Sarah POV
Ang sarap talaga matulog sa malaking Kama......lalo na pag sobrang lambot...
Zzzzzzzzzz.....
Ring...Ring...Ring...
Ano ba yan!? Ang aga aga eh! Sino kaya toh? Wala ba siyang common sense? Ang aga kaya! Mang istorbo daw ba ng natutulog?!
"Hello!!Sino toh? Alam mo bang istorbo ka sa masarap kong tulog! Ang aga mo kung tumawag ah!!" Sigaw ko sa tumawag.
"[Anong istorbo?!! Alam mo bang 9 in the morning na?!]" Aray ha! Ang sakit naman nito sa tenga! Makasigaw! Grabe! Wala yata talagang common sense! Sino ba to? Pagsabihin ako ni hindi ko nga kilala!
"Sino ka ba!!?"
"[Anong sino ka ba?! Hindi mo marecognize boses ko?! Naturingan pa man din kitang best friend!]"
Oh oh! S-si kyle ba to? Aish siya nga! Lagot ako nito.
"Nasaan ka ba?" Kalmado kong tanong.
"[Nasa tapat ng bahay niyo!]"
"Sige na! Pupunta na dyan!" Then I hung up. Tumakbo ako papunta don.
Hindi pa ako nakakahilamos eh! Baka mukha akong mumu nito.
Pababa na ako ngayon sa hagdan. Wow! Ano yun ang bango? May niluluto ba? Oy! Si mommy! Sabi na eh!
"Mom! Ano yang niluluto mo!?" Ang bango eh!
"Ay! Palaka! Baby nakakagulat ka naman!Walang good morning? Yung pagkain talaga unang tinanong?" Taas kilay na tanong ni mom.
"Ay! Sorry, ang bango po kasi! Good morning.." malambing na kiniss ko siya sa pisnge.
"Bacon, favorite mo" Oy! Yun oh!
"Tamang tama! Nasa labas si kyle! Baka hindi pa kumakain yun?"
"Ang aga naman ata niya?" Takang tanong ni mom
"Ewan ko dun? Mom papasukin ko lang po" baka mainip na si kyle
"Sige"
Dumeretso ako sa pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan tumambad sa akin ang isang magnanakaw este napakagwapo kong best friend. Nakablack eh!
"Saan ang libing?"
Napaharap siya sa kinaroroonan ko ng nagtataka ang mukha.
"Anong libing?"
"Nakablack ka eh" seryoso? Saan nga yung libing?
"Porke nakablack may libing na,hindi ba pwedeng nakaporma lang?" Ok!
"Sige na, pagbigyan!"
Nakakalaglag panga tong bff ko lalo na pag nag ayos. Sino kaya pinopormahan niya? May nililigawan ba siya? Bakit hindi ko alam?
Pinatuloy ko siya saka siya umupo sa sofa namin. Feel at home lagi yan. Di ba nga bff ni mom ang mom niya! Kaya ganyan siya. Ako naman pumunta sa kusina. Tutulong ako doon. Wala pala ngayon si dad nasa business trip niya.
"Mom, paano kayo nagkakilala ni tita koreen?" Tita koreen mama ni kyle. Halata naman kasi koreen ang kyle start's with letter k.
"Bakit?"
"Wala lang po, hindi ko po kasi alam eh"
Humarap sa akin si mom ng may mga ngiti sa labi. "Ganto yan Baby, nagkita kami sa mall noon, nahiwalay siya sa mga magulang niya. At that time naglilibot kami nila mommy sa mall. Yung lola... Nakita ko siyang umiiyak then tinulongan ko siya. Unexpected na kaklase ko siya noong bata pa ako, then naging close kami hanggang sa ito na nga. Business partner, Best friends , at higit sa lahat naging close din ang mga anak namin. Ikaw at si kyle. Bagay kayo anak!" Parang batang kinikilig pa si mom kasi namimilog pa ang mata.
"Ma! Naman! Hindi niya ako gusto!" Tinignan ko si kyle. Ayun nanunuod ng TV habang nakapatong yung paa sa glass table. See! Feel at home talaga! Sa bagay ganyan din ako sa kanila.
"Kyle anak halika na kain tayo!" Pagyaya ni mama sa kanya. Kinabahan ako sa sigaw ni mom, akala ko sasabihin niya.
"Nandyan na Tita!" Masigla niyang pagkakasabi.
"Kyle ang aga mo naman?" Curiosity kills. Saka ako umupo.
"May pupuntahan tayo" huh?
"Saan?" Wala naman kaming project or anything na gagawin sa labas ah
"Sa mall. Bonding" Bonding!
"Sige ba! Ma pwede ba?" Kay mama ako nag papaalam bago umalis.
"Oo naman! Bakit hindi! Kyle ingatan mo si sarah?"
"Yes tita"
"Baka kung saan saan mo na dinadala ang anak ko? Naku... Naku..Naku.. Naku... Babangasan ko yang gwapo mong mukha!"
"Mom!" Saway ko kay mommy, natawa pa si kyle. Si mommy talaga oh!
"Don't worry tita. Maglilibot libot lang kami. Medyo stress sa school eh kaya we need to be happy naman" See!
"Siya nga pala kyle ang cool mo sa suot mo" tumingin ako kay mom, nakatingin din siya ng nakakaloko sakin. Ano?....Malisyoso talaga oh! Makaligo na nga
Naligo na ako,nagbihis din ng black na get up para terno kami diba? Lagi kaming nagbobonding ni kyle eh, mas madalas ko siyang kasama kaya kilala ko na siya- ng lubos!
***Itutuloy***
BINABASA MO ANG
CRUSH:
Teen FictionAll kind of people have a crush, right? Lahat tayo nakararamdam ng paghanga, madalas mas masaya iparamdam ito pag totoo. Hindi naman siguro kayo manhid? Huwag sana staying maging bitter. Dito niyo mababasa ang kwento nila Sarah at Kyle na magkaibig...