Meeting That Creature

2 0 0
                                    


Pagkagisi ng ko, agad kong hinanap si Mama sa kwarto nila ni Papa. Wala pa rin siya ! Bumaba ako, wala ring Mama. Hanggang sa may napansin ako sa table na papel.

Kinuha ko yun at binuksan,

Abrielle,
Pasensya na baby kung di kita hinintay. Si Lola mo inatake. Diniretso siya sa hospital. At dahil yung mga Tito at Tita mo, nasa ibang bansa, ako na muna ang magbabantay sa kaniya rito. Tutulungan ko si Tita mo Claire na magbantay dito kay Lola mo. Siguro mga 1 week lang ako dito. Be responsible, Abrielle habang nandito ako at mag isa ka lang dyan. May titingin sayo diyan araw araw. Matanda ka na at alam mo ang mga limits mo. Di mo pa ako matawagan dahil wala pang signal ang sim dito. Ako na lang mismo ang tatawag sa iyo. Magpapadala ako ng pera sayo dyan. Responsible, baby huh. I trust you.
-Mama

Ako na ata ang pinakatangang tao sa mundong to. Kagabi pa pala to tapos ngayon ko lang napansin ang sulat na to !? I was worried for nothing !? Ouch !

Tinupi ko ulit ang papel at nilagay sa drower ng cabinet dito sa kitchen. Binuksan ko ang ref kung merong makakain.

Yey ! Meron nga !

Pangatlong beses ko ulit mag iisa sa bahay na to. Yung una, nung umalis sina Papa at Mama, emergency daw, yung pangalawa naman, yung accident.

Dahil doon, dami nagbago. Sobra.

Kumain na ako at nagbihis na para sa pagpasok.

••••

What just had happened ?!

Binangga ako ni Xymon papasok ng university. Di ba siya marunong mag salita ng excuse me !? Or sorry ?! Hala ! Akala ko ba running for valedictorian yun !? Bobo nun ah ! Pinapatulan ako !?

Big deal sa akin na bunggo bungguin ako nang di man lang magpapasorry ! Pinag-aral pa siya ng magulang niya kung asal aso rin naman pala siya !?

" Huy kuyang bastos ! "

Napalingon siya sa akin bago pa siya makatagbo papasok.

" I have my name and it is Xymon Lavigne. Ano bang problema mo ? "

Aba !? Siya pa tong may ganang magalit ah ! KAPAL !

" Matuto naman po sana kayo magpasorry or say 'excuse me' man lang. Nakakabangga na kayo eh. " Sagot ko.

Yung mga kaibigan niya, lumapit sa amin nung nakita kami magkaharap.

" What are you talkin' about ? "

Lumapit ako sa kaniya at tinulak yung chest niya papalayo.

" Hindi porket ang taas lang ng standards mo, ganyan ka na kung umasta. Tandaan mo, tao ka rin. Pare-pareho lang tayo dito. Kaya matuto kang rumispeto ! "

Nilagay ni Rick ang kamay niya tropa sa balikat niya at sinabing,

" Dude, di ko alam na pumapatol ka pala sa babae ? "

" Bro, babae lang yan. Halika na. " Sabi ni Ian kay Xymon.

Nakatingin pa rin kami sa mata ng isa't isa at di pumipikit.

Hinarangan ni Nathan ang view ni Xymon at ngayon nakatingin na siya sa akin.

" Ate, sorry sa kaibigan naming si Xymon. We're in a hurry kaya siguro di ka niya napansin diyan. " Sabi niya.

Tumingin ulit ako kay Xymon at sabing,

" Bakit ikaw ang humihingi ng sorry, eh siya tong nanangga. " Sagot ko.

" As if, I would apologize. Let's go. We're wasting our time here. " Sabi niya sa akin at sa mga kaibigan niya. Umalis na siya. Pero bago umalis ang mga kaibigan niya, they gave me a sorry looked and followed him.

" Tandaan mo tong araw na to Xymon. You're going to apologize to me kneeling for it and needing my help. " Sigaw ko sa kaniya na ang sinagot niya lang ay 'f*ck you' sign sa akin ! Ang bastos talaga ng lalaking yun ! Grabe !

Dahil sa incident sa kaniya, nasira ang buong araw ko ! Dahil sa Xymon na yun, di ako makatulog sa sobrang inis at hiya na rin ! Grabe ! Ang... ! Ugh !!! Pangit siya ! Kala niya, porket sikat siya sa school kaya niya akong ganon ganunin !?

Mabilis lang ang karma. I'll just have wait for it.

His SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon