|5|Philippines
She's nervous. By the thought that they are going to land in the place she doesn't know if she's still welcome. She closed her eyes.
Dapat kanina niya pa iyon naramdaman pero bakit kung kailan pa malapit na siya ay saka siya nakaramdam ng kaba. Tumingin siya sa tita Iris niya parang gusto niyang sabihin na uuwi na lang siya ng London pero ayaw naman niyang magtaka ito. Her tita Iris doesn't know anything about her real past. Her real identity. Bilang na bilang sa mga daliri niya ang mga taong nakakaalam kung ano ang nangyari sa kaniya noon. And she doesn't want someone again knows about her greatest downfall. That's her past. Past is past, right?
She huffed when she felt her tita Iris' hand on her. "You okay?"
Tipid siyang ngumiti rito. "Yes Tita. Don't worry about me."
"Let's go?"
Tumango na lamang siya rito. According to her tita ay sa bahay nito sila dederetso. May susundo naman daw sa kanila. Gustuhin man niyang tumutol sa gusto nitong mangyari na sa bahay nito siya tumuloy ay nahihiya siya. Iris is nice to her and the fact, na sobrang lambing nitong magsalita. Ang hindi nga lang niya maintindihan ay kung bakit siya kinakabahan. She's just being paranoid.
Marahan niyang ipinilig ang ulo. Kailangan niyang itapon ang negative thoughts sa utak niya. Wala naman sigurong mangyayaring iba. Saka she needs to go somewhere. Her mother's grave. Wala marahil nag-aalaga sa puntod nito dahil wala namang nagmamalasakit sa kanila na kapamilya. Baka puno na ng kalat ang puntod ng ina at walang bagong bulaklak. She misses her real mom.
Mahabang byahe rin ang ginugol nila. Bukod sa medyo malayo mula sa airport terminal ang bahay ng tita Iris niya ay traffic pa. Iyon na yata ang hindi magbabago sa Pilipinas. Okay sana kung katulad dati na hindi masyado pero ngayon ay mukhang heavy traffic talaga.
Napansin niyang pumasok sila sa isang exclusive subdivision. Mukhang mayayaman ang mga nakatira roon. If ever na makakapag-stay siya rito ay sa ganitong sibdivision niya gustong tumira. Malinis at mukhang tahimik pa.
"What can you say?" Untag ng Tita Iris niya.
Luminga muna siya sa labas bago ibinalik ang tingin dito. "It's nice and relaxing. I want to live here too with Mom."
"Why not? You can tell it to your Mom about it."
"I don't think so. I still have business there. I can't stay longer here." Turan niya.
"You can start your business here."
Ngumiti siya sa ginang. "I think about it po."
Hindi na ito nag-komento pa. Hindi niya namalayan na nakarating na sila sa bahay nito. Naramdaman na lang niyang tumigil ang sasakyan nila sa isang di-kalakihang bahay pero makikita mo ang karangyaan nito.
Pagkababa nila ay sinalubong agad sila ng dalawang kasambahay. Kinuha ang mga gamit nila at pinasok sa loob. Iginiya siya ng Tita Iris niya sa loob ng bahay.
"Where is Cara?" Tanong ni Iris sa katulong na nasa sala.
"Nasa taas po Ma'am. Tatawagin ko po ba?"
"Yes, please." Agad namang tumalima ang katulong patungong taas. Bumaling naman sa kaniya si Iris. "Feel at home hija."
"Thank you po, Tita. Who is Cara?" She asked.
"Oh, I forgot to tell you. She is my daughter." Napatingin sila sa gawi kung saan may nagsalita.
"Hi Mom!" Nagmamandaling bumaba ang isang babae.
"Cara, for pete's sake! Hindi ka na bata para magtatatakbo! Aba, ikakasal ka na!" Ani Iris sa anak.
Humagikgik naman ang babae at humalik sa pisngi ng ina. "I'm just so happy to see you, Mom. It's been a week."
"And where is my grandson?"
"He's with James. Dinala niya si Carl sa parents niya. Hindi na ako sumama dahil alam kong darating ka." Lumipat ang tingin ni Cara kay Chryska. "And who is she?"
"Cara, this is Chryska, daughter of your Tita Maricel. And hija, this is my unica hija, Cara." Pakilala ni Iris sa dalawa.
"Nice meeting you, Chryska." At humalik ito sa pisngi niya.
Ngumiti siya pabalik dito. "Nice meeting you too. Call me Chrys by the way."
"Okie dokie. Chrys." Masiglang sabi ni Cara. "By the way Mom. We have a dinner tonight with my friends and James' friends. Nasabi ko na rin kay Nanay Irma ang tungkol doon. Pupunta rin sila Mommy Tess." Mahabang paliwanag nito.
"Ganun ba? Okay sige. Nandito naman pala sila amiga e, I'll go upstair. Ikaw na munang bahala rito kay Chrys. Her room is across to your room." Bumaling naman ito sa kaniya. "Chrys, feel at home okay?"
Tumango naman siya rito. "Yes Tita. Thank you po."
Nang makaalis na ang ginang ay mabilis siyang hinila nito sa taas ng bahay. Tinunton nila ang isang kwarto na sa palagay niya ay ang tutuluyan niya.
"This is your room. And there is our room here. You can knock when you need something but except at midnight. You know what I mean." Pagkatapos ay humalakhak ito. "And by the way, how old are you?"
"24"
"Great! 'Di na kita tatawaging ate ha? Isang taon lang naman ang tanda mo sa'kin e."
"Sure, no problem. Saka nakakatanda rin naman kung tatawagin mo akong ate." Natatawa niyang sabi.
Tumawa naman si Cara. Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa kung ano-ano. Natutuwa siyang kausap ang dalaga dahil ang saya nito. Parang hindi kasi ikakasal kung titingnan pero kitang-kita sa mata nito na mahal nito ang mapapangasawa. Hindi naman naglaon ay nagpaalam si Cara sa kaniya dahil may tatawagan daw ito.
Pagkaalis nito ay inayos na niya ang mga gamit niya at tumawag na rin siya sa London, telling that she's already in the Philippines. Tinawagan niya rin si Apollo dahil nangako siya rito na tatawag siya. Medyo napatagal ang pag-uusap nilang dalawa. Until now kasi ay maraming bilin ang lalaki sa kaniya. Napatawa na lamang siya. Matapos niya itong kausapin ay nagbihis na siya at nagpahinga.
***
♥ⓝⓘⓒⓧ
