Kyle POV
Anong oras na ba? Bakit hindi pa umuuwi sila mama? Dapat nandito na sila ngayon ah? Matawagan nga! Baka ano ng nangyari don eh!
Ring...ring...ring...
Mom, pick up the phone!
Ring...ring...ring...
[Hello?]
Yes! Sinagot na din!
"Mom! Where are you? Kanina pa ako naghihintay! I need your help!"
[Ok! Ok! We're on the way! Nalate lang ng kunti... makareact wagas!]
"Mom!" Saway ko.
[ Honey, I'm with your daddy! Gusto mong mabanga kami?!]
"Hindi po, ingat na lang po kayo. I'll wait here"
[ Ok, bye I love you. Malapit na kami sa bahay.]
"Ok, I love you too mom"
Then I ended up the call. Makareact daw ako wagas? Eh si mommy nga yung oa eh.
"Boo!"
"Ay! Kabayong may pakpak!"
Bakit ba ang hilig manggulat ng babae na to? Gusto niya bang mamatay ako sa gulat?
"He he... Wala namang kabayong may pakpak ah?" Tignan mo! Tumawa pa!
"Baliw! Bakit ba nanggugulat ka?"
"Eh narinig kong nag I love you ka eh, kaya nacurious ako"
Tignan mo to! Napaka chismosa talaga! Ahhh!! Nakakabaliw!
"Sino yun? Girlfriend mo? Jowa mo? Friend mo? Groupmate mo? Sino dali?~~ Gusto kong malaman!"
"Si mommy" kaswal kong sagot. Ang dami pang alam eh! Wala namang tumama!
"S- si tita?"
Tumango ako. Napatikhim siya sa narinig. Edi Ano ka ngayon? Wala! Ang tanong mo kasi eh!
"Nga pala uuwi ka ba sa bahay niyo?"
Tinignan ko siya.
"Hindi. Tinawagan ko na si mommy, sinabi ko na dito ako matutulog ngayon gabi. Payag naman siya, ayaw ko muna kasing kausapin si daddy baka ano pang masabi kong masama."
I see.
"Don ka sa guest room, kung gusto mo matulog ka na. Ako ng bahala kina mommy, ako na lang maghihintay dito."
"Thank you kyle" lumapit siya sa akin, niyakap niya ako ng may sincerity.
Dug...dug...dug...
Yan na naman! Ano bang nangyayari sa akin?
"Sige na matulog kana" saka ako humiwalay sa yakap. Nakakabaliw na eh!
"Ok, good night!" Ang saya pa niya ha?
"Sige na, ang laki na ng eyebug mo" pang aasar ko.
"Thanks huh! Thank you, grabe ka sa eyebug ko! Hoy! Pinagpuyatan ko toh!"
Natawa ako sa kanya, pinagpuyatan daw? Baliw talaga.
*************
Beep! Beep!
Oh, nandyan na pala sila mommy eh. Salubungin ko na. Lumabas ako ng kwarto, titignan ko muna si sarah. Ang himbing talaga niya matulog, tuwing titignan ko siya naaalala ko yung kiss. Maka alis na nga lang!
"Oh baby, bakit hindi ka pa natutulog?"
"Hinihintay ko po kayo" humalik ako sa pisnge niya.
"At bakit?"
"I need to talk to you about Sarah's problem" hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.
"Anong problems?"
Umupo muna ako sa sofa, umupo din sila sa sofa. Huwag niyo ng asahan na magsasalita si daddy, busy eh.
"Si sarah po gustong ipakasal ni tito Stanley " kaswal kong sagot.
"WHAT THE HELL? Si Stanley mismo?" Napatayo ng hindi oras si mommy.Napatingin naman si daddy saming dalawa ni mommy.
"Ang sabi sakin ni sarah, gusto daw siyang ipakasal ni Tito sa business partner niya"
"Sino naman yun?"
"Mrs Chan". Tumingin ako sa kanila. Bakit parang nagulat sila?
"Kilala niyo po ba?"
"A-ano...o----
"Mrs Chan is one of the most richest entrepreneurs worldwide" Himala?
Richest entrepreneurs worldwide? Ang Ibig sabihin mahirap sila kalabanin? Paano na. Baka matuloy yung kasal.
"Makakatulong po ba kayo?"
"Kakausapin ko si stanley, kukumbinsihin ko siya. Pero sa ngayon matulog ka na"
"Nasa guest room po si sarah"
"Ok"
Iniwan ko na sila. Mas maganda kung bukas ko na lang din to sasabihin kay sarah baka matulad pa ako sa babae na yun. Ang laki ng eye bug! Pero one of the richest entrepreneurs? Ibig sabihin ba nun na mahirap sila kalabanin? Chinese sila kaya malamang mapride din yung mga yun. Paano na ngayon? Ikakasal ba talaga si sarah sa Chan na yun? Bakit ba tuwing may problema si sarah kasama kaming nadadamay?
===itutuloy===
BINABASA MO ANG
CRUSH:
Teen FictionAll kind of people have a crush, right? Lahat tayo nakararamdam ng paghanga, madalas mas masaya iparamdam ito pag totoo. Hindi naman siguro kayo manhid? Huwag sana staying maging bitter. Dito niyo mababasa ang kwento nila Sarah at Kyle na magkaibig...