Lean On:

3 0 0
                                    

Sarah POV

"Bakit niya ginawa yun? Hu..hu..." Ang sakit pala ang magtapat tapos sasabihin sayo na'taken na ako' Ikaw pa yung napahiya sa harapan ng mga kaibigan ng taong yun. Ang buong akala ko single siya kaya nilakasan ko yung loob ko para magtapat sa kanya but still! NGANGA!

"Tanga ka kasi!" Ay! Makatanga wagas! Kahit kailan talaga oh! Imbes na pagaanin niya yung loob ko lalo lang niya pinabibigat!

"Anong klaseng kaibigang ka?!" Baliw siya! Tawagin daw ba akong tanga? Ouch! Oo! Tanga na kung tanga!

Nandito ako ngayon sa school garden, kasama ko si kyle. Best friend ko simula elementary school year. My mom and his mom was best friend din, I thought that I could be friends with him hindi naman ako nabigo. Sinasamahan niya ako sa pag iyak ko dahil pinahiya lang naman ako ng walang modong crush ko. Di ko alam kung paano ako nagkagusto don? Gwapo eh! Pero anong ginagawa niya? Naninigaw lang! Ganyan ba magpatahan?

"Tama na nga! Nagmumukha ka ng adik dyan eh!" See! Seryoso? Adik? Sa Lahat ng pwedeng ipares sa mukha ko, adik pa?

"Bakit Adik sa ganda kong toh?" Pagmamalaki ko. Tama naman ako ah! I'm pretty! Dahil sa ginagawa niya napapatigil niya ako sa pag iyak ko. Iba ang paraan niya para magpatahan!

"Namumugto na kaya yang mata mo! Para kang naka shabu!" Baliw talaga siya. Imbes na patahanin niya ako sa matinong paraan eh Anong ginagawa niya? Ay! Ulit ulit?

"Aish! Baliw!"

Siya nga pala,bago ko upakan tong kausap ko magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Sarah Kim. Half korean/ half Filipino ganun din si Kyle. He was the next successor of Jang's restaurants and me? Successor ng Kim's fashion line. My mom and dad was the Business icon. Ewan ko lang dito kay Kyle,on food industry naman siya eh! Kay mama ang fashion so...Kay daddy ang wine ang cars brand. Yaman ko noh? Well... ok lang yan.

"Hoy! Ikaw ang Baliw! Bakit hindi ka kaya manalamin? Tignan mo yang Mata mo!"sabay turo sa mata ko. Ipangalandakan daw ba yung namumula kong mata?

"Ikaw ba naman mapahiya?!"

"Kasi ang lakas ng loob mong umamin eh pag ayaw nila sayo iiyakan mo na lang"

"Eeehhhh!!! Gusto ko ng magka boyfriend eh!" Ayoko sa lalaking pinaglalaruan lang ang feelings ng mga inosenteng babae! Nadala na ako sa panloloko nila!Seryoso lang ako pag alam ko na seryoso din sila. Ganun ako.

Teka! May naisip ako! Si kyle seryoso siya pag nagmahal, sa kanya na lang kaya ako? Seseryosohin ko din siya!

"Kyle ikaw na lang kaya?" Pagbibiro ko.

"Anong ako na lang?" Hala! Salubong na yung kilay niya! Eehh!!.. Yan ang nakakatakot sa kanya eh.

"Ikaw na lang maging boyfriend ko?"  Panloloko ko pa. Sige lang... Sarap niya talaga asarin!

"Baliw ka ba? Ayoko nga!" Umiwas siya ng tingin. He he nakakatawa talaga siya.

"Sige na kyle...." pagmamakaawa ko. Nag puppy eyes pa ako. Para kapani- paniwala.

Tumalab ka...

Tumalab ka....

Tumalab ka....

Tumalab ka....

"Ayoko!" Ano ba yan? Wala talaga akong charm sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ang panget ko.

Hayaan na nga! Best friend is the most important than boyfriend! Bukod sa pamilya ang best friend ang lagi naman natin kasama. Totoo yan!

Makakahanap din ako ng love of my life.

...And I promise I will be the most sweetest girl.

Basta siya kasama ko hindi ko nararamdaman yung pagkaka iba ng gender namin.

Maraming nagsasabi na ang lalaki at babae pag nagsama magkakatuloyan. Well... Wala sa amin yan ni Kyle kasi hindi lang best friend ang turingan naming dalawa, magkapatid na din at the same time.

***itutuloy***

CRUSH:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon