|9| Wedding day
Maaga siyang gumising sa araw na ito. It's Cara's wedding day. At nangako siya sa dalaga na tutulungan niya ito. Mas matanda siya rito pero mas una itong mag-settle down. Kungsabagay, wala pa naman sa isip niya ang mag-asawa. Siguro noong nasa murang edad na siya pinangarap niyang pero nagbago ang lahat simula nung nasaktan siya.
Ipinilig niya ang ulo dahil bumabalik sa ala-ala niya ang nakaraan. Ang mga panahong nagbago ang lahat. Nag-ayos na siya para puntahan si Cara. Nasa hotel na sila at mag-isa lang siya sa kwarto. Gusto man niyang may kasama ngunit wala naman siyang kilala roon maliban kila tita Iris.
Hindi na siya nag-ayos masyado. She just put a light make-up and lipstick then wear a blue dress and pair it with white shoes. After that she grabbed her purse and walk out the room. Kumatok siya sa kabilang kwarto kung saan nag-stay si Cara at ang Mommy nito.
"Hi, tita. Good morning." Bati niya nang pagbuksan siya ng pinto ni tita Iris.
Tiningnan muna siya nito at gusto niyang mailang sa pagtitig nito. "You're so beautiful,hija. Good morning too. Pasok ka."
Natawa siya sa tinuran ng ginang. "Si tita talaga. Bolera."
"It's true." Ngumiti ito sa kaniya. "Blue suits you."
"Thank you po. Where's Cara?"
Inaya siya ng ginang sa loob kung nasaan si Cara. The wedding ceremony starts at exactly 10am. It's a beach wedding pero pinili ng ikakasal ang ganung oras. Binati ni Chrys si Cara at kinarga ang anak nito. Cara is beautiful eventhough in light make up.
Nang matapos na ang pag-aayos ay sinabihan na sila ng coordinator na bumaba na dahil naroon na ang lahat. Doon na kinabahan si Chrys, paniguradong magkikita sila ni Chuck at paniguradong nandoon ang binata. Isa si Chuck sa Best Man kaya hindi mawawala ang binata.
Sa dulo na lang ako pupwesto. Sabi niya sa sarili. Maybe somehow na hindi siya mapapansin ng mga tao.
Nang makarating sila sa pagdarausan ng kasal ay nag-go signal naman ang wedding coordinator to start. Agad lumayo si Chrys kila Cara at pumwesto sa pinakasulok.
Nag-umpisa na ang entourage. Iginala ni Chuck ang kaniyang paningin upang hanapin ang dalaga. Hindi niya nakita ito marahil ay iniiwasan siya ng dalaga.
"Anong nililinga-linga mo?" Tanong ni Rick sabay siko sa kaniya.
"Nakita mo si Xka bro?" Tanong niya sa kaibigan na hindi man lang niya tinapunan ng tingin. Patuloy niyang nililibot ang tingin sakaling mahagip ng paningin ang dalaga.
"Ayun o nasa sulok." Sabay nguso ni Rick sa bandang dulo. Sinundan niya ng tingin ang nginunguso ng kaibigan.
Napangiti siya. Hindi nakatingin ang dalaga sa kaniya. Nakaupo lang ito sa dulo at nakatingin sa kung saan. She's beautiful at alam niyang sa loob ng limang taon na hindi niya nakita ang dalaga ay sobra ang pagkamiss niya rito. Naka-blue dress ang dalaga at alam niya kahit sa malayo na light make-up lang ang dalaga. Kitang kita niya ang ganda nito.
He maybe had many flings, bedded many women but the beauty of his love is nothing to compare with. Para sa kaniya si Chryska lang ang gandang kayang magpahinto ng oras niya.
Hiniling niya na sana matapos na ang wedding ceremony. Gusto na niyang malapitan ang dalaga at kausapin ito. Walang kakilala ang dalaga maliban kila Cara at sa kaniya kaya wala itong kasama.
"Try to focus muna sa kasal, pre. Mamaya mo na sulyapan 'yang ex mo. As if namang kakausapin ka niyan, mukhang hindi pa rin yata nakakalimot sa ginawa mo." mahinang sabi ni Rick sa kaniya.
Totoo naman. Hindi pa rin siya nito napapatawad. Limang taon na ang nakalipas pero nandun pa rin ang sakit na binigay niya rito. Hinding-hindi niya rin makakalimutan ang gabing nasaktan niya ito ng sobra. Mahal niya ang dalaga pero hindi niya kayang ipahamak ito nang dahil lang sa pagmamahal niya.
Malayo-layo na rin ang narating ng dalaga. Pagkauwi niya ng bahay ng gabing iyon ay hinanap niya lahat ang impormasyon tungkol sa dalaga at kung anong ginagawa nito sa London. Nalaman niyang halos limang taon na simula ng manirahan doon ang dalaga kasama ang isang nangangalang Maricel Morales. Sa London na rin nakapagtapos ng pag-aaral ang dalaga at tatlong taon na ang nakalipas simula ng itayo nito ang flowershop.
Ibinalik niya ang tingin sa dalaga, maganda ang naging buhay nito pagkatapos ng lahat ng nangyari. Hindi niya mawari kung ikakatuwa niya iyon o ano. Matagumpay na ang dalaga sakabila ng lahat pero naging malayo na ito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng dalaga tungkol sa kaniya.
Marami nang nagbago rito, malayong-malayo sa babaeng minahal niya noon. Gusto niya ulit mayakap ito katulad dati na bigla na lang siyang yayakapin kapag may problema siya. Ipinagluluto rin siya ng dalaga kapag dumadalaw ito sa condo niya. Kaya nga noong mga panahon kinakailangan niya itong ilayo sa kaniya ay hindi siya makahanap ng kapangitan ng ugali nito.
Mariin niyang ipinilig ang kaniyang ulo dahil bumabalik pa rin sa kaniya ang tagpong iyon na parang kahapon lang nangyari.
"You may now kiss the bride.."
Hindi niya aakalaing ganoong katagal ang pag-iisip niya tungkol sa dalaga. Wala siyang naintindihan tungkol sa kasal dahil inokupa na ng dalaga ang isip niya.
Masigabong palakpakan ang naririnig niya at masasayang pagbati sa bagong kasal.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa pwesto ng dalaga pero laking pagtataka niya na nawala ito roon.
Saan kaya nagpunta 'yun? Hindi niya mahagilap pa ang dalaga lalo na ng hilahin siya ni Rick palapit sa bagong kasal. Gustuhin man niyang umalis ay hindi niya magawa.
******
♥ⓝⓘⓒⓧ
