Sarah's POV
Ilang beses na ba ako tawag ng tawag kay kyle? Kanina ko pa siya tinatawagan ah! Ano nag eenjoy ba siyang kasama yung babae na pinaupo nila sa upuan ko??! Katulad din pala siya ng mga barkada niya eh!! Mga babaero! Sige kung ayaw niya ako kausapin e di wag!!! Sinong nawalan? Wala!!
"Saan ka pupunta?" Buti pa si clarence nandito lang sa tabi ko. Buti pa siya nararamdaman ang nararamdaman ko. Samantalang yung lalaki na yun sinisigawan pa ako.
"Sa library, magbabasa basa lang ako. Baka hindi ako makapagpigil mapatay ko yung babae na kasama nung kyle na yun!"
"Hindi naman halatang affected ka" then he smirk.
"Sinong affected? Ako? Huh! Ano ba sila sa akin? Wala!" Maka alis na nga lang.
"Ano nga ba siya sayo? Yun ang tamang tanong. Ano ba talaga ang ikinakagalit mo kung may ibang kasamang babae yung kaibigan mo?"
"Hindi ko rin alam! Pero ang nararamdaman ko ngayon ay selos. Nagseselos ako kasi yung kaibigan ko may kaibigan ng iba"
"Selos? Nagseselos ka kasi may kasamang iba yung si kyle? Matanong nga kita. Mahal mo ba si kyle?" Seryoso niya akong tinignan sa mata. Ano ba talagang gustong sabihin nito?
"Mahal? Kaibigan ko lang siya" naglakad na ako. Makaalis na nga lang.
"Kaibigan lang ba o ka-i-bi-gan?" Napatigil ako don sa tanong niya.
"Aish! Bahala ka!"
Naglakad na ako papunta don sa library. Aish! Mahal ko ba si kyle? Hindi noh! Eh bakit ako nagagalit ng ganto? Hindi kaya mahal ko na talaga siya? Ano ba yan sarah! Ang tanga ng tano---
"Kyle ang daldal mo din pala noh?" Bwiset! Makakapit sa braso ni kyle akala mo magjowa sila.
"Oo naman" madaldal daw? Ni hindi nga yan nagsasalita pag magkasama kami tapos ngayon ganyan ang makikita ko? Natigilan ako sa nakikita ko, dadaan pa ata sila sa harapan ko!
Sarah calm down, dumaan ka din sa harapan nila. Huwag na huwag kang titingin sa kanila. Naglakad ako ng tuloy tuloy sa pasilyo. Nakita ko pang nakatingin sa akin si kyle. Sa tawag ko walang oras samantalang yung hipon na yun may oras siya? Edi magsama sila. Bakit nga ba ako affected?
"Sarah?, can we talk?" Humarap ako saka nila, tumingin din ako sa braso nilang magkadikit. Wala ba silang balak paglayuin yang mga braso na yan. Kukuha ako ng kutsilyo! Ako ang maghihiwalay sa mga kamay nila!! Damn!
"Mag usap kayo ng kasama mo na wagas makakapit sa braso mo" manigas ka!!!
Wala akong oras makipag usap sainyo. Nasisira lang araw ko!!
"Kayo nga tong Clarence ang magkasama tapos kami tong pinaglalayo mo?" Natitigilan talaga ako sa mga pinagsasabi ng mga tao dito.
"Ano bang paki mo?!"
"Cassie, mauna ka na maguusap lang kami" inalis niya yung kamay nung hipon sa braso niya.
"Ok" umalis siya. Parang ayaw pa ngang umalis eh. Nag iinit yung ulo ko o better to say na nagdidilim ang paningin ko pag nakikita ko sila.
"May paki ako kasi kaibigan kita!" Lumalapit siya sa akin, ako naman lumalayo. Never ko na siyang pahahawakin sa body parts ko maski hibla ng buhok ko!!
"Kaibigan? May iba ka nang kaibigan. Ayun oh yung hipon"
"Sarah! Bakit mo siya tinatawag na hipon? Kita mo namang Mabait siya! Wala kang karapatan na tawagin siyang hipon!" Aba! Siya pang galit!
Tumigil ako sa pag atras. Huh!! Ngayon pinagtatanggol pa niya yung hipon na yun. Ay yung payatot pala.
"E di magsama kayo!!" Tatalikod na Sana ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.
