Chapter 8

18 0 0
                                    

|8| Changes

Kanina pa gustong makausap ni Chuck si Chryska ngunit masyadong mailap ang dalaga sa kaniya. Napapansin niya rin ang tahasang pag-iwas nito sa kaniya na lubos niyang hindi nagugustuhan. Natatakot naman siyang lapitan ito dahil una sa lahat ay malaki ang kasalanan niya sa dalaga.

Walang nagawa si Chuck kundi tingnan ang dalaga sa malayo. Nakaupo kasi ito sa table ng Mommy ni Cara samantalang siya, sa table naman nila Cara naka-pwesto.

Naramdaman niya ang pagsiko ni Rick na nasa kaliwang side niya.

"Hindi mo ba lalapitan?" Bulong na tanong ni Rick sa kaniya.

Umayos siya nang upo at tiningnan ang kaibigan.

"I don't know." He sighed. "I want to. But I'm afraid to face her anger to me." He looked at Chryska. "I miss her. You know, how much. But everything about seems changed."

"Iniisip mo lang iyan dahil matagal kayong 'di nagkita. And maybe, she been matured more."

Binalik niya ang tingin sa kaibigan. "Kapag nilapitan ko ba siya, ano naman sasabihin ko? 'Hi', 'Hello'."

"Labo mo rin no? Nung hindi mo siya makita you are so eager to find her pero nandyan na lahat lahat nabahag naman 'yang buntot mo!" Sarkastikong sabi ni Rick. "I know I'm always said to you to forget about her but now I'm saying to you na lapitan mo na siya. Hayan na oh!"

Napabuntong-hininga siya. He wants to but he doesn't know where to start.

"Dito ka na lang sa table namin. Puro oldies doon sa table nila Mommy." Rinig niyang sabi ni Cara kaya napalingon siya sa gawi nito.

Hila-hila nito ang kamay ni Chryska.

"I'm fine there, Cara." Sagot naman ng dalaga.

Hindi niya tuloy mapigilang mapatitig dito. Mas lalong gumanda ito.

"No! Sit here!" At hinila nito ang upuan sa may tabi niya.

Hindi nakatingin ang dalaga sa kaniya kaya malaya niyang natitigan ang galaw nito. At gusto niyang mapangiti dahil mismong tadhana na siguro ang naglalapit sa kanila.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Cara sa dalaga.

"Er--no.." Mahinang sabi nito.

"Why? Ang daming pagkain o! Ayaw mo?"

"No.. I mean-- I'm still full. Naubos ko kasi 'yung binili kong chocolate kanina nung mapadaan kami sa isang grocery store. Maybe later." Maagap na sagot ng dalaga.

Still her favorite. Chuck said to his mind.

"Chocolate? Nabusog ka na nun?"

"Ahmm.." Di na natuloy ng dalaga ang sasabihin dahil may biglang tumunog ka cellphone. "Excuse me." Ani ng dalaga bago tumayo upang sagutin ang tawag. "Yes, Apollo.."

Tulala niyang tiningnan ang papalayong dalaga. Gusto niyang sundan ito para maputol ang pakikipag-usap ng dalaga sa kung sino mang Pontio Pilatong Apollo iyon.

"May boyfriend na pala siya?" Tanong ni Rick Kay Cara.

Nagawa tuloy ibaling ni Chuck ang atensiyon kay Cara.

Cara just shrugged. "I dunno. Alam ko wala. Baka manliligaw niya. Sa ganda ni Chrys malabong walang magkainteres doon."

Gustuhin man niyang mag-usisa ay hindi na lamang niya tinuloy. Maybe he needs to observed first.

Nag-excuse siya sa mga ito para mag-cr pero sa halip na sa loob ng bahay ang tungo niya ay parang may sariling isip ang kaniyang mga paa. Tinatahak niya ang lugar kung saan nagpunta ang dalaga.

"Yeah.. I know right.. I miss you too, Apollo.." Rinig niyang sabi ng boses at alam niyang sa dalaga nagmumula iyon. Narinig na niya pa ang mahinang pagtawa nito na tila ba nasisiyahan sa sinasabi ng kausap.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likuran nito. Hindi siya napansin ng dalaga na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pakikipag-usap sa telepono. Gusto niyang agawin ang cellphone rito ay di niya magawa. Ayaw niya rin madagdagan pa ang galit nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung binabalewala lang nito ang presensiya niya o sadyang abala lang ito sa pakikipag-usap sa telepono.

"We met, Apollo.." rinig niyang usal ng dalaga. Parang nahuhulaan niya na ang sinasabi nito. Napakuyom siya dahil sa iniisip niyang alam ng kausap nito ang tungkol sa kanila. Naiinis siya dahil pinagkakatiwalaan ng dalaga ang kausap nito. Alam nito ang lahat.

"We didn't talk.... I don't know Apollo... I will never give the forgiveness even if he will ask for it... People change, Apollo.." ani ng dalaga. Hanggang ngayon hindi pa rin siya napapatawad nito.

Nanatili si Chuck sa kinatatayuan. Masakit para sa kaniya na ang lahat nang narinig. Pero anong magagawa niya? Siya ang dahilan kung bakit nawala sa kaniya ang dalaga. Siya ang dapat sisihin. Kaya hindi niya masisisi ang dalaga kung kamumuhian siya nito.

Natapos ang pagkikipag-usap ng dalaga ay nanatili pa rin siya roon. Gustuhin man niya itong yakapin ay di niya magawa.

"Chuck!" Gulat na sabi ng dalaga sa pagharap nito sa kaniya. "A-anong ginagawa mo dyan?"

"Hindi pa rin ba nawawala ang galit mo Xka?" Baliwala niya sa tanong nito.

"Hindi Xka ang pangalan ko." Matigas na sabi ng dalaga. "At para sagutin ang tanong mo. Oo Chuck. Sa loob ng limang taon ay hindi nawala 'yung galit na nararamdaman ko sa'yo. 'Yung sakit na idinulot mo sa'kin noon hanggang ngayon nakatanim pa rin sa isipan ko." Mariing sabi nito.

Napapikit siya nang mariin sa kaniyang narinig. Nasasaktan siya sa bawat salitang binibigkas ng dalaga. Ramdam niya ang galit sa bawat salitang binibigkas nito.

"San ka nagpunta Xka? Bakit hindi kita mahanap? Bakit iba na ang apelyido mo?" Sunod-sunod niyang tanong dito.

"Ano bang pakialam mo Chuck? For all I know, five years ago ay wala na tayo. You are just a stranger to me now Chuck. At wala akong panahon para ipaliwanag ang lahat sa'yo. Hinanap? For what? Dahil naguguilty ka? Or para saktan ako ulit? Whatever your reason is I don't care." Seryosong usal ng dalaga at mabilis itong naglakad papalayo sa kaniya.

Naiwan siya roong tulala. Nagbago na talaga ito. Malaki ang pinagbago. Hindi na ito ang Chryska na minahal niya. Huli na siya. Wala na siyang pag-asa pa.

***

♥ⓝⓘⓒⓧ

Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon