REVELATION:

0 0 0
                                    


Narrative

Ngayon ay pinag uusapan ng mag asawang Mr and Mrs Kim ang tungkol sa pagpapakasal ni Sarah sa business partner nila. Pumayag na ang ama nito na ipakasal ang anak sa Chinese investors. Hindi niya pa nasasabi sa asawa ang desisyon at ngayon pa lang niya ito sasabihin sa misis.

"STANLEY!! ALAM MO BANG NAPAKABATA PA NG ANAK NATIN?!!" Sigaw nito sa ama ni Sarah na ngayon ay nakatayo malapit sa bintana kung saan matatanaw ang napakagandang mga bulaklak na pananim ng asawa sa kanilang tahanan.

"A-alam ko" hindi makatingin sagot nito.

"ALAM MO NAMAN PALA!! BAKIT PUMAYAG KA?!!" galit pa ring turan ng misis.

"B-babagsak n-na ang isa nating negosyo" masakit man para sa mister ang desisyon na kanyang nagawa, kailangan niya pa rin itong gawin alang alang sa kumpanya.Alam ng mister na ganun ang magiging reaksyon ng asawa. Magagalit at masasaktan.

"ANO?!! KAUUWI MO LANG TAPOS GANYAN PA ANG DALA MONG BALITA?!! BABAGSAK?" Hindi na napigilan ng Ina ang kanyang paghagulgol, napaupo na lamang ito sa sofa dahil sa panghihina ng kanyang tuhod.

"Hon, pabagsak na ang negosyo natin ngayon sa Korea. Saktong ang investor's natin na si Mrs Chan naghahanap ng ipapakasal sa kanyang anak. Hon, please kung ayaw mong ipasara yung company don, we need to do this. Para din to kay sarah, sa unija ija natin" may pagmamakaawang tinig nito.

Samantala, rinig na rinig ni Sarah ang pinag uusapan ng mga magulang. Nakahawak ito sa door knob ng mahigpit. Hindi siya naniniwala sa pinag uusapan ng mga ito. Masaya sana niyang sasalubungin ang ama pero iba pala ang pasalubong nito.Kaya unti unti niyang binuksan ang pinto...

Napaigtad ang magulang ni sarah ng biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto. Nakadungaw ang kanilang anak na si Sarah. Umiiyak na ang dalaga dahil sa kanyang mga narinig. Hindi ito makapaniwala, hindi siya naniniwala sa mga narinig kaya gusto niyang kumpirmahin mula sa mga magulang ang narinig.

"D-daddy, a-ano p-po y-yun ulit?" Utal utal na tanong ni to sa ama na gulat pa rin ng makita ang anak.

"DAD! TELL ME!!" Pasigaw na nitong tanong sa ama ng hindi ito sumagot.

"A-anak... a-ano...k- kailangan m-mong pakasalan ang a-anak ni Mrs Chan" tumingin ito sa ibang direksyon. Ayaw niyang nakikitang umi iyak ang anak.

"Hindi ako makapaniwalang ganyan na kayo kadesperado!" Nagulat ang mag asawa sa tinuran ng anak. Bigla itong tumigil sa pagiyak, masama ang mga tingin sa ama na para bang ibang tao.

"Hindi ko lubos maisip na kaya niyo akong ipagkalulu!! Pera lang ba mahalaga sainyo?!!"

Bigla itong lumabas, na alerto ang ina nito at balak sana siyang sundan ngunit pinigilan nito ng kanyang asawa.

"Huwag mong sundan! Panigurado akong galit na galit yun! Ngayon na alam niya na hayaan mong tanggapin niya! Panigurado akong magrerebelde yan pero sandali lang. Don't worry." Ang kanina'y nagmamakaawang asawa, ngayon ay blangko na ang emosyon. Walang nagawa ang Ina nito kundi hayaan muna anak na mapag isa. Manang mana ang anak sa ama, napakadali nilang magpalit ng emosyon.

Samantala, tumakbo si Sarah sa kanyang kwarto. Hindi niya matanggap na minsan na nga lang umuwi ang ama galing sa iba't ibang business trip, ganun pa ang daratnan nitong balita galing sa ama.

Blag!!

Walang kagatol gatol na pabulagsak niyang isinara ang pinto ng kwarto. Wala na siyang paki kung masira man ang pinto.

"FUCK!!" Napapasabunot sa buhok na mura niya.

Nang makita niya ang mga gamit na nasa side table hindi siya nagdalawang isip na hawiin ang mga gamit niya."AAAHHH!!"

May mga dugo na umagos galing sa kamay ni Sarah dahil sa pagkakahawi ng mga gamit na babasagin. Hindi niya alam kung anong gagawin, Wala siyang ibang gusto ngayon kundi ang umiyak ng malaya. Hindi niya alintana ang sugat niya sa kamay. Hindi niya ito maramdaman.

"D-dad... Ganyan n-na ba ako kawalang h-halaga p-para sa inyo?" Tanong nito sa sarili ng umiiyak.

"Dad...H-hindi niyo na ba ako mahal, kaya niyo ako ipapakasal sa lalaking hindi ko man lang kilala?.."

"D-dad... N-naman eh!!"

Umupo ito sa gilid ng kama. Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha. Hindi rin nito napigilan ang pagtaas baba ng kanyang balikat. Hirap na din ito sa paghinga pero tuloy pa rin sa pag iyak ang dalaga.

***itutuloy***

CRUSH:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon