Tumitingin siya sa paligid na parang may hinahanap. Nakakapagtaka nga at di siya tinitilian ngayon. Dinadaanan lang siya ng mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya at di pinapansin.
Nakatingin pa rin ako sa kaniya at bigla niyang napansin na nakatingin ako sa kaniya ! Agad naman akong umilang at pumasok na sa ladies' room.
Walang katao tao. Ako lang. Solo ko ngayon to !
Tumayo ako sa harapan ng salamin at yumuko para hanapin ang ointment ko para ilagay sa ulo ko. Tumingin ulit ako sa salamin at nakita si Xymon nakatayo sa gilid ko !!!
" Shit ! " Napaurong ako palayo at tumingin sa kaniya.
" Anong ginagawa mo rito sa loob ng ladies' room ? Sinara ko nga yang pintuan para walang makapasok dito. " Sabi ko.
Lumpit siya sa akin at sabing,
" Nakikita mo ako ? " Tanong niyang gulat na gulat.
"Malamang ! Di naman ako bulag eh !"
Lumapit pa siya sa akin lalo at hinawakan ang braso ko. Tumayo ang balahibo ko at lumayo sa kaniya. Ang weird naman nitong lalaking to !
" Ano bang problema mo, Xymon ? Lumabas ka na nga. Isusumbong kita na pumapasok ka rito sa loob ng C.R ng babae ! "
" Nakikita mo talaga ako !? "
" Oo nga ! Sino bang tao ang hindi ka makikita !? "
" Mga ordinaryong tao. "
" So, you're saying that I am not ? " Tanong ko habang inaayos ang laman ng bag ko.
" I don't know if you'll believe what I will say, but I need your help. "
Napalingon ako sa kaniya at tinitigan siya.
" Excuse me ? Did I heard that clear ? You need my help ? "
He rolled his eyes and sighed.
" I really need your help. "
" Alam mo Mr. Lavigne, ni hindi mo nga ako kilala para humingi ka ng tulong sa akin eh. Malay mo, masamang tao ako at may gawing masama sayo. Note Xymon, I'm stranger. Kaya please, umalis ka na at baka may makakita pa sayo rito sa loob. "
" No one can see me except you. "
" Are you nuts ? " Sabi ko habang nilalagpasan siya at lumabas na ng ladies' room.
Binilisan kong maglakad para di niya na ako masundan at pumasok na sa classroom ng parang walang nangyari.
Habang naglelecture ang isang teacher namin, napansin ko na si Xymon nakasandig sa may wall sa haparan ng pintuan namin sa labas ! Like, he's supposed to be at his classroom now ! Ano bang ginagawa niya rito ? Does no one teacher could see him right there ?
" No one can see me except you. "
Anong ibig sabihin nun ? Invisible siya ? Kung invisible siya, ba't nakikita ko siya ? Pinagloloko ba ako ah !?
" Ms. Saniver ? "
" Ms. Saniver ? "
Bigla kong naramdaman na may kumalabit sa akin sa gilid. Si Rhea. Tinuturo niya ang harapan. Lumingon naman ako at nakita ko na ang mga kaklase ko nakatingin sa akin pati na rin si Mrs. Castro.
" Ms. Saniver, " sabi niya.
" Yes, Maam ? " Tanong ko.
" Are you with us ? " Tanong niya sa akin. Lumunok ako at sabing,
" Yes, Maam. "
" Good. Then answer my question. " Lumingon-lingon ako sa mga kaklase ko. Nagbubulungan sila at hinihintay ang sagot ko.
" Uh... Maam... "
Bigla akong may naramdaman na sa gilid ko at binulungan ako,
" Perfect Squared Trinomial. "
Hindi ko alam pero, di ko mapigilan na hindi ulitin ang sinabi niya. Ni Xymon sa gilid ko.
" Perfect Squared Trinomial. " Sagot ko.
Mrs. Castro formed a smile on her face and went to the blackboard and wrote what I said.
" Very good, Ms. Saniver. " Sabi niya. Pilit akong ngumiti sa kaniya at umupo na. Lumingon lingon ulit ako sa gilid trying to find Xymon around here. Pero bigla siyang nawala.
The other subject ends fast at hihintayin ko na si Chloe sa gilid ng room nila. Nung naglabasan na sila, agad naman akong niyakap ni Chloe at sabing,
" I have to tell you something. "
BINABASA MO ANG
His Soul
Teen FictionLumpit siya sa akin at sabing, " Nakikita mo ako ? " Tanong niyang gulat na gulat. "Malamang ! Di naman ako bulag eh !" Lumapit pa siya sa akin lalo at hinawakan ang braso ko. Tumayo ang balahibo ko at lumayo sa kaniya. Ang weird naman nitong lalaki...