eh no.." singit ni Eunyz. I sent her a glare. "Oo nga no! Amin na nga yan!" sabi ni Kriztel.

"Osige umalis ka!" sigaw ko. she smiled. "Joke lang~ Tumakas nga lang ako samin eh! Tara kain!!" sabay smile, ginagaya yung smile ko-____- tsk tsk.

"Oy Zoe, nanahimik ka jan?" tanong ni Bernize kay Zoe na nakatingin sa PC screen ko habang malapit na tumulo ang laway.

"Lizz! Sino to? Nakita ko lang jan sa google images, katabi ng Xzavier mo eh.." tanong nya sakin ng di parin naalis ang tingin sa screen. Lumapit ako sakanya at tinignan ang tunuturo ng mahiwagang nguso nya.

I'm gonna meet..him?? [RMTFC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon