|7| They Meet Again
She's busy scanning herself in the mirror. She's nervous right now. Maybe because she will meet new people. Ayaw niya sanang lumabas ng kwarto as much as possible. Ngunit her Tita Iris told her that she needs there. Hindi naman niya bisita 'yun para kailangan pa siya.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakakahiya naman na inaya siya pero wala siyang balak paunlakan iyon. Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. She's wearing a cream dress na above the knee na pinarisan niya ng flat shoes.
Narinig niya ang katok sa pinto at lumitaw ang ulo ng katulong pagkabukas nito.
"Miss Chrys, baba na raw po kayo sabi ni Ma'am Iris." Magalang na sabi nito.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito. "Sige po. Susunod na po ako."
Nang makaalis na ang katulong ay biglang tumunog ang phone niya. Agad niyang sinagot ang tawag.
"Mom.."
"Hello dear. How are you there?" Bungad sa kaniya ng ina.
"I'm fine here. May kaunting salo-salo rito sa bahay nila Tita Iris. Nakakahiya naman kung di ako bababa." Sabi niya sa ina habang palabas ng kwarto.
"Nasabi nga sa'kin ni Iris ang tungkol dyan. Don't be shy hija ha? Masyado kang maganda." Kasabay nun ay ang malakas na tawa ng ina.
"Ma naman. Nakakahiya pa rin kasi di ko naman sila kilala. Didikit na lang ako kay tita Iris kapag ganun." Ani niya rito at mahinang tumawa.
Her mother never fail to make her smile.
Marami pa silang napag-usapan na kung ano-ano kaya hindi mawala sa mga labi niya ang ngiti. She really loves to talk to her mother. Nagpaalam na siya sa ina dahil nasa huling bahagdan na siya ng hagdan.
"Chrys!" Rinig niyang tawag ni Cara sa kaniya.
Nilingon niya ito na humahangos namang lumapit sa kaniya. Hindi siya nakahulma agad nang hawakan siya sa braso nito at hatakin sa may sala. Muntik pa nga siyang matalisod sa paghila nito.
"Guys, meet Chryska. And Chryska they are my cousins and friends."
Binati at kumaway naman sa kaniya ang mga naroon. Sa rami nang nandoon ay hindi niya magawang ilibot ang paningin niya.
"Hi. You seem familiar. Have we met before?" Tanong ng isang lalaki na lumapit sa kaniya.
Naningkit ang mata niya at inaalala kung nagkita na sila ng lalaking kaharap. "I don't think so. Ngayon lang kita nakita."
"Hmmm.. But are you from London and an owner of a flower shop there?" Tanong nito sa kaniya.
"Ahmm yeah. Why?" Takang tanong niya.
"Then, doon tayo nagkita. I asked you to chose a bouquet for my girlfriend. Binalikan kita the other day dahil gusto kang makita ng girlfriend ko. Nagustuhan niya ang arrangement ng flowers pero wala ka that day." Mahabang paliwanag nito.
"Ahh I see. Sorry for not recognizing you. Hindi kasi ako matandain." Hinging paumanhin niya.
"It's fine. Maybe some other time makilala mo ang girlfriend ko. I'm Hector, by the way." Sabay lahad ng kamay nito sa harap niya.
Tinanggap nita ang kamay nito at ngumiti. "Nice meeting you, Hector. And I'm looking forward to meet your girlfriend."
Marami pang kumausap sa kaniya. Lalo na ang mga baaeng mahilig sa bulaklak. Napangiti na lang siya dahil parang welcome na siya agad.
Naramdaman niya ang pagkalabit ni Cara sa kaniya kaya napatingin siya rito.
"May ipapakilala lang ang ako sa'yo." Mahinang sabi nito.
Tumago na lamang siya dahil pakiramdam niya ay kanina pa may nakatitig sa kaniya. Kinikilabutan kasi siya kaya di niya magawang hanapin kung sino ang taong iyon.
May ilang bumati pa sa kanila bago sila huminto sa harapan ng dalawang lalaki. Agad tumigil ang kaniyang paghinga lalo na at kilala niya ang lalaking nasa harapan niya na matama ring nakatitig sa kaniya. Kahit lumipas na ang limang taon at malaki na rin ang pinagbago ng katawan nito ay kilalang-kilala niya pa rin ang lalaki. Mas lalong gumwapo ito.
"Chrys, meet my cousin Rick and my former boss Chuck." Pakilala ni Cara.
Nakipag-kamay sa kaniya si Rick na pinaunlakan naman niya. Hinintay niyang maglahad ng kamay si Chuck ngunit hindi nito ginawa.
Kaya ngumiti siya rito at inilahad ang kamay. "Hi. Nice meeting you. I'm Chryska Martinez, Chrys for short."
Nakita niya ang pagkunot-noo ni Chuck na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya maging si Rick ay napatitig din sa kaniya. Lihim siyang napangiti sa naging reaksiyon nito. Marahil nagtataka sa apelyido niyang binanggit.
Babawiin na sana niya ang kamay niya dahil hindi inaabot ng binata ang kamay niya. Ngunit laking gulat niya nang bigla nitong inabot iyon. Muntik na siyang mapatili dahil sa kuryenteng dumaloy sa sistema niya. Hindi inaasahan ni Chryska iyon.
"Nice meeting you too, Chryska." At sumilay ang isang ngiti mula rito na nagpakilabot sa kaniya.
****
♥ⓝⓘⓒⓧ
![](https://img.wattpad.com/cover/54411018-288-k811275.jpg)