Kyle POV
Natutulog ngayon sa kwarto ko si Sarah. Tumakas kasi kami sa school, nag over the bakod lang naman. Pucha! May gasgas tuloy siya sa tuhod, pag landing namin sa damuhan may bato sa mismong spot kung saan siya tumalon. Hayun sugat ang abot. Hindi pa alam nila mom kung anong dahilan kung bakit wala ako sa school. T*ngina! Maaga pa naman, kaya mamaya pa uuwi si mom galing restaurant. Yun ang business namin. Jang's Restaurant. May korean and Filipino food, lahat ng recipe nun pinag aaralan ko kasi ako ang successor nung business namin.
Maiba tayo.
Ang ganda pala ni Sarah pagnatutulog, para siyang anhel. Napakaitim ng buhok, tamang tama lang para sa shape ng mukha niya. Maputi, mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at yung pinaka kapansin pansin sakanya ay yung kissable lips niya. Sandali! Pinag nanasaan ko ba tong bestfriend ko? IMPOSSIBLE!! Hindi kobpansin ang itsura pag magkasama kami, ang Turing ko lang sakanya is buddy.
Napailing ako. Tumayo na ako sa study table ko. Naharap ang la mesa ko sa kama kaya ayun... kitang kita ko si Sarah. Maka labas nga muna baka magising tong bruha na to sabihin hindi ko siya binibigyan ng privacy. Sandali! Ang likot niya matulog, pati kumot nasa sahig na. Aayusin ko muna, nang makalabas na ako.
Unti unti kong itinakip sa kanya yung kumot.
"K-kyle"
Ha? Tinawag niya ba ako? O nanaginip lang siya? Mahimbing naman siya matulog ah.
Nung malapit ko nang mailapat sa kanya yung kumot, nagsalita ulit siya.
"K-kyle"
Hala! Binabangungut ata siya! Gisingin ko na kaya? Ako ba yung bangugut niya?
"Sarah!" Tinapik ko siya sa pisnge. Walang epekto.
"Sarah!" Wala talaga.
"Sarah!"Tatakipin ko sana siya uli.
Pero nahablot niya yung kamay ko. Nagulat ako doon ah! Mawawalan ako ng balanse nito eh! Isinandal ko na lang yung kamay ko sa kama. Baka masubsob pa ako dito sa bruha nato. Para tuloy akong nakayakap sa kanya.
Nagulat lalo ako ng hinawakan niya ako sa batok ko. Anong gagawin niya? Unti unti niya akong hinila papalapit sa kanya. H-hahalikan niya ba ako? Y-yung l-labi niya. Nakatigin lang ako sakanya. May bahagi ko na tumututol, meron ding gusto.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin tapos... t-tapos... Naramdaman ko yung labi niya sa labi ko. It means...Kiniss niya ako. S-sarah... Ang sarap niya humalik. Wala akong magagawa kung hindi sabayan siya.
Dug...Dug...Dug...Dug...
Ito ba yung nararamdaman ko pag kasama ko si Sarah? Parang may karera sa dibdib ko.
========
Put*ngin*! Hindi mawala wala sa isip ko yung nangyari kanina! Y-yung k-kiss... Aish!
Natutulog naman siya eh! Put*! Buti na lang nung gumalaw siya, nabitawan niya ako kaya lumayo agad ako! D*mn it!
Marami na akong nahalikan na babae ng hindi alam ni Sarah, pero yung halik kanina... Iba sa lahat ng kiss na naranasan ko.
Hanggang ngayon tulog pa rin si Sarah sa kwarto ko. Yung babae na yun. Kung ano anong ipinararamdam sakin. Aaaahhhh!! Mababaliw na ako kakaisip sa nangyari! I only bite my lower lip kada maaalala ko yung kiss.
Hinihintay ko lang sila mommy and daddy, sakanila ako hihingi ng tulong about dun sa problema nila sarah sa Korea. May narinig akong pababa ng hagdan.. tinignan ko, oh gising na pala eh! Bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
"Good morning!" Aba't nagawa pang ngumiti!
"Kanina lang sa school halos ubusin mo yang luha mo tapos ngayon abot langit naman yang ngiti mo, anong meron?" Pinilit kong maging natural kahit na gusto ko nang tumayo sa upuan ko.
Ngumiti muna siya, nag iwas ako ng tingin. Kada titingin ako sa kanya naaalala ko yung kiss. Lalo na pag napapadapo yung tingin ko sa labi niya.
"He he.. Nanaginip kasi ako..."
"Anong panaginip?" Pag uusisa ko. Gusto ko na talagang tumayo eh!
"Yung panaginip ko nakakakilig! May isang lalaki na lumapit sa akin sa kama ko. Tapos niyakap niya ako kaya humawak ako sa batok niya...eeehhhh!.. Tapos kiniss niya ako sa lips! Di ba nakakakilig?!"
Tinignan ko lang siya ng seryoso. Gising ba siya o tulog? Sana tulog talaga! Niyakap! Siya tong yumakap! Halik!? Huh! Siya kaya tong unang humalik!!
"Sabi ko nga... Manhid ka kasi..." Puch*! Hindi ko narinig! Bumulong pa hindi ko naman narinig
"Ano yun?"
"Wala...Kyle, bakit ayaw mong manligaw ng babae. Ang dami namang maganda sa school ah?
"Wala akong type" sabi ko na lang.
"Ganun ba?" para siyang nadismaya.
Oo sarah, ganun nga. Siguro ikaw tong gusto ko! Hindi ko alam sa sarili ko, hindi pa ako sigurado pero aalamin ko sa sarili ko ang totoo. Lalo na pagkakaibigan natin ang nakasalalay. Ayaw kong magpa dalos dalos.
***itutuloy***

BINABASA MO ANG
CRUSH:
Teen FictionAll kind of people have a crush, right? Lahat tayo nakararamdam ng paghanga, madalas mas masaya iparamdam ito pag totoo. Hindi naman siguro kayo manhid? Huwag sana staying maging bitter. Dito niyo mababasa ang kwento nila Sarah at Kyle na magkaibig...