|2| His Life After Five Years
"Get out! I don't want to see your godd-mn face here! You are fired!" Mariing sigaw niya sa secretary niya na sa oras na iyon ay nanginginig na sa takot. Tiningnan niya ito ng masama. "What? I said. Get. Out.!!"
Mabilis naman itong tumakbo palabas ng opisina niya, muntik pa nga itong madapa. Napahilot siya sa kaniyang sentido. Ilang beses na bang napapalitan ang secretary niya dahil sa hindi marunong sumunod sa instructions? Agad niyang pinindot ang intercom para sa HR Department.
"Galla, hire a new secretary. Now!" At pinatay niya rin agad. Hindi na niya hinintay makasagot ito. Para saan pa? Yes Sir lang din naman ang isasagot nito.
"Wow! Pang-ilan na iyon?" Rinig niyang sabi nang kakapasok niya palang kaibigan.
"Ten? I don't know and I don't care." Ismid na sabi niya at pumikit.
"Nangangalahati pa lang ang taon nakakasampu ka na?" Umiiling ito. "Si Cara lang yata ang tumagal sa'yo bilang secretary ha?"
"She's good and efficient. Everything was clear and organized. How is she, anyway?" Kuwang tanong niya dito.
"She's good. Maybe she will visit you some other time. Kukunin ka yatang ninong."
"That's my request to her. She's been a nice friend to me. Maybe I can offer her to be my secretary again." Seryoso niyang saad.
"I'm afraid it will happen. She will be a going to be a plain wife." At humalakhak pa ito.
"I wonder kung paano kayo naging magpinsan." Iling niya sa kaibigan. "Kamusta nga pala yung pinapahanap ko, Rick?" He asked. Rick is a private investigator and he is really doing great in his job.
"Wala pa rin, Chuck. I try to find her even in other countries ay wala pa rin kahit wala namang record na lumabas siya ng bansa. Chryska Salvador is not found. Laging ganoon ang findings." Seryosong saad ni Rick.
Napahilot siya sa sentido. It's been five years pero ni isang balita tungkol sa dalaga ay wala. Hinanap niya ito pero wala. Minsan nawawalan na siya ng pag-asang makita ito. Pero sa tuwing babalikan niya ang kagaguhang ginawa niya dito ay nagui-guilty siya. Idagdag pa ang kaalaman niyang namatay ang ina nito.
"Wala pa ring bang dumadalaw sa puntod?" Kuryosidad niyang tanong.
Bahagya itong umiling. "Wala. The last time I checked ay yung bulaklak mo pa rin ang nandoon." Yes, he visited the crave of Chryska's mother.
"What should I do?" He asked unnoticely.
"Move on. As simple as that. C'mon dude! It's been five freaking years!" Turan nito.
"It's hard to do."
"Bakit? Dahil kinakain ka ng guilty mo? Baka hindi ka na makapag-asawa niyan! Kung ang hinahanap mo siya dahil sa guiltiness mo kalimutan mo na lang siya at tumigil ka na. Kasalanan mo rin naman diba?" Ani Rick.
Bumuntong-hininga siya. "I don't know what to do now. I know it's my fault and it is eating me alive. Pero gusto ko siyang makita." Nanlulumong ani niya.
"Gusto mo nga siyang makita pero pinapatay mo naman ang sarili mo. Fix yourself first, Dude. You look like a lost man. It's been five years and you are nothing. Bago mo isipin kung paano mo siya mahahanap, isipin mo muna ang sarili mo. Paano kapag nagkita kayo? Baka sa ataul ka na lang niya makikita." Mahabang bigkas ng kaibigan.
Napatingin siya dito. He has a point. Sa loob ng limang taon, pakiramdam niya wala siyang na-achieve ni isa. Yes, he is the CEO now but he looks like nothing. Mainitin ang ulo kahit sa konting pagkakamali lang ng empleyado niya.
Nakita niyang tumayo ang kaibigan. "I have to go now. Pupunta pa ako sa bahay ni Cara. Alam mo na.. magpapakasal na iyon."
Tumango siya sa kaibigan. Nang makaalis na ito ay sumandal siya sa shivel chair niya. He opened his drawer and get the picture inside of it. It's his picture with her. Their first picture. Ito 'yung araw na sinagot siya nito. He was the happiest man on that day.
He paintly smiled. If he can turned back thay day na nasaktan niya ito. Pero like the saying said, "nasa huli ang pagsisisi." Ang araw na nakita niya itong umiiyak at nasasaktan dahil sa mga pinagsasabi niya. He wanted to comfort her but something telling him that it was the best way to do. He afraid that day. But that fear was the reason why the girl he loves the most had gone.
He sighed. "I miss you, Xka. I really do."
*****
"Ano na naman itong narinig ko Chuck na nag-hire ka na naman ng bagong sekretarya?" Diing tanong ng daddy niya pagkapasok na pagkapasok niya pa lang ng bahay niya. That's why he hates to come home in their house. Sermon agad ang inaabot niya sa ama.
He sighed. "I can't tolerate her attitude. She's noob and doing her works late. She always spaced out." Katwiran niya.
"Kailan ka ba magtitino, Chuck! You are 25 for pete sake! But you acting like a six year-old kid! What's happening to you huh?" Galit na turan nito.
He shuts his eyes. "Not now, Dad. I'm dead tired." Tinalikuran na niya ang ama.
"Don't turn your back at me, young man! I'm not done talking! Hanggang ngayon pa rin ang babaeng iyon pa rin ang dahilan kung bakit ka ganyan? I knew it from the start wala siyang maidudulot na maganda sa'yo!"
"Dad please! Can you please stop including her here! Wala na nga diba 'yung taong dahil sa'yo, dahil sinunod ko ang utos niyo kahit labag pa 'yon sa akin! I lost the girl I love!" Sising turan niya dito.
Narinig niya ang halakhak ng ama. "Idiot! Kung mahal mo siya bakit wala na kayo?"
"Dahil sa'yo!"
"Exactly my point! Pero sino ang nag-take ng action? Diba ikaw? You threw bad words to her. You insulted her." Umiling ito. "Sino sa atin ngayon ang t@ng@?"
"I can't believe you are my father!" At mabilis niyang tinalikuran ito. Narinig niya pa ang malakas nitong pagtawa.
Alfonso Perez is a very bad man. Kahit siya na sariling anak nito ay nakakagawa nitong g-aguhin at paglaruan. If he will choose to have a father, he will never choose that man. He hates him. He aloathes him. He wants to throw bad words to his father but his respect is still there. But he will never forgive his father for manipulating his life.
"D-amn! Sh-it!" Inis siyang humilata sa kama. Bakit ba kung kailan may nagsasabi sa kaniya na kalimutan ang babaeng mahal niya ay saka naman may nagpapa-alala sa kaniya ng kagaguhan niya rito.
"I should stop this craziness. Chuck, come on it's been five years!" Tila baliw na kausap niya sa sarili. "She will never come back. And if she will, it will never be because of you."
♥ⓝⓘⓒⓧ