"Bitawan mo nga ako!!Isa!!"
"Dalawa!" Nagawa pa niyang ngumiti ah! Pilosopo!
"Hoy lalaki!! Saan mo ako dadalhin??!! Ano ba!! Bitawan mo ako sabi!" Bakit niya ako kinakaladkad? S-sandali sa likod ng school building to ah!?!!A-anong gagawin niya?!
"Kyle anong gagawin mo?"
Tinulak niya ako sa pader. Masakit ah!! Napasandal ako sa pader. Anong balak niyang gawin?
"Dito tayo maguusap" Isinandal niya yung kamay niya sa pader kung saan ako nakatayo. Para bang tinatrap niya ako sa kamay. Naaamoy ko yung mentholated breath niya. Sarah! Huwag kang bubigay dyan sa moko na dyan!
"Wala tayong dapat pag usapan!" Aalis na sana ako, pero isinandal niya din yung isa niyang kamay.
"Meron tayong paguusapan. Bakit ka nagagalit ka kay Cassie?" Ang husky ng voice niya. Nakakamatay yung husky voice niya.
"Wala kang paki" pagtataray ko.
"Nagseselos ka ba?" Bakit ba siya ngumingisi? Nakaka baliw yung smile niya.
"Bakit naman ako magseselos?" Tinaasan ko siya ng kilay
"Kasi may gusto ka sa akin" napangisi ako sa sinabi niya.
"Ang kapal mo naman! Baka nga ikaw tong------ itinakip niya yung kamay niya sa labi ko. Aish! Ayaw na ayaw kung hinahawakan yung labi ko!!
"Mahal kita sarah. I just realize na nag seselos ako pag kasama mo si clarence"
Tinanggal ko yung kamay niya sa labi ko. "Baliw!" Itinulak ko siya palayo sa akin. "May sira ka na ata!" Naglakad ako palayo kaso lang...
"Oo Baliw ako!! Baliw ako kasi nagmahal ako ng isang manhid na katulad mo!! Sarah!! Mahal kita!! Ayaw mong maniwala!!?"
Hinila niya ako paharap sa kanya. Then he suddenly kiss me at my lips. Sasabay ba ako? I just let him kiss me.
^_^ kinikilig ako
^_^ kinikilig din kayo noh?
Kiss!!
Kiss!!
Kiss!!
"Alam mo bang hindi ito ang first kiss mo?" Ano daw? May first kiss ako? Napapayuko ako sa kilig.. Ayiiee,....
Kinikilig talaga ako!!
"A-anong.." hinawakan niya ako sa pisnge at hinarap sakanya.
"Nung nakita kitang umiiyak, di ba natulog ka sa bahay?" Tumango ako "Di ba nanaginip ka na may humalik sayo?" Tumango ulit ako " Ako yun sarah" Tumango ulit ako.
"Ano!! Ibig sabihin hindi panaginip yun? Kaya pala!"
"Ikaw kaya tong humila sa akin tapos hinawakan mo ako sa batok t-tapos... Hinalikan mo ako"
Ang cute niya pag nagba blush. Nahihiya ba siya?
"Ang cute mo pagnagbablush"
"Tumigil ka!"
"Alam ko! Gising ako nun"
"Gising ka? Ibig sabihin..."
Hinawakan ko siya sa pisnge. Hinalikan ko siya tulad ng unang beses na hinalikan ko siya. Tama si Clarence, mahal ko nga tong best friend ko. Sana lang maresolba na namin yung problema namin.
"So, gusto mo ako. Gusto kita, tayo na?"
"Ang kapal mo talaga!"
Yumakap ako sa kanya. Hindi ko first time yumakap sa kanya pero mas masarap yung feeling eh.
"I love you sarah"
"I love you too kyle"
Three words. Popular na sinasabi ng couple. Noon nandidiri ako sa mga nagsasabi nun pero ngayon... Parang gusto ko ng angkinin yung bawat salita na yun. Mahal ko nga talaga ang bestfriend ko.
===itutuloy====
BINABASA MO ANG
CRUSH:
Ficțiune adolescențiAll kind of people have a crush, right? Lahat tayo nakararamdam ng paghanga, madalas mas masaya iparamdam ito pag totoo. Hindi naman siguro kayo manhid? Huwag sana staying maging bitter. Dito niyo mababasa ang kwento nila Sarah at Kyle na magkaibig...