Chapter 4

30 3 2
                                        

|4|Goodbye Apollo. Goodbye London.

Pagkatapos nang pag-uusap nilang mag-ina ay agad tumalima si Chryska para umalis. Nakakahiya naman kung pag-aantayin niya pa ang bisita nila. Nagpaalam siya sa mga empleyado niya at agad tinungo ang sasakyan.

Hindi niya maiwasang mapaisip. Parang tadhana na ang nagpasya na umuwi siya. Siguro nga, her mom was right. Lagi namang tama ang ina para sa kaniya. Wala yata siyang matandaan na nagkamali ito sa mga sinabi.

Mabilis naman niyang narating ang bahay nila dahil hindi masyadong traffic sa dinaanan niya. Pagkababa niya ay sinalubong siya ng katulong nila at sinabing nasa garden daw ang kaniyang ina at ang bisita nito. Nagpasalamat naman siya rito at tinunggo ang garden nila.

"Mom." Ani niya pagkarating niya roon.

Napalingon naman ang dalawa at ngumiti sa kaniya. Tumayo ang kaniyang ina at humalik sa pisngi niya.

"Hija, meet you Tita Iris, a friend of mine. Iris, this is my beautiful daughter, Chryska." Pagpapakilala ng ina.

"Hello po." Nakangiting bati niya.

Tumayo naman ang ginang at binigyan siya nang isang halik sa pisngi pagkatapos ay matamis na ngumiti sa kaniya. "Your Mom is right. You are so beautiful."

Nahihiyang ngumiti siya rito. "Thank you."

"Anyway hija, prepare your things. Mamayang 9pm na ang flight niyo papuntang Pilipinas." Marahang sabi ng ina niya.

Kunot-noo naman siyang napatingin sa kaniyang relo. Alas-tres na ng hapon doon. "Agad-agad talaga, Mom?"

Napatawa ang ginang. "Sorry Chrys for not informing you. Nakaligtaan ko lang. This coming Saturday na kasi ang kasal ng anak ng Tita Iris mo and she needs to be there right away."

Tumingin siya sa dalawang ginang at marahang tumango. "Alright. Excuse me first po. Tatawagan ko pa po si Apollo para magpaalam."

Tumango naman ang dalawang ginang kaya napagpasyahan na niyang pumasok sa loob ng bahay. Dumaan muna siya ng kitchen upang kumuha ng orange juice bago siya umakyat papuntang kwarto.

Pagkapasok niya pa lang ng silid ay muli niya dinial ang numero ng binata. Ilang beses niyang ginawa yun ngunit ayaw pa rin nitong sagutin. She just leave a message for Apollo, telling that she will leave soon.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam ang gagawin if ever na nandun na siya. Yes, she will be okay dahil may titirhan siya agad pero hindi niya alam if welcome pa ba siya sa Pilipinas.

Inilabas niya ang kanyang luggage bag. Isang bagahe lang ang balak niyang dalhin dahil wala siya ideya kung hanggang kailan siya sa Pilipinaas. Wala namang nabanggit ang Mommy niya tungkol doon. Mga mahahalagang gamit lang siguro ang dadalhin niya. She needs her laptop with her to be still updated to her business. She picked some clothes that she will be going to use while and staying and buy some if she needed.

Tumawag na rin siya sa shop upang magbilin. Habang nag-aayos ay may nalaglag na kung ano sa kaniyang paanan. Pinulot niya ito at napasinghap.

"Nandito pa pala 'to. Akala ko naitapon ko na." Anas niya. Litrato nilang dalawa ni Chuck noong sinagot niya ito. Naka-back hug sa kaniya ang binata at nasa balikat niya ang baba nito. They looked happy. Ito lang ata ang natatangging bagay na dinala niya na hindi niya kayang bitawan noon. Umaasa na may pagkakataon pang bawiin nito ang mga masasakit na salita na binato nito sa kaniya. Pero lumipas ang ilang buwan ay walang nangyari sa pag-aasam niya.

Ipinilig niya ang ulo. Tapos na ang bitter day niya kaya wala na sa kaniya iyon. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay hindi niya maitapon-tapon ang litratong iyon. Nawaglit lang siguro sa isip niya dahil sa pagiging abala niya.

Matapos mag-ayos ng kaniyang mga gamit ay humiga siya at ipinikit ang mga mata. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Isang tapik sa pisngi ang gumising sa kaniya. She opened her eyes and found out that it is her mother.

"Wake up hija." Marahang turan nito.

Umayos siya nang upo sa kama at tumingin sa ina. "What time is it?" Mukha kasing napatagal ang pagtulog niya.

"It's already six. Fix yourself and follow us in dinning. Ipapalagay ko na rin ang bagahe mo sa sasakyan." Tumingin ito sa maleta niya. "Bakit nga pala iisa lang?"

"Mga importanteng bagay lang naman po iyan. And I don't know kung hanggang kailan ako doon. Siguro I just buy some there if I need to." She said.

Her mother nodded. "I see." Tumayo na ito. "I see you downstair." At lumabas na ito ng kwarto niya.

Kinuha naman ng isa nilang katulong ang gamit niya. She checked her phone if Apollo has a text but she just disappointed when she found nothing.

Inis niyang binalik sa loob ng bag niya ang cellphone niya. "Bahala ka nga, Apollo kung ayaw mong magparamdam. Kainis." She hissed before she went in the bathroom.

After she makes sure that everything will be okay ay bumaba na siya. Sinaluhan niya ang dalawang ginang sa hapag pagkatapos ay hinatid na silang papuntang airport. She feels numb. Yes, she doesn't feel anything. Walang agam-agam, walang kaba, walang excitement. All she knows she will be back in the Philippines again after ten years.

"You okay?" Tanong ng ina niya nang mapansing tumitingin siya sa bandang likuran.

"I'm expecting Apollo to showed up but I guess no."

"That Apollo guy is your boyfriend?" Her Tita Iris asked.

"He's my bestfriend here and I want to see him before I leave. But he got mad at me a while ago." Mahina niyang turan.

"Oh sorry for that."

"It's okay. Maybe I'll try---" hindi na niya natapos ang sasabihin nang may tumawag sa kaniya. Agad naman siyang lumingon at napangiti nang makita kung sino iyon.

It's Apollo! Hindi talaga siya matitiis nito. Hingal itong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.

"I'm almost late." Hingal pang sabi nito.

Ngumiti siya. "You just on time. I thought you will not going to see me before I leave. You didn't answered my calls."

"I'm sorry for that." Agad siyang niyakap nito na ginantihan niya rin nang yakap. "I'll miss you." Malambing na turan nito.

"I'm going to miss you too, My bestfriend. I'll be right back."

Narinig na nila ang pagtawag sa flight nila. Humiwalay naman nang yakap ang binata at pinagkatitigan siya.

"Take care okay?" Tumango naman siya. Marami pang bilin at sinabi ang binata kaya natawa na lang siya. Minsan talaga ang daldal nito kaya walang dull moment kapag ito ang kasama.

Nagpaalam na siya sa binata at sa mommy niya. She wants to cry because she gonna missed everything in London. The people she will leave here.

Habang papalayo sa mga ito ay muli pa siyang kumaway at ngumiti, telling them that she will be okay.

At sa pagtalikod niya sa mga ito ay alam niya na wala nang atrasan. She smiled at her Tita Iris and continue walking.

"Goodbye Apollo. Goodbye London." She finally said.

*****
♥ⓝⓘⓒⓧ

Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon