Nakapasok na ako sa Bloom Field nang hindi pa nakikita sa paligid si Xymon. That was a good sign !Pumunta muna ako sa field dahil maaga aga pa naman. Wala pa rin si Chloe. Anong oras kaya yun papasok ngayon ? I hope, di naman siya aabsent ngayon.
" Go Nathan ! I love you ! "
Napalingon ako sa nagsalita ng word na yun. Lalim ng pagmamahal ng babaeng yun kay Nathan ah ? Kung maka ' I love you ' parang SILA. Ang alam ko, walang girlfriend yang Nathan na yan. Napakatalino naman niya para sa mga ganung bagay. ( Sarcastic enters here )
Ano kaya ang gagawin ko ? Mukang kahit yung babaeng yun, di yun mapapansin ng isang Nathan eh. Kasi naman ! Bakit ako pa ?! Sa lahat ng tao, ako pa !?? Ako pa tong tutulong sa lalaking nambwiset sa akin nung isang araw tapos ngayon, ako pa tong namromroblema ng mag-isa kung paano siya magigising ! Aba ! Unfair na yun ah ! Papa ko nga di ko natulungan, siya pa kaya !?
" I know nagdadalawang isip kang tulungan ako. "
Shit ! Andito na naman siya !
Kumuha ako ng ballpen at papel sa bag ko at sinulat na,
' Please, wag dito ! '
" Why ? Are you afraid that they'll think you're crazy talking to yourself alone here ? "
Kinuha ko ang ballpen at sinulat na,
' Sayo nga di ako natatakot, diba ? Sa kanila pa kaya ? '
Umupo siya sa tabi ko at ramdam ko yun ! Yung tipong, sabihin na nating multo siya. Kaluluwa muna siya ngayon, pero bakit ko siya nararamdaman at nahahawakan ? Like, parang tao pa rin ang kausap at kasama ko ngayon ?
" Abrielle ! "
Napalingon ako at nakita si Chloe na paparating.
" Halika na ? " Hinawakan niya ako at tumayo naman ako agad. I took one last look at Xymon who is already gone. Pheeww !
" Kanina ka pa ba rito ? " Tanong ko.
" Nope." Napansin ko agad si Xymon na nagsesenyas sa akin. " Kakarating ko lang. " She continued.
" Ah... "
" Okay ka lang ba ? " Tanong ni Chloe sa akin.
" I already know how you can get close to Nathan. " Sabi ni Xymon sa gilid ko.
" Sa ladies' room. " Sagot ko sa kaniya. Nagnod naman agad si Xymon at umalis na.
" What ? " Napatingin ako kay Chloe na nagtanong.
" Uh... I need to go in the ladies' room. Now. " I held my stomach, " Kita na lang tayo sa break mamaya. " Sabi ko kay Chloe.
" You're weird. Fine, I'll see you later. " Umalis na siya.
Dumiretso na ako sa ladies' room (ulit) mukha na akong suki ng kwartong to, tapos binuksan ang bawat pintuan sa loob, naniniguradong walang tao at nilock ang pintuan.
Tumagos mula sa pader si Xymon at humarap sa akin. Tumingala muna ako looking for any cameras in here. Wala rin.
" Okay, what is it ? " Tanong ko.
" Did you know that Chloe and Nathan are siblings ? "
Napatingin ako sa kaniya with a big eyes at sabing,
" What !? "
He just smiled.
" Okay, paki-explain sa akin bakit di ko alam ? " Tanong ko sa kaniya.
" Is it also my fault that you're stupid ? Like, kaibigan mo siya for what ? One or two years ? Tapos you didn't know that they're related to each other ? "
Binatukan ko siya pagkatapos niyang magsalita. Agad naman siyang napahawak sa batok niya.
" What was that for ? "
" Kaya nga ako nagtatanong, diba ? Dahil hindi ko alam !? "
" Okay, fine ! Just tell her to help you to get close to Nathan. "
" Anong ipapaliwanag ko sa kaniya if she'll ask why was I suddenly asking her about that ? Magtataka yun kung bakit bigla na lang ako magkakaroon ng interest sa kapatid niya ! "
" Then do something na di siya magtataka. Bobo. "
" Ikaw na nga tong tutulungan, ikaw po tong may ganang tumawag sa akin na 'bobo' ? Eh anong tawag mo sa sarili mo ? "
" Could you just shut up and do what you are going to do ? " Sabi niya.
" Huy Xymon ! Di porket- "
" Why did you say his name ? And who are you talking to ? "
Napalingon kami pareho ni Xymon sa may pintuan na ngayon ay bukas na. Nakatayo si Nathan doon na mukhang nakakita ng napakalaking sawa.
" Nathan ? "
" Sino ka at bakit mo kinakausap ang sarili mo at binabanggit ang pangalang ni Xymon ? " Nakatayo pa rin siya sa gilid ng bukas na pintuan.
" Just tell him already. Malaking tulong si Nathan, Abrielle. " Bulong sa akin ni Xymon at lumabas na siya without Nathan, noticing him.
" Uhm... Wag dito ? " Sabi ko.
•••
" I don't care if you won't believe me telling you that I could see souls meaning I can see Xymon. " Explain ko sa kaniya naka crossed arm siya sa harapan ko. Nakatayo kami pareho sa may locker room nila sa soccer na kami lang dalawa ang tao.
" He's not dead. He's in a coma for three days now. " Sabi niya.
" Exactly. Comatose siya. Meaning, his soul is roaming around. "
" Pero papaano ? "
" Does Chloe told you na muntikan na akong mamatay dahil sa isang car accident ? "
" Yeah. She did mentioned that. "
" Yun ! Dahil doon, I can see dead people's souls or living souls now. " Explain ko.
" Okay ? " He raised his eyebrow, " So, bakit siya nagpapakita sayo ? "
" That's because he wants my help. Dahil sa, ako lang ang nakakakita sa kaniya rito. "
" Anong tulong ? "
" May mga pinagagawa siya sa akin. "
" Bakit di mo na lang sabihin sa akin kung ano yun at ako na lang ang gagawa ? " He said.
" Dahil sabi niya, ako lang daw ang makakagawa. "
" Oh yeah ? So, tell me paano ka makakapasok sa kwarto niya sa hospital ? "
" That thing, I need your help. "
He stared at me and said,
" What's the plan ? "
Ngumiti ako sa kaniya.
This will begin here.
BINABASA MO ANG
His Soul
Roman pour AdolescentsLumpit siya sa akin at sabing, " Nakikita mo ako ? " Tanong niyang gulat na gulat. "Malamang ! Di naman ako bulag eh !" Lumapit pa siya sa akin lalo at hinawakan ang braso ko. Tumayo ang balahibo ko at lumayo sa kaniya. Ang weird naman nitong lalaki...