Kyle POV
Hay.. Nakakainip sa bahay kaya niyaya ko si Sarah na lumabas. Sa totoo lang mas gusto ko siya kasama kesa Kay mom, siguro dahil magka edad lang kami. Sanay na siya at ako na nagsisigawan. Hobie na namin yun. Sa tuwing kasama ko siya iba yung feeling, alam niyo yung ayaw Kong mahiwalay sa kanya,tapos ayaw ko din na hindi kami nagkikita kaya nga ang aga kong pumunta sa kanila eh. Buti na lang matibay eardrums ko kung hindi malamang bingo na ako ngayon.
"Kyle! Dali! Bili tayo nito!" Hay.. Nasa mall kami nyan ah?.Pero sigaw pa rin siya ng sigaw. May na tipuhan atang... wait! Teddy Bear?.
"Ayoko nyan! Masyadong pangbata!" Nakita ko na para siyang nanghinayang. Humarap siya sa akin, tapos nagpa cute. Aish! Ayoko ng ginagawa niya!
"Sige na please..." nagpupuppy eyes ba siya? Pinipikit pikit niya yung mata niya eh? Hindi ko alam kung anong tawag don eh! Eh sa hindi naman ako nagpapacute sa mga babae.
"Sige pero ikaw magbubuhat nyan?" Ayokong magdala ng teddy bear, at ayaw kong nakikita siyang malungkot.Baka naman pagtinginan ako tapos sabihin na kalalaki kong tao may dalang bear.
"Thank you!" Sabay yakap sa akin. Aish! Bakit ba napaka sweet nitong babae na to? Sana lang hindi siya masobrahan sa pagiging sweet.
Dug. Dug. Dug.
See.! Yan ang nararamdaman ko lagi pagyumayakap siya, napapadalas na toh ah! Hindi kaya may sakit na ako sa puso? Huwag naman sana... Marami pa akong gustong gawin...
Lord! Gusto ko pang magka anak......
Gusto ko pang magkaroon ng apo......
Gusto ko ng asawa na sexy......
Please huwag niyo pa ako kunin....
"Kyle! Nakikinig ka ba?"
"Huh? Bakit?"
May sinasabi ba siya? Dahil sa boses niya bumalik ako sa reality.
"Ang sabi ko kumain muna tayo..."
Nabili na niya pala yung teddy bear. Ang bilis naman ata? Ganun ba ako katagal na wala sa real world? O ganun lang siya kaexcited bilhin yung bear.
"Sige"
Hindi kaya may gusto na ako sa bestfriend ko, o baka talagang may sakit na ako sa puso. Mag papa check up ako.
------------
Sarah. POV
Ang bigat pala ng teddy bear na to. Ayaw kasi ako tulongan ni kyle eh, baka daw magmukha siyang bata pag siya yung nagdala ng bear ko. Ang sabihin mo maarte lang talaga!
Tapos kanina naka tulala lang siya. Ang yari? May nakita ba siyang chicks? Teka! Anong bang paki ko sa love life niya?
"Kkyyyaaahhh!! Ang gwapo naman niya!!"
"Artista ba siya?!!"
"Ano kaya name ni papa?!!"
"Sino kaya yung babae na kasama niya?!!"
"Baka gf niya!!"
"Ang swerte naman niya!!"
"Nakakainggit ka mo!!"
Ano ba!? Nagbubulungan ba sila o nagsisigawan!? Nakaka irita!! Ang lalandi! Sa inis ko hinigpitan ko yung hawak ko sa bear para mai release ko yung inis ko sa mga babaeng nakakairita na toh!
"Sarah! Baka naman masira mo na yan!"
Huh? Ang alin?
"Alin?Anong masisira?"
"Yang teddy bear! Amina nga!" Kinuha niya sa akin yung bear ko. Akala ko ba ayaw niya dalhin? Eh bakit niya kinuha? Siguro napansin niya na nabibigatan ako.
"Ang gentleman niya!!"
"Nakakainggit talaga!!"
Mamatay kayo sa inggit! Teka! Kaya niya siguro kinuha yung bear kasi nagpapa impress siya sa mga fling na to! Teka nga!! Hindi naman niya ako gf ah? Bakit ako nagagalit?
"Gusto ko ng umuwi, ayoko na dito. Susundan lang tayo ng mga babae. Sa bahay na lang ninyo tayo kumain. Ok?" Mabuti pa nga.
"Yes sir! Baka sumabog eardrums ko. Bakit kasi ang gwapo ng best friend ko eh?"
"Biyaya ng diyos..." pagmamalaki niya.
"Sus ang hangin.." pang aasar ko. Wenave ko pa yung kamay ko na parang pamaypay.
"Totoo naman ah!" Ay! Naasar agad?
"Sige na. Pagbigyan"
Gwapo naman talaga si kyle, yan ang best friend ko. Hindi ko alam kung bakit wala pa siyang girlfriend eh. Babae pa nga nanliligaw sa kanya sa school. Pihikan siguro to sa babae. Madalas niya ako kasama kaya nagmumukha kaming couple na sweet na sweet.
Masaya siya kasama, alam niyo ba ang kinaiinis ko lang sa kanya is madali siyang mapikon. Madalas din siyang tahimik, at seryoso pag first approach. Pero ang hindi nila alam sa mga taong hindi niya close, thoughtful siya at masiyahin din.
***Itutuloy***

BINABASA MO ANG
CRUSH:
Teen FictionAll kind of people have a crush, right? Lahat tayo nakararamdam ng paghanga, madalas mas masaya iparamdam ito pag totoo. Hindi naman siguro kayo manhid? Huwag sana staying maging bitter. Dito niyo mababasa ang kwento nila Sarah at Kyle na magkaibig...