Nagising na lang ako na nasa kama na, the last thing I remember is that nakahiga ako sa bubong buong gabi. Bakit ako napunta dito ?
" That's because I carry you here. Pasalamat ka, di kita iniwan sa bubong, edi sana ngayon, pinagpipyestahan ka na ng mga insekto dun. "
Napalingon ako nung narinig ko yun.
Shit ! Sabi ko na nga bang si Xymon ang may kagagawan nito eh ! Nakatayo siya sa may pintuan ko na naka crossed arm na naman. Signature niya na yun.
" Nababasa mo rin ba ang mga naiisip ko ? Or ibang tao ? " Tanong koat tumayo na sa higaan.
" Nope. You act obviously, that's the reason. " Sagot niya at lumabas na ng kwarto ko.
Sinundan ko siya palabas ng kwarto at papunta siya sa sala. Pagkatapos, umupo siya sa sofa. Donyo.
" Natutulog ka ba ? " Tanong ko.
Di niya ako sinagot instead, inutusan niya akong buksan ang t.v para makapanood siya. Tamad ng multo na to !
'Tililit tililit... Tililit tililit... Tililit tililit...'
" Hello ? " Sinagot ko yung telepono. Napatingin naman si Xymon sa akin.
" Hi baby Abrielle ! " Nilayo ko agad ang telephone sa tenga ko. Si Mama. Madami na naman tong tatanungin. " Kamusta ka na dyan ? Kumain ka na ba ? Kakagising mo lang ba ? Anong ulam mo ? "
" Ma, relax ! Okay ? Okay lang ako dito. Kakagising ko lang at magbubukas na lang ako ng delata dito sa ref. No need to worry. And Ma, seriously ? For the hundred millionth time, Baby Abrielle ?!"
Narinig kong nagsighed si Mama sa kabilang linya. Napatingin naman ako kay Xymon na sa screen na ng t.v nakatingin, habang nakangisi.
" Okay, fine. Sila Cynthia ba, tinitignan ka diyan ? " Tanong ni Mama.
" Yup. Nung isang araw lang. Tas, kagabi. As in, literally, tinignan lang nila ako sa may bintana. That's all. "
" Ah. At least, alam kong may tumitingin sayo diyan habang wala ako."
" Speaking of, kamusta ka na dyan Ma ? Kamusta ang kundisyon ni Lola ? "
" Honestly, mukhang lumulubha ang sakit ng Lola mo. Kailangan niya pa ako rito kaya I don't think makakauwi agad ako dyan, Abrielle. "
" Pwede ba akong pumunta diyan ? " Tanong ko. Inikot ikot ko sa daliri ang wire ng telepono while waiting for her answer.
" Hindi mo naman alam ang papunta rito eh. Atsaka, may classes ka pa diyan."
Narinig ko sa kabilang linya na tinatawag na si Mama.
" Ingat ka na lang diyan, Mama. Baka ikaw naman ang magkasakit. "
" I am, anak. Ikaw rin, umuwi agad sa bahay, ha. Be responsible, Abrielle. Isang reason din kaya kita diyan iniwan is because I need to test your honesty and responsibility even more. "
" Oo ma ! Baka, hinihintay ka na nila. Love you ma ! "
" Maglock ka ng mabuti diyan, Abrielle. Wag magpapapasok ng kung sino sino, okay ? Love you too ! I'll call you again kung makakahagip ako ng signal dito. Bye ! "
" Bye, " binaba ko na yung phone at pumunta na sa may ref at nagbukas ng tuna. Kumuha na rin ako ng tinapay para mapalamanan. Nilagay ko lahat yun sa may counter at nagtimpla na ng gatas.
" Xymon, gusto mong kumain ? "
" Nope, di ako nagugutom. "
" Di ka natutulog, di ka rin kumakain. Sigurado ka bang di ka pa patay ? " Sabi ko sabay ngiti.
He stood up and walk towards me. Napahakbang ako palikod nung lumapit pa lalo si Xymon sa harapan ko.
" Kung patay na ako, dapat di ko magagawa to... "
He lowered his head in front of my face and then...
His lip touches mine....
&&&&&&
Hi there Bloomers !
How's your day ?
.....
Chapter's Question ,
" Nakakita ma ba kayo ng ghost ? Tell me about it. "
-ako kasi, ayaw kong makakita !!!! Mahilig pa naman ako sa mga horrors ! Pero, ayaw ko pa rin !!!-
#Radioactive by Imagine Dragons ata yun ? Basta ! Naalimutan ko na eh...
BINABASA MO ANG
His Soul
Teen FictionLumpit siya sa akin at sabing, " Nakikita mo ako ? " Tanong niyang gulat na gulat. "Malamang ! Di naman ako bulag eh !" Lumapit pa siya sa akin lalo at hinawakan ang braso ko. Tumayo ang balahibo ko at lumayo sa kaniya. Ang weird naman nitong lalaki...