MASASANDALAN:

4 0 0
                                    


Buong araw na umiiyak si Sarah dahil sa mga nalaman niya. Sinubukan pa nga ng kanyang Ina na kausapin siya pero lagi niya naman itong sinisigawan ng 'Leave me alone!'. Hindi malaman ng kanyang Ina ang dapat gawin. Hindi ito kumain ng buong araw, alalang alala ang ina niya baka gutom na ito. Ang ama naman nito ay muling umalis dahil sa biglaang meeting. Naiinis ang misis sa kanyang mister dahil sa pagdedesisyon ng hindi siya kinukunsulta.

Ngayon ay nagbabasakali itong papasok ang anak sa eskwela at kumain na din. Naghanda ang Ina ng paboritong pagkain ng anak.

Gumuhit ang malaking ngiti sa kanyang labi ng makita ang anak na nakabihis na. Blooming at Fresh na Fresh ni animo'y walang problema.

"Good morning baby girl" masaya niyang bati sa anak. Umupo siya at hinintay ang anak na umupo din. Kapansin pansin din ang nakabendang kamay ng anak pero hindi niya na sinubukan na tanungin ito.

"Good morning mom" may lungkot na turan nito pero sinusubukang maging masaya tulad ng ina. Napagtanto niya na walang kasalan ang Ina niya. Ang ama ang may kasalanan ng Lahat. Kaya walang dahilan para magtampo siya sa ina.

"You look pretty my sweetheart"

"As always mom"

"So... napatawad mo na ba si daddy?" Napansin ng Ina na natigilan ang anak. May pagka- pranka talaga ang ina.

"Hindi pa mom.. But I try. Hindi ganun kadali yung magpatawad na lang lalo na kalayaan ko yung nakataya" seryoso nitong sagot.

"I know, pero kailangan mong patawarin ang daddy kasi ama mo pa rin siya Sarah"

"Yes I know mom, but still! Masakit dito oh!" Sabay turo sa dibdib niya. Unti unti na rin dumudungaw ang mga luha niya sa mata. Pinagmasdan ng ina ang kanyang anak. Ramdam nito ang sakit na nararamdaman ng anak pero lumalaban pa rin ang dalaga.

Tumayo ang nanay niya at lumapit sakanya sabay yakap sa anak" I know baby.. Just always remember na nandito lang si mommy for you, ok?"

Tumingin ang ina sa anak, tumango naman ang dalaga at pinunasan ang luha na tumulo sa kanyang pisnge. Buti na lamang at nandyan ang kanyang nanay na kaya siyang patahanin at kaya siyang intindihin.

"Let's eat!" Pagbabago ng nanay sa usapan.

Kumain ang mag ina ng masaya. Hindi sinubukan muling buksan ng ina ang usapin tungkol sa pagpapakasal. Bakas sa mata ng ina ang saya dahil hindi siya iniiwasan ng anak, pero nag aalala pa rin ito tungkol sa pakikitungo ng anak sa ama niya. Alam niyang iiwasan ng anak ang tatay. Alam niyang kung sino ang may kasalanan siya dapat ang magdusa. At ang ama ang may kasalanan at ang tatay ang dapat mag dusa. Pero agad din naman lalambot ang anak kaya agad din naman niyang mapapatawad ang ama. Alam niya yun dahil ganun din siya.

========

Seryosong naglalakad sa pasilyo si sarah. Malalim ang iniisip na animo'y hindi niya pwedeng ipagpaliban. Nag iisip kung sino ang lalaking papakasalan at nagiisip kung nasaan ito ngayon. Maraming katanungan ngayon sa kanyang isip na gusto niyang itanong sa kanyang daddy pero wala naman ang ama.

Nakita siya ni kyle pagdaan niya sa hardin ng school. Nagtaka si kyle dahil hindi siya napansin ni Sarah. Tuloy tuloy lamang ito sa paglalakad kaya sinundan niya ito. Ang mas ipinagtaka niya ay nalampasan na ni Sarah ang classroom niya ngunit nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad. Saan ito pupunta? Hindi ba siya papasok sa klase?

