Prologue
"Bakit?" napakagat siya ng labi upang pigilan ang kanyang paghikbi.
"Anong bakit?" tanong ng binata sa kanya habang nakakunot ang mga noo nito.
"Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin?"
"Hindi mo pa rin ba naiintindihan?" tila naasar na tanong nito sa kanya.
Umiling si Chryska sa binata. Totoo namang hindi niya maintindihan eh. Parang kahapon lang ang saya-saya nila pero heto at nakikipaghiwalay na ang binata sa basta-basta.
"Tanga ka ba?! Ba't ang hina mong umintindi?" napaigtad siya dahil sa pagbulyaw ni Chuck sa kaniya. Nasasaktan siya. Ito ang kauna-unahang pinagtaasan siya ng boses nito. Hindi kasi ganun ito. Ibang-iba sa Chuck na minahal niya.
"Eh, sa hindi ko maintindihan! Basta-basta ka na lang makikipag-break sa akin! Tell me! Ano ba 'yung ginawa ko na kaiinisan mo?" hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Sobrang sakit na kasi.
May dumaang emosyon sa mga mata ng binata habang tinitingnan niyaang dalagang lumuluha. "Hindi na maganda ito, Xka. You should go home." Sabay iwas niya ng tingin sa dalaga.
"Bakit di mo masabi sa akin ang dahilan, Chuck?"
"O sige! Gusto mo talagang malaman?" at tinitigan ng masama ng binata ang dalaga. "I already find someone. 'yung ibibigay lahat ng pangangailangan ko bilang lalaki! She's better compared to you! She's good in bed unlike you! Ang arte mo kasi e! akala mo kung sino kang birhen! If I know na naikama ka na rin ng ib-" mabilis dumapo ang palad niya sa kaliwang pisngi nito. Hindi na niya kaya. Tiningnan siya nito at ngumisi. "Bakit Xka? Totoo diba? Naikama ka na rin ng mga costumer mo sa bar na pinagtatrabahuan mo? Bakit ilan na ba?" mabilis ulit dumapo ang kabilang palad niya sa kabila pisngi ng binata.
"How dare you, Chuck! Akala ko kilala mo ako! Oo, nagtrabaho ako sa bar pero never kong ibinenta ang katawan ko sa iba pero para kay Inang iyon. Akala ko tanggap mo ako bilang ako pero pati ikaw pala naniniwala sa mga sabi-sabi! I hate you! I really do!" at mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon.
Akala niya ay mahal siya nito. Akala niya ginagalang siya nito kaya never silang humantong sa kama pero mali pala siya. Nandidiri pala ito sa kaniya. Sa halos isang taon na naging sila wala siyang ginawang ikakaayaw nito pero nakakainis lang! isang beses, isang beses lang niyang ginawang mag-trabaho sa bar dahil may sakit ang kaniyang Inang pero bakit di maintindihan ng iba iyon lalo na niyo.
Masyado silang mapanghusga. Mga taong walang magawa kundi pag-usapan nang masama ang ibang tao at isa na roon ang lalaking minahal niya ng buo. Isang taong akala niya ay iitindi sa kaniya at daramay kapag kailangan niya. Pero mali pala siya dahil ito pa talaga ang nanghusga at tiningnan siya na tila nandidiri.
Takbo lang siya nang takbo. Hindi niya alam kung saan na siya pupunta. Iniwan na siya ng kaniyang Inang, wala na siyang mapupuntahan. Nag-iisa na lang siya. At dahil sa hilam na ng luha ang kaniyang mga mata ay hindi niya namalayan ang pagdating ng isang rumaragsang sasakyan.
Siguro ito na ang katapusan niya. Mabuti na rin siguro ito para di na siya mag-isa pa.
♥ⓝⓘⓒⓧ
August 13, 2016 (Saturday) - 09:57 am
