Today seems weird.
Di ko alam ? Pero, maghahapon na at di ko pa rin nakikita si Xymon sa paligid. Siguro, nahiya siya sa ginawa niya kahapon sa akin. He should be !
Naiintindihan ko naman na ako lang ang nakakakita sa kaniya. Ang di ko lang kasi ma-gets, bakit nahahawakan ko siya at nahahawakan niya ako !? Anong meron ? Dapat nga, di ko siya nararamdaman. Literal. Pero, bakit parang tao siya sa akin ? Parang nasa katawan niya siya mismo.
Anong meron ????
Ang weird din kasi, feel ko maglakad ngayong araw na to. Hindi ako yung tipo ng tao na maglalakad ng malayo because of a problem. First of all, yung mga paa ko, di sanay sa malayuang paglalakad. Second, wala naman akong problema eh ?
Siguro, ayaw ko munang umuwi.
Beep ! Beep !
Napalingon ako sa malakas na busina ng motor. Hindi ko makilala yung lalaking nakasakay sa motor. Naka jacket siya at may hawak na helmet sa isa niyang kamay. While he was wearing one too.
Hininto niya ang motor sa harapan ko at dahan dahang tinaggal ang hemet niya.
Nathan.
" Anong ginagawa mo rito ? " I asked as he stood in front of me.
" Ikaw ? Anong ginagawa mo rito ? " Tanong niya pabalik.
" Malamang. Naglalakad. " I replied sarcasticly.
" Ang pagkakaalam ko, malayo ang bahay niyo mula sa school. Gagabihin ka na pag uwi. At alam mo namang delikadong maglakad mag isa sa kalsada pag gabi na. Lalo na't babae ka pa. "
" Ano bang gusto mong sabihin ? "
" Ang slow mo. Sumabay ka na sa akin. Ako na ang maghahatid sayo pauwi. "
Inabot niya sa akin ang helmet na isa pero di ko tinanggap.
" Hindi pa ako uuwi. " Sagot ko.
" Saan ka pupunta ? "
" Don't know ? Wala lang ako sa mood ngayon umuwi. "
" Di ba magagalit Mama mo ? "
" She's not there. "
" So, mag isa ka lang sa bahay niyo ? " Curious na tanong niya.
" With Xymon, " bilis na sagot ko.
Bigla siyang natahimik sa sinabi ko at napaisip pa.
" If you don't mind, mauuna na ako. "
At humakbang na ako paalis sa pwesto ko kanina pero tumakbo si Nathan papalapit sa akin at kinuha ang kamay ko at nilagay ang helmet sa ulo ko.
" Bakit !? "
Habang nilalagay niya ang helmet sa ulo ko, I can't stop staring at his brown eyes that flicker. Yung mukha niya sa malapitan, iba. Iba.
Hindi ako magtataka na magkapatid nga sila ni Chloe. Napansin kong may nunal pala si Nathan two inches away sa left eye niya.
" May alam akong pwede nating pagtambayan. "
I stared at him for a minuet and just nod. Umupo na ako sa big bike na color red. H-O-T ! Tapos kinuha ni Nathan ang kamay ko at nilagay sa waist niya.
" Humawak ka nang mabuti. " Sabi niya which I nod again at hinigpitan ang pagyakap kay Nathan.
•••
" Ang ganda... "
I whispered to Nathan who was standing beside me. Nakatingin lang ako sa paglubog ng araw dito sa may park. Yung normal red orange naging unique color sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
His Soul
Novela JuvenilLumpit siya sa akin at sabing, " Nakikita mo ako ? " Tanong niyang gulat na gulat. "Malamang ! Di naman ako bulag eh !" Lumapit pa siya sa akin lalo at hinawakan ang braso ko. Tumayo ang balahibo ko at lumayo sa kaniya. Ang weird naman nitong lalaki...