Samantala, napagdesiyonan ni sarah na huwag munang pumasok sa dalawang subject niya, gusto niyang ilabas ang sama ng loob sa roof top. Wala ng ibang lugar na tahimik kung hindi doon lamang, pwede rin siyang sumigaw doon dahil wala naman makakarinig sa kanya.

Sinundan lamang ni kyle si Sarah hanggang sa roof top. Sinubukan magtago ni kyle kada lilingon si sarah, gusto niyang malaman ang gagawin ng kaibigan sa lugar na iyon. Ngayon ay nakatago siya sa likod ng pinto, nakatingin siya sa dalaga na nakatayo lamang. Tinanggal ni Sarah ang bag sa likod.

"Aaaaaaaaaahhhhhhh"

Nagulat si kyle ng sumigaw ang dalaga. Namumutla ito, madalas makita ni kyle ang galit na sarah pag may problema. At batid niyang may problema itong dinadamdam.

"Daaaaaddddddyyyy!!! Bbbaaaakkkkiiitttt!!! Bakit..." sa Una ay malakas ang sigaw ni sarah pero sa bandang huli humina ito. Napapasandal sa railing na umupo si sarah. Hindi niya na rin kinaya kaya umiyak siya ng Malaya. Itinakip niya sa mukha ang mga palad.

"D-daddy... H-hindi mo na ba ako mahal?"

Narinig ni kyle ang tanong ng dalaga. Gusto niya itong patahanin. Lagi na lang bang iiyak ang dalaga kada may problema ito? Hindi niya bang kayang huwag umiyak? Naiinis na ako kay Sarah!

"DADDY!!"

Hindi na kinaya ni kyle kaya lumabas na siya sa likod ng pinto. Nakatayo siya sa harap ng dalaga.

Ng mapansin ni sarah ang anino na nasa kanyang harapan ay nag angat ito ng ulo. Nagulat siya ng malaman kung sino ang nakatayo sa kanyang harap.

"K-kyle?"

"Ano bang problema mo?!!"

Walang maisagot ang dalaga sa kaibigan. Nanahimik ito.

"Sarah!! Lagi ka na lang bang iiyak huh!!?"

"K-kyle? A-ano..."

"ANO!!? Sarah!! Sabihin mo kung anong problema!!"

"KYLE!! IPAPAKASAL AKO NI DADDY SA BUSINESS PARTNER NIYA!!" Hindi na napigilan ni Sarah ang sumigaw.

Nagulat si kyle sa bigla ang pagsigaw ng kaibigan. Kasal?

"K-kasal?"

"Oo... ikakasal ako. Hindi ko pa kilala kung sino yung ipapakasal sa akin. Nalaman ko lang to kahapon. Kyle... Narinig ko kay daddy na pabagsak na yung negosyo niya sa Korea kaya kailangan niya akong ipakasal para sa shares nila Mrs Chan"

"Bakit pumayag ka?"

"Hindi ako pumayag! Nag iisip ako ng paraan kung paano pa aangatin yung business namin! Para hindi na ako ipakasal pa!"

"Kaya ba hindi mo sinasagot yung cellphone mo?"

"Oo..."

Ramdam ni kyle ang sakit na dama ni Sarah. Hindi siya nagdalawang isip na yakapin ito. Hindi pa rin pumapasok sa utak niya ang mga pangyayari na ngayon lang sinabi sa kanya ng kaibigan. Maka ilang ulit na siyang tumatawag kay sarah kahapon pero ni isa sa mga tawag niya hindi nito sinagot. Kaya pala! Siguro nakapatay yung phone niya. Nag isip siya ng sasabihin para paga anin ang aura na namamagitan sakanila.

"I promise Sarah, I'll find a way para hindi ka ikasal" Ipinatong ni Sarah ang ulo niya kay kyle.

"Salamat, buti na lang nandito ka. Kaya mahal na mahal kita eh" tumingin ito sa mata ni kyle ng may lambing.

^_^

***itutuloy***

CRUSH:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon