|6| He saw her after all these years
"What?"
"Where are you Chuck Perez?" Ani ng kabilang linya.
"I'm still in the office, Cara. And I'm busy." Sabi na lang ni Chuck kahit ang totoo ay wala na siyang gagawin.
"Hoy Chuck! Anong busy ka dyan? Lokohin mo lelang mo! Naging secretary mo rin ako kaya alam ko na kapag friday hindi ka na busy dahil ginagawa mo na 'yun sa ibang araw!" Sermon nito.
"Yeah yeah. What do you want now?" Bored niyang tanong dito.
"Pumunta ka rito sa bahay, now na. Nandito rin si Rick. Okay? And my ipapakilala ako sa'yo." Cara said through teasing tone.
"Stop it, Cara. You know I'm not interested." Napahilot siya sa sentido. Ilang beses na ba nitong inireto sa kaniya ang mga kaibigan nitong babae? Hindi na niya mabilang. "And I'm not gonna come there kung iyan lang din."
"Fine. Fine. Sayang maganda pa naman ito. Well, nevermind na lang. Basta pumunta ka rito ha? Kundi ikaw ang sasagot ng pabinyag ng inaanak mo! Bye!" Pagkatapos ay binabaan sita nito.
Napailing na lamang siya. Ang childish talaga ni Cara. As if naman na matatakot siya sa banta nito. He can afford the Christening of his soon-to-be godson pero 'di siya pwedeng hindi pumunta dahil kukulitin lang siya nito.
Pinindot niya ang intercom upang tawagin ang bago niyang sekretarya. Hindi naman nagtagal ay pumasok na ito. Lalaki ang sekretarya niya ngunit alam niyang baluktot ito.
"Mark, I'm going home early. Email me all my appointments next week, okay? And please, don't forget to check all the files that I gave to you earlier. Understand?" He used his authorative voice.
"Yes Sir. Noted. I already checked the files, Sir. I'm just going to re-check it again." Maagap na sagot nito.
"Okay. You may go now and thank you." Nag-excuse naman ang lalaki at umalis din agad. Mabuti na lang at magaling ang bago niyang sekretarya kahit lalaki. Napag-alaman niya rin na minsan ay gabi na itong umuuwi para maasyos ang gagawin niya kinabukasan. Nauuna rin itong pumasok sa kaniya at inihahanda ang lahat ng kailangan niya. Maayos ang mga file na kailangan niyang pirmahan at basahin. Kaya kahit papaano ay mabilis niyang natatapos ang gagawin niya.
Sumandal siya sa swivel chair niya at iniharap sa full glass window ng office niya. He's not a saint nor a devil. But just like others, he has needs. He shared lot of flings. Iba-iba rin ang nakasama niya sa kama. Pero just like others, no string attached sa lahat. Ayaw niyang matali sa isang relasyon lalo na kung may isang tao pa ring umookupa sa puso niya. Isang tao na kahit lumipas ang maraming taon ay hindi nawala sa isip niya.
"Nasan ka na ba?"
"I'm on my way. Pwede ba 'wag kang tumawag dahil nagdi-drive ako. Malapit na rin naman ako sa bahay niyo." Sabi niya sa kausap kahit ang totoo ay medyo malayo pa siya.
"On your way ka dyan! Baka naman mamaya sa kung saang nightclub na naman ang punta mo."
"Siraulo." Natatawang sabi niya rito. "Papunta na nga ako. 'Wag mo na akong kulitin. Mamaya magselos na naman 'yang fiance mo." Natatawang sabi niya. Ilang beses na ba siyang pinagselosan ng mapapangasawa nito. "Saka wala akong balak mag-nightclub ngayon. Ayoko ngang sumagot ng pabinyag ng anak mo."
"Kuripot! Basta bilisan mo. Nandito na si Rick." At binabaan siya nito.
Napailing na lang siya. Lagi na lang siyang binababaan ni Cara ng phone. Ito lang talaga ang malakas ang loob na babaan siya ng telepono.
Iniliko niya ang sasakyan papasok ng subdivision kung saan nakatira ang dalaga. How he wish na sa ganitong subdivision siya nakatira.
Nagbusina na muna siya para makita siya ng gwardiya. Kilala na siya ng mga ito dahil madalas siyang napapadpad doon. Sinaluduhan siya ng gwardiya pagkabukas ng gate. Tinanguan naman niya ang mga ito at ngumiti ang mga ito.
Ipinarada niya ang sasakyan katabi ng sasakyan ni Rick. Pagkababa niya ay agad siyang sinalubong ni Cara at humalik sa pisngi niya, nasa likod nito ang asawa nito. Tinaguan na lamang niya ito dahil hindi naman niya ito ganoon ka-close.
"Where is Carl?" Tukoy niya sa anak nito.
"Nasa loob. Pinagkakaguluhan nila. Mabuti na lang at hindi naiinis. Tara?" Tumango na lamang siya.
Kumapit si Cara sa bisig ng asawa at siya naman ay sinundan ang mga ito.
Pagkapasok nila ay sinalubong sila ng ingay sa sala. Binati siya ng mga kakilala niya at umupo siya sa tabi ni Rick.
"Akala ko hindi ka na pupunta." Ani ni Rick pagkaupo niya.
Nagkibit-balikat siya. "Kulit ng pinsan mo e,"
"Parang bata e, ako nga rin kinulit kulit kanina." Siniko siya nito at bumulong sa kaniya. "Balita ko may bisita raw sila ngayon. Galing London." Pagkatapos ang ngumisi sa kaniya.
"Bisita?" Luminga-linga siya para hanapin ang sinasabi ng kaibigan ngunit pawang pamilyar sa kaniya ang naroon. Walang bagong mukha.
"Cara, where's Chrys?" Rinig niyang tanong ni Iris kay Cara.
"She's still upstairs. Nahihiya pa 'yun. Pero sabi niya bababa raw siya." Cara answered.
Nang makaalis na si Iris ay lumapit si Cara sa kanila.
"Who's Chrys?" He asked curiously.
"Ah, she's my Mom's friend's daughter. Galing siyang London. Why did you asked? Are you interested?" Nakakalokong tanong nito sa kaniya.
"I'm just curious." Palusot niya. Pero somehow, he is wondering kung sino 'yung Chrys na 'yun. Parang gusto niyang makita na ito. Hindi naman siya ganito dahil dati at wala siyang pakialam. Pero ngayon ay iba. Parang may something na hindi niya maintindihan.
"Ayieh ayieh. 'Wag kang mag-alala dahil makikilala mo rin siya. Irereto ko 'yun sa'yo." May sasabihin pa sana siya nang may narinig silang yabag pababa. "There she is." Rinig niyang sabi ni Cara ngunit ang atensyon niya ay ang taong pababa ng hagdan.
Nakasuot ito ng plain na cream na dress kaya kitang-kita ang kutis nito. Pababa na ito kaya kita na niya ang mukha nito. Lahat ng tao doon ay nakatingin sa dalagang pababa at parang gusto niyang hiyawan ang mga ito lalo na at nakilala niya kung sino ito.
Naramdaman niya ang pagsiko ni Rick, marahil ay nakilala rin nto ang dalaga. Hindi ito nakatingin sa kanila dahil abala ito sa pakikipag-usap sa phone. Nakangiti ito kaya mas lalo itong gumanda.
"Xka..." Mahinang usal niya.
***
♥ⓝⓘⓒⓧ