|3| Decision Made
Tahimik siyang umiinom ng choco sa favorite spot niya sa flowershop niya. It's been a week since her mom told her that she needs to come home. Naiinis siya sa sarili dahil parang may parte ng utak niya ang nasasabik na makakauwi siya ng Pilipinas. And she didn't know why her mom is too excited. Ito pa mismo ang nag-ayos ng lahat para sa paglipad niya pa-Pilipinas.
She asked her mom about that and according to her she has a wedding to attend to. At makakasabay niya sa pag-uwi ay mommy ng bride. She even asked kung bakit ito hindi kasama at sinagot lang siya nito na may lakad siya nang araw na iyon. Minsan nakakapagtaka ang mga desisyon ng ina niya pero pinagwalang-bahala na lamang niya.
"Hello lady." Ani ng isang baritonong boses na nagpabalik sa kaniya sa reyalidad.
Ngumiti siya dito. "Apollo.."
"You thought was deep. What was that?"
Umiling siya dito. "Nothing."
"There's something that you didn't tell me?" Nanghihinalang tanong nito sa kaniya.
Yumuko siya to avoid meeting his gaze. "I need to go home, Apollo." Mahinang turan niya. Ngayon lang siya nagkaroon nang lakas ng loob upang sabihin dito. She is afraid na sumbatan siya nito. Natatakot siya sa maaaring mangyari.
"W-what? Are you not feeling well? You want me to bring you h--"
"It's not that, Apollo." Putol niya sa sinasabi nito. She lifted her head to looked at him.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ng binata.
"Philippines. I'm going home."
"Are you crazy?! Why? I thought you don't want to come back there?" Malakas na sabi ng binata.
"That is my original plan, Apollo. I want to live in peace here in London. But, Mom was right. I need to face my greatest nightmare." Iniwas niya ang tingin niya dito ng may maglandas na luha sa mga mata niya.
"You will leave me?" Nahihinampong tanong nito.
"No! I will not stay there long! I.. I j-just to have peace in mind!"
Mapait itong ngumiti sa kaniya at pumunta sa harapan niya para magkatapat ang mga mukha niya. "But you said that you don't want to come back there?! What are thinking huh?"
"Apollo.. it's final. I already made up my mind. And I want to visit my mother's grave." Mahinahong sabi niya. Ayaw niyang makipagtaasan ng boses sa binata dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan nila.
"And you will leave me here?"
"Apollo.. like what I've said last time we have our own life. And please respect my decision. You are my friend, so please.." sabi niya sabay tayo sa kaniyang kinauupuan. Malapit na kasi siyang mapikon sa binata. He's acting like a freaking boyfriend!
Nakita niyang tumungo ang binata at nang mag-angat ng tingin ay mapaklang ngumiti sa kaniya. "Yeah.. you are right.. I'm just your friend. A friend and nothing all." There. She saw pain in his eyes. Hindi naman niya kasalanan iyon e, never niyang pinaasa ang binata. She is very vocal to this guy that she is not yet ready to open her heart to someoneelse. Saka wala siyang nararamdaman na kahit ano para dito kundi ang pagkagusto niya dito bilang kaibigan.
"Apollo, don't make it hard."
"You already made a decision, Chrys. Hope that you'll not regret it." Ani nito at mabilis siyang iniwan nito.
Napahilot siya sa sentido. Napaka naman kasi ni Apollo. Kapag hindi naman niya sinabi rito ang tungkol sa pag-uwi niya alam niyang magagalit ito. Dinaig pa siya nito kung umasta at mag-inarte.
"Miss Chrys, bakit umalis agad si Sir Apollo? Hindi man lang ako nakasilay nang matagal!" Rinig niyang reklamo ni Gina nang makita niya ito.
"He had an important things to attend to. Emergency daw." Dahilan niya rito. Oo, close siya sa mga employee niya pero never siyang nakapag-share ng tungkol sa nakaraan niya. Ang alam ng mga ito ay natagpuan siya ng mommy niya at itinuring na tunay na anak. Pero wala nang alam ang mga ito beyond that. Mas mabuti na rin ang ganito. Atleast, hindi niya iisiping naaawa ang mga ito sa kaniya.
"Ayy sayang! Nagpaganda pa naman ako para sa kaniya!" Tila nagde-daydream na sabi nito.
"Sus! Kahit anong ayos mo hindi ka noon papansinin! Malakas ang tama nun kay Miss Chrys!" Pang-aasar ni Milo kay Gina.
Napatawa na lamang si Chryska. Parang aso't pusa kasi ang dalawa lalo na kapag nagkadikit. Nawala tuloy bigla ang lungkot niya dahil sa mga ito.
Iniwanan niya ang dalawa na patuloy pa rin ang bangayan. Napapailing na lamang siya habang nakangiti. They are obvious that they like each other pero torpe at manhid nga lang. And she doesn't want to play as cupid for them. Darating din naman 'yung oras at panahon na maramdaman nila sila ay itinadhana para sa isa't isa.
Nang makapasok na siya ng office niya ay agad-agad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan ang numero ni Apollo. Pero nakaka-ilang ring na ay hindi pa rin nito sinasagot. She even tried to call him thrice pero bigo pa rin siyang sagutin ng binata. Maybe, he's really mad at her.
Kinakain na naman siya ng konsensya niya. Pero ayaw naman niyang paasahin ang binata. Para sa kaniya hanggang kaibigan lang ang tingin niya dito at hindi rin naman niya masisisi si Apollo na magkaroon ng gusto sa kaniya.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Ang dami na niyang iniisip na posibilidad na mangyari at parang sumasakit ang ulo niya. At hindi niya maiwasang isipin kung ano ang mangyayari sa pag-uwi niya. Matagal na rin nang huli siyang makarinig ng balita tungkol sa bansang pinagmulan niya. Kahit puro Pilipino ang nagtatrabaho sa kaniya ay hindi siya nakikipagkwentuhan tungkol sa lagay ng Pilipinas. Na kahit minsan ay kating-kati ang dila niyang magsalita at magtanong.
Narining niya ang pamilyar na tunog ng phone niya. She immediately gets her phone sa pag-aakalang si Apollo ang tumatawag. Pero ang Mommy niya pala.
"Mom?"
"Hija, come home early! You're Tita Iris is here."
Kumunot ang noo niya. "Tita Iris? Who is she?" First time niya lang kasi narinig ang pangalang iyon sa Mommy niya.
"A friend of mine, dear. And she is the mother of the bride I was telling you the last time we talked." Paliwanag nito sa kaniya.
"Okay. So?"
"Go home early. We'll wait for you.." and the line went off.
****
♥ⓝⓘⓒⓧ